“Anong nangyari?” Tanong ni Simone na dumating sa hospital kasunod sina Lee at ang lolo nang dalaga. Matapos madala sa emergency room ang dalaga. Agad na tinawagan nang binata ang lolo ni Samantha para sabihin kung anong nangyari.
“Nasaan si Samantha? Anong nangyari?” tanong ni Leandro sa binata.
“Nasa loob siya nang isang silid at nagpapahinga. Bigla nalang siyang nawalan nang malay. Sabi nang mga doctor marahil dahil sa init nang panahon.” Wika nang binata.
“Lee, let’s transfer her sa hospital kung saan ako nag ta-trabaho.” Wika ni Simone saka tumingin sa binata.
“I’ll talk to her doctor.” Wika nito.
“Teka.” Wika ni Drake saka hinarang si Lee. “kakasabi ko lang na nawalan lang siya nang malay. Why make a big fuss? Pwede naman siyang makalabas kapag nagising na siya.” Wika pa nang binata.
“It’s better if we move her.” Mahinahong wika nang matanda. “Simone knows better. Siya ang family doctor alam niya kung anong dapat gawin.” Dagdag pa nito. hIndi nagsalita ang binata pero hindi rin maalis sa kanya ang magtaka. Ano bang itinatago nang mga ito sa kanya? Nakikita niya ang labis na pag-aalala sa mukha nang mga ito na para bang masamang nahimatay ang dalaga. Madalas naman sigurong mangyari iyon lalo na at dahil sa matinding init nang araw. At ilang beses na rin niyang napansin na tila hindi makatiis sa mainit na panahon ang dalaga at madaling mahilo.
Wala namang nagawa si Drake nang ipa-transfer nang matanda si Samantha sa hospital kung saan nagtatrabaho si Simone. Kahit wala siyang sinabi. Inobserbahan lang niya ang kilos nang tatlo. At para sa kanya talagang kahina-hinala ang kilos nang mga ito. They are so frantic sa nangyari.
“Hindi pa siya nagigising?” Tanong ni Drake kay Lee nang dumating siya sa hospital kinabukasan. Nasa pinto nang silid ni Samantha ang binata. Nang tinanong niya ang binata kung kumusta na si Samantha at kung nagising na ito. Simple lang nitong sinabi na hindi pa. Bagay na ipinagtaka naman niya. Nahimatay ang naman ang dalaga. Bakit naman ito hindi pa nagigising.
“Is she sick?” tanong nang binata.
“Nagpapahinga lang siya.” Wika ni Simone.
Napatingin naman si Drake sa bagong dating. Nakasuot ito nang puting lab gown habang papalapit sa kanila. Noon lang niya Nakita ang binata sa ganoong kasuotan. Noon lang din niya lubusang napagtanto na isa pala itong doctor.
“Ano bang nangyari sa kanya? Bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang malay?” tanong ni Drake sa binata nang makalapit ito sa kanila. Napatingin naman si Drake sa binata. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala sa nakikita niya. Nag-aalala ba ang binata kay Samantha?
“Gaya nang sabi ko, nagpapahinga lang siya.” Wika nang binata.
“Nagpapahinga? Wala naman siyang sakit, bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang malay. Or, there is something that you are keeping from me.” Ani Drake at sinundan nang tingin ang doctor. Natigilan si Simone, akma niyang bubuksan ang pinto nang silid ni Samantha nang marinig ang sinabi nang binata. Bigla siyang huminto at tumingin dito.
“Ano ang gusto mong sabihin ko?” Ani Simone saka tumingin sa binata. “Nag-aalala ka ba? This is the first.” Pasakristong wika nito.
“Hindi ko ba pwedeng tanungin kong ano ang kalagayan niya? Asawa----” biglang natigilan ang binata. Nag-aalala ba siya? Iyon ang tanong niya sa sarili niya. Mag-asawa lang sila ni Samantha dahil sa kontrata nila nang lolo nang dalaga. Hindi siya nagpakasal sa dalaga dahil may nararamdaman sila sa isa’t-isa.
“Asawa mo ba talaga siya?” sakristong wika ni Simone. “She is nothing to you but your ticket to get your company back. Wala kang pakiaalam sa kanya. You never showed her the care she deserves. We are not expected that from you. Kaya huwag kang mag balat kayo na nag-aalala ka sa kanya. Hindi mo man siya gustong tratuhin na asawa mo. Tratuhin mo siyang taong may nararamdaman.” Wika ni Simone saka binuksan ang pinto nang silid saka pumasok kasunod si Lee. Si Drake naman ay naiwan sa labas na nakatigalgal. Napakuyom siya nang kamao. He was dragged into this kind of situation. He didnt choose this kind of life to begin with. Dahil sa sitwasyon niya kaya siya nandoon.
“Gising kana pala.” Nakangiting wika ni Simone nang makapasok saka naglakad papalapit sa dalaga. Nakaupo ang dalaga sa hospital bed at nakatingin sa kanila ni Lee habang naglalakad sila papalapit dito.
“Lee, Doc.” Mahinang sambit nang dalaga. “A-anong ginagawa ko dito? Bakit ----” biglang natigilan ang dalaga. Wala siyang maalala sa nangyari. Ang huling natatandaan niya. Galit siya lumabas sa hospital dahil sa naging pag-uusap nil ani Drake. Bukod doon wala na siyang matandaan. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya. Parang huminto ang oras para sa kanya.
Nagkatinginan naman sina Lee at Simone dahil sa naging tanong nang dalaga. Nakikita nilang naguguluhan ang dalaga. Dumating na ba ang kinatatakutan nila? Alam naman nilang darating din ang ganitong pangyayari pero hindi nila inaasahang magiging ganito kabilis.
“Bakit ayaw niyong magsalita? Anong nangyari?” tanong nang dalaga nang makitang nakatingin lang sa kanya ang dalawang binata. Bigla siyang kinabahan. Alam niya kung anong epekto sa kanya nang sakit niya. Matagal nang ipinaliwanag sa kanya iyon nang mga doctor niya at ni Simone. Pero ang isiping nakalimutan niya ang ilang pangyayari. Bigla siyang natakot ibig bang sabihin noon. Malapit na rin niyang makalimutan ang mga tao sa buhay niya.
“Nawalan ka nang malay sa labas nang hospital.” Wika ni Drake na pumasok sa silid saka naglakad papalapit sa kanila. Napalingon naman sina Lee at Simone sa Binatang nagsalita. Maging si Samantha ay napatingin din sa binata. Habang nakatingin siya sa binata iniisip niyang Nakita nito ang nangyari sa kanya?
“What are you doing?” Tanong ni Simone sa binata.
“Sinasabi sa kanya ang nangyari. She has the right to know. Nahimatay lang naman siya. There is nothing to be frantic about.” Wika nang binata sa doctor saka tumingin sa dalaga.
Is she still angry? Tanong nang binata sa sarili habang nakatingin sa dalaga. Alam niyang nsaktan niya ang dalaga sa sinabi niya.
“Tungkol sa nangyari----” putol na wika nang binata.
“Lee, ayoko siyang makita ngayon.” Agaw nang dalaga sa ibang sasabihin nang binata saka inilayo ang tingin kay Drake. Ayaw niyang malaman nang binata na nakalimutan niya ang mga nangyari pagkatapos nilang mag-usap. O kahit ang ano mang tungkol sa sakit niya.
“A-ano?” Hindi makapaniwalang wika ni Drake sa narinig.
Suminyas si Simone kay Lee na palabasin na muna ang binata. Simple namang tumango ang binata saka lumapit kay Drake.
“Mabuti pa huwag mo muna siyang kausapin ngayon. Baka gusto niyang magpahinga.” Wika ni Lee at lumapit sa binata . Hindi naman kumibo si Drake. Iniisip niyang baka ayaw siyang kausapin ni Samantha dahil sa nangyari sa hospital. Aminado naman siya sa naging pagtrato niya dito. Talagang naunahan lang siya nang galit.
“Fine.” Wika nang binata saka tumingin kay Samantha. “For what I treated you the other day. I am sorry. I was being a jerk. Magihintay ko ----” anang binata saka umatras nang bahagya saka tumalikod at naglakad papalabas nang silid. Sinundan naman ni Lee ang binata at siniguradong nakalayo sa silid ni Samantha ang binata bago ito bumalik.
“Why do you have to push him away?” tanong ni Lee sa dalaga.
“It’s for the best.” Wika nang dalaga.
“Nag-away na naman ba kayo?” Tanong ni Simone.
“Huling naaalala ko. He was furious dahil pumunta ako sa hospital kung nasaan ang mama niya. I understand him. Ako ang huling taong gugustuhin niyang makita doon.” Wika nang dalaga.
“Pero mas curious ako sa kung anong nangyari saiyo.” Ani Simone. Napatingin naman si Samantha doctor.
“I don’t remember. It’s like my time stopped that moment a storm out of that hospital with anger and disappointment.” Sagot nang dalaga saka napahawak sa kamay niya. “I am not getting better, Am I?” tanong pa nito saka tumingin sa Binatang doctor. “I though I am prepared for---” biglang natigilan ang dalaga nang lumapit sa kanya si Simone at hinawakan ang kamay nito.
“Huwag kang magsalita nang ganyan.” Wika ni Simone. Though alam niyang wala siyang sasabihn makakapagpagaan sa nararamdaman nang dalaga. Alam naman nila kung ano ang mangyayari dito. Hindi niya kailangan bigyan nang false hope ang dalaga dahil alam nito sa umpisa palang kung ano ang magiging buhay niya.
“Hindi ko mapapagaan ang nararamdaman mo, so, let’s not talk about it.” Wika pa nang doctor. Hindi naman nagsalita ang dalaga. Maging si Lee ay tahimik lang din nakatingin sa dalawa.