“Bakit ka ba nagagalit?” Nalakasan ni Samantha ang loob niya at humakbang papalapit sa binata pero bigla siyang natigilan nang makita ang galit na ekspresyon sa mukha nang binata.
“Wala akong masamang intensyon sa pagpunta ko dito. Gusto ko lang----”
“Gusto mong malaman kung ano na ang kalagayan nang mama ko? Gusto bang malaman nang lolo mo kung sususnod na rin siya sa papa ko?” Sarcastic na wika nang binata sa dalaga. “Sa nakikita mo humihinga pa ang mama ko. Tulala lang siya dahil sa shock sa mga nangyari. And-----”
“Bakit ayaw mo akong patapusin sa gusto kong sabihin?” biglang agaw nang dalaga sa ibang sasabihin nang binata. “Nagagalit ka nang hindi man lang pinakikinggan ang sasabihin ko. Akala mo ba----”
“Kilala ko ang pamilya mo.” Napakagat nang pang-ibabang labi si Samantha dahil sa narinig niyang sinabi nang binata. Gaya nang dati, hindi na naman nito pinatapos ang sasabihin niya. Mukhang wala talaga itong balak na makinig sa anomang paliwanag niya.
“Talaga?” Sakristong ngumiting wika nang dalaga. “Ang alam mo lang naman ay tungkol sa kung ano ang sinasabi sa mga balita at tabloid. Hindi mo kami sinubukang intindihin. Dahil sa simpleng pagpunta ko dito nagagalit ka. Sige. Aalis na ako. Hindi na ako babalik dito.” Wika nang dalaga saka walang paalam na iniwan ang binata saka naglakad papalabas nang silid. Nabangga pa niya ang binata pero hindi binigyang pansin iyon ni Samantha.
Bigla namang natigilan ang binata nang dumaan sa harap niya ang dalaga nang makita ang pagpatak nang luha sa mga nang dalaga. Taka siyang napatingin sa dalaga. Parang biglang kumirot ang dibdib niya. Alam naman niya sa sarili niyang walang masamang intensyon si Samantha sa pagpunta doon. Baka gusto lang talaga nitong dalawin ang mama niya.
Napagtanto din niyang naging marahas ang pagtrato niya sa dalaga. Galit lang naman siya, tuwing naalala niya ang dahilan kung bakit nandoon ang mama niya at tulala hindi niya maiwasang hindi magalit. Nagpupuyos ang kalooban niya dahil sa labis na galit. Gusto niyang managot at pagbayarin ang mga taong may dahilan nang nangyari sa pamilya nila. Napakuyom nang kamao ang binata. Hind naman niya gusto maging masungit at masama sa harap ni Samantha kaya lang pinangungunahan siya nang galit.
“Ang sama niya. Pwede naman niyang sabihin sa akin nang mahinahon na ayaw niyang nandito ako. Kailangan pa niyang ipamukha na hindi niya ako magugustuhan kahit ----” inis na wika nang dalaga saka pinahid ang luha sa mata.
“Hindi na kita kakausapin.” Mariing wika nang dalaga saka huminto sa paglalakad sa gitna nang pedestrian noon lang niya nagtanto na nasa gitna na siya nang pedestrian lane at patawid nang kalsada. Sa labis niyang galit hindi na niya namalayan kung saan siya dinala nang mga paa niya. Napatingin si Samantha sa paligid. Nakahinto ang mga sasakyan sa magkabilang bahagi. Marami ding tumatawid na mga tao. Hahakbang na sana ang dalaga palayo dahil nakitang malapit nang magbago ang kulay nang stop light nang biglang tila nahilo ang dalaga. Natigilan siya.
Ilang sandali muling napatingin sa paligid ang dalaga pero nang mga sandaling iyon pakiramdam nang dalaga walang laman ang utak niya. Bigla siyang nakaramdam nang takot lalo nan ang bigla may bumusenang sasakyan. Napatingin siya sa isang lalaki na mula sa bintana nang driver’s seat bahagya nitong inilabas ang ulo saka sinita ang dalaga.
“Hoy! Anong ginagawa mo? Balak mo bang magpakamatay?” sigaw nang lalaki sa dalaga. Hungkag lang na nakatingin ang dalaga sa lalaki. Wala siyang naiintindihan. Bigla siyang napaupo sa kinatatayuan nang bigla uling mabumusenang sasakyan kasunod noon ang isa pa. Lalo lang nagulahan ang dalaga at hindi alam kung anong gagawin.
“Ano ba sa palagay mo ang ginagawa mo!” asik ni Drake na lumapit sa dalaga at hinawakan ang kamay nito saka walang pasabing hinatak patayo. Takang napatingin ang dalaga sa Binatang humatak sa kanya. Napakunot naman ang noo nang binata nang makita ang mukha nang dalaga. Nakatingin ito sa kanyang with those empty look. It was as if she doesn’t even know her.
“Ano ba! Umalis kayo diyan.” Sigaw pa nang isang driver. Napatingin naman si Drake sa nagsalita. Hindi kumikilos ang mga sasakyan at patuloy lang silang binubusenahan. Napatingin naman ang binata sa dalaga. Empty pa din ang ekspresyon nang mukha nito.
“Let’s go.” Wika nang binata saka inakay ang dalaga papalayo sa gitna nang kalsada. Nang makalayo ang dalawa saka namang muling umusad ang mga sasakyan.
Takang napatingin ang binata sa dalaga nang maramdaman niyang bilang nitong inagaw ang kamay sa kanya. Muli, Nakita niya ang tila hungkag na ekrespyon nang mukha nang dalaga. Para itong nabatang nalilugaw. Aligagang napapatingin sa paligid. Napansin din niya nang bigla itong umiwas sa mga nagdaraang tao. Nakakapagtaka ang kinikilos nito.
“Let’s go home.” Wika nang binata saka tinangkang hawakan ang kamay nang dalaga pero bigla siyang nagulat nang biglang iniiwas nang dalaga ang kamay sa binata. She is staring at him na para bang hindi sila magkakilala. Ang takot sa mukha nito. Hindi maintindihan ni Drake kung anong nangyayari.
“Ano bang nangyayari saiyo? Nagagalit ka pa rin ba dahil sa nangyari?” tanong ni Drake sa dalaga. “Okay, Look. Inaamin kong naging mabugso-bugso ako sa mga sinabi ko. I didn’t mean to hurt ------” biglang natigilan ang binata sa iba pa niyang sasabihin nang mapansing hindi naman nakikinig sa kanya ang dalaga at napapatingin lang ito sa paligid. Para itong nililigaw.
“Wait.” Wika nang binata nang makitang aktong aalis ang dalaga. Agad niyang hinawakan ang kamay nito. Nalilito siya sa nagiging kilos nito para itong batang hindi alam kung saan pupunta at kung anong nangyayari.
“Why are you acting this way?” Tanong nang binata. Lalo pa siyang naguluhan nang biglang marahas na bawiin nang dalaga ang kamay nito mula sa kanya at saka walang pasabing tumakbo patawid nang kalsada. Para itong wala sa sarili.
“Sam!” hintakot na sambit nang binata nang makitang biglang napaupo sa kalsada ang dalaga nang biglang may huminto na sasakyan sa harap nito. Kung hindi siguro ito nakapagpreno baka na bangga n anito ang dalagang wala sa sariling tumatawid kalsada. Nakita niyang hintakot na napatingin ang dalaga sa sasakyan sa harap niya.
“Seriously! What the hell are you doing. You’re acting like you are----” wika nang binata naglakad papalapit sa dalaga ngunit biglang naputol ang sasabihin niya nang biglang bumagsak sa daan ang dalaga na tila nawalan nang malay. Sa pag-aalala nang binata nagmamadali siyang lumapit sa dalaga at sinubukan itong gisingin nang hindi pa rin nagigising ang dalaga kahit tinatapik niya ang pisngi nito. Agad na binuhat nang binata ang dalaga saka nagmamadaling naglakad patungo sa hospital sa di kalayuan nila. Hindi niya alam kung anong nangyayari. But clearly, she is not okay.