Chapter - 36

1297 Words
"Did you approve this?” tanong ni Lee kay Drake at pumasok sa loob nang opisina nang binata saka inilapag ang papeles tungkol sa proposal ni Miguel sa bagong project nang Toy company nina Drake. This is the same project na ni -reject na dati nang binata. Sinabi niyang hindi pa handa ang kompanya sa ganoong project dahil sa ngayon palang unti-unting bumabangon ang kompanya nila. Napatingin naman si Drake sa inilapag na papeles ni Lee sa mesa niya. “Ano naman ngayon if her approve that? He is the owner of this company.” Wika ni Miguel na biglang pumasok sa opisina. “Let me be clear. He is still in training. And My client Mr. Montefuego is still the owner of this company.” Sakristong wika ni Lee sa lalaki. “Hindi pa natatapos ang kontrato mo sa kanya. So, technically wala ----” dagdag pa ni Lee saka tumingin sa binata pero na putol ang iba pang sasabihin nang binata nang biglang magsalita si Miguel. “Baka nakakalimutan mong acting CEO kalang. Empleyado ka lang din ni Leandro. Drake is the son of the former owner.” Agaw ni Miguel sa iba pang sasabihin ni Lee. Inis namang napatingin si Lee sa lalaki. Simula nang dumating ito sa factory nila. Gusto na nitong Gawin ang lahat ayon sa gusto nito. He can control Drake dahil sa utang na loob nang binata sa kanya. Buong akala ni Drake, Malaki ang utang na loob niya sa Tito Miguel niya dahil sa binigyan siya nito nang bahay na matitirahan noong Nawala sa kanya ang lahat. Ito rin ang gumastos sa pagpapahospital nang mama ni Drake. Hawak nito sa leeg ang binata dahil sa narrative nitong Malaki ang utang na loob ni Drake sa kanya kaya naman kaya nitong paikutin ang binata sa mga palad niya. “It’s not a bad project and you know that.” Wika ni Drake kay Lee. “Ikaw mismo ang nagsabi noon. Bakit naman kailangang patagalin bago pa e-approve ang project. At isa pa, bakit mo kinukwestion ang desisyon ko. Akala ko ba we are co-managing this company. You give me the permission to approve projects.” “Yes, I give you that authority. But not to use it like this. Akala ko rin naipaliwanag ko na saiyo na hindi ----” “Bakit ba tutol ka sa project ko? Alam mong magiging Malaki ang return nang investment na ito.” agaw ni Miguel sa sasabihin pa ni Lee. Talagang hindi ito nagdadalawang isip na ipakita kay Drake na hindi nito gusto ang mga desisyon ni Lee. Hindi rin naman gusto ni Lee ang tito ng binata. “I have made my decision.” Firm na wika ni Drake. “Wala kang sasabihing magpapabago nang pasya ko. Matagal nang nagtatrabaho si Tito Miguel sa kompanyang ito. kung may isa man dito na alam kung ano ang pamamalakad nang kompanya siya yun. Alam niya kung ano ang makakabuti sa kompanya. Just do your job as my mentor. Huwag kanang makiaalam sa mga pasya ko. Hindi ako isang batang paslit para ----” “Fine.” Agaw ni Lee sa iba pang sasabihin ni Drake. “Since you have made your decision. I’ll give it to you this time. But know this, the moment you mess up with this project. Hindi lang ikaw at ang tito mo ang malalakay sa malaking problema, hindi pa nakakabawi ang kompanya niyo. The reputation is still very low. If we launch product to match an international market. Malaki ang magagastos at Malaki din ang magiging lugi natin kapag hindi bumenta. Bare that in mind. Alam ko kung ano ang kakayahan nang kompanya nito. Pero sana inisip mo din ang naging epekto nang nangyari sa papa mo noon.” Mahabang paliwanag ni Lee. “But since there is nothing, I can do to change your mind. I can only hope this project will go well.” Wika ni Lee saka tumingin sa tito nang binata. “I don’t know what your plan is. Pero sana hindi yon para sa ikapapahamak nang pamangkin mo.” Wika nang binata saka kinuha ang papeles na inilapag niya sa mesa ni Drake saka walang paalam na lumabas nang opisina ni Drake. Ang totoo wala naman siyang pakiaalam sa mangyayari sa kompanyang iyon. Pero nagbigay siya nang salita kay Leandro at Samantha na tutulungan niyang makabangon ang kompanya nina Drake. Lalo na at isa ito sa naging parte nang kontrata nila. Alam niyang mabait ang matanda kahit na inipit nito sa isang deal si Drake. But he means no harm. That deal was even beneficial kay Drake. Kahit na isinasangkot ang pangalan nito sa pagkamatay nang lalaki. “Masyado siyang arogante.” Wika ni Miguel nang makalabas na ang binata sa opisina ni Drake. Hindi naman nagsalita si Drake at napatingin lang sa pinto. “Huwag mong sabihing nagdadalawang isip ka sa naging pasya mo? Sinasabi ko saiyo kapag naging----” putol na wika ni Miguel. “Hindi ako nagdadalawang isip. I am just thinking hindi ko pinaha----” “Huwag mo siyang isipin. Empleyado lang siya. Bilang susunod na may-ari nang kompanya kailangan mong desisyon. Tama ang naging desisyon mo at alam mong sususportahan kita.” Agaw ni Miguel sa iba pang sasabihin nang binata. *** "Anong ginagawa mo dito?” gulat na wika ni Drake nang maabutan sa loob nang silid nang mama niya si Samantha. Nang pumasok siya sa silid nang mama niya naabutan niya ang dalaga na naka-upo sa isang upuan sa harap nang kama nang mama niya habang kinakauap nito. At gaya nang dati, napaupo lang ang mama niya sa Hospital bed at nakatingin sa kawalan. Simula nang mamatay ang papa niya naging ganito na ang mama niya. Nagkanervous breakdown ito dahil sa labis na stress at depression lalo nan ang biglang magpakamatay ang ama niya, tapos hindi paman sila nakakapagluksa sa pagpanaw nang papa niya, biglang Nawala na sa kanila ang lahat sa isang kisapmata lang. Nasa hospital pa rin ang mama niya at nasa isang state of shock, Ayaw magsalita at hindi niya alam kung nakikinig bai to sa kanya tuwing kinakausap niya. Nakatitig lang ito sa kawalan. “Drake.” Mahinang sambit nang dalaga saka tumayo sa kinauupuan nang makita ang Binatang pumasok. Napatingin siya sa dala nitong basket nang prutas at bulaklak. “Alam ko kung ano ang pangalan ko.” Inis na wika nang binata. Ang tinatanong ko ay kung ano ang ginagawa mo dito at kung paano mo nalaman ang lugar na ito?” Tanong pa nang binata saka tumitig sa kanya. Habang nakatitig si Samantha sa binata, nakikita niya ang galit sa mukha nito. She can understand kung bakit magagalit ito sa kanya. Hindi siya nag-paalam na pupunta siya sa hospital. Talagang magugulat ito lalo na at siya siguro ang huling taong inaasahan nitong makikita sa loob nang silid nang mama niya. “Dinalaw ko lang ang mama mo. Simula kasi nang ikasal---” “Excuse me?” agaw nang binata sa iba pang sasabihin ni Samantha bigla namang napaigtad ang dalaga sa tono nang boses nang binata. “Simula nang ikasal tayo you say? Bakit kita dadalhin dito? What made you think na may Karapatan kang pumunta dito? Kahit ikaw pa ang pinakahuling babae sa mundo and I have no choice but to marry you. Hindi kita ipapakikilala sa pamilya ko.” Galit na bulalas nang binata. Hindi naman nakakilos ang dalaga sa kinatatayuan niya. Para siyang binuhusan nang malamig na tubig sa narinig niya. Ganoon ba kalaki ang galit sa kanya nang binata para masabi nito ang mga nasabi ngayon? “I don’t have Ill intention sa pagpunta ko dito. I know, hind imo naman ----” “Then why come here?” Agaw muli nang binata sa sasabihin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD