"May nangyari ba?” tanong ni Lee kay Simone na nakauposa isang upuan sa harap ni Samantha. Dumating siya sa restaurant kung sinabi ni Simone na manananghalian sila. Nang dumating siya agad niyang napansin ang dalagang halos hindi man lang kumakain. Parang wala ito sa sarili at nilalaro-laro lang ng hawak nang tinidor ang pagkain niya habang nakatingin sa malayo.
“Anong nangyari?” Muling tanong ni Lee kay Simone bago maupo sa bakanteng upuan.
“Well, kanina pa siyang ganyan. Dahil siguro sa asawa niyang mas piniling sumama sa Ex nito sa mananghalian.” Wika ni Simone.
“Oh, Nagseselos ba?”
“Looks like it.” Natatawang wika ni Simone saka bumaling sa dalaga.
“Hindi ako nagseselos.” Wika nang dalaga saka binitawan ang hawak na tinidor. “Of course, he will choose na sumama sa ex niya. Opportunity na nila iyon. Lalo na ngayon at-------”
“Hindi siya nagseselos.” Nakangiting wika ni Lee saka tumingin kay Simone.
“Hindi sabi!” medyo nagtaas nang boses na wika ni Samantha saka tumingin sa binata. Nataas lang nang kamay ang binata na parang sinasabing ‘hindi na ito magsasalita at wala na itong sinabi’. Nang magtaas nang kamay ang binata napansin ni Samantha ang dala nitong paper bag.
“Oh.” Sambit ni Lee nang mapagtanto na nakatingin ang dalaga sa bag na hawak niya. “Ito na ang sapatos mo Cinderella.” Wika nito saka iniabot sa dalaga ang dalang bag na may lamang bagong biling sapatos. Bago siya pumunta nang restaurant sinabi ni Simone na dumaan muna siya sa tindahan nang sapatos at bumili nang sapatos para kay Samantha. Dahil sa nangyari kanina, hindi na nakuha ulit ni Samantha ang sapatos niya at hindi rin sila dumaan ni Simone sa tindahan nang sapatos.
“Thank you.” Sambit nang dalaga saka kinuha ang paper bag.
“Ano bang nangyari bakit Nawala ang sapatos mo?” tanong ni Lee sa dalaga.
“Mahabang kwento.” Wika nang dalaga saka nagsimulang isuot ang dalagang sapatos ni Lee para sa kanya. Nakatingin lang sa kanya ang dalawang binata habang nagpapalit siya nang sapatos.
“Nag-order na ako nang pagkain para saiyo. Kumain kana babalik ka pa sa opisina diba?” wika ni Simone kay Lee. Ngumiti naman ang binata saka nagsimulang kumain. Matapos isuot ni Samantha ang sapatos niya. Napatingin siya sa dalawang binata. Simpleng napatingin si Samantha sa doctor habang nakatitig lang ito sa Binatang kumakain.
“Alam mo doc, baka hindi na malunok ni Lee ang kinakain niya kapag ganyan ang titig mo sa kanya.” pabirong wika nang dalaga sa doctor.
“Yeah right, kumain ka nalang.” Wika nito saka pinitik ang noo ng dalaga agad namang nasapo nang dalaga ang noo niya dahil sa ginawa ni Simone.
“Aw.” Daing nang dalaga habang hawak-hawak ang noo niya. “Lee, tingnan mo ang ginawa ni Doc.” Nagsusumbong na wika nang dalaga sa Binatang nasa tabi.
“Just eat. Ang mga batang tulad mo dapat kumakain sa tamang oras.” Kunwari ay binalewala ni Lee ang sinabi nang dalaga at ginagap ang kamay nito at inilagay ang tinidor sa kamay.
“Pinagkakaisahan niyo naman akong dalawa.” Napalabing wika nang dalaga.
“You are such a baby.” Natatawang wika ni Simone sa dalaga.
“Ah.” Biglang wika nang dalaga na tila may naalala. Dahilan naman na biglang nagulat sina Simone at Lee.
“Bakit?” Sabay na tanong nang dalawang binata.
“Alam mo na ba kung saang hospital naka confine ang mama ni Drake?” tanong ni Samantha saka bumaling sa binata.
“Goodness, akala ko naman kung ano.” Sambit ni Simone. “Here.” Wika ni Simone saka inilapag ang piraso nang papel sa harap nang dalaga, nakasulat doon ang address nang hospital. Nakiusap si Samantha kay Simone na alamin kung saang hospital nakaconfine ang mama nito dahil gusto niya itong dalawin.
“Thanks.” Masayang wika nang dalaga at kinuha ang papel na inilapag ni Simone.
“Bakit kailangan mo pang humingi nang tulong kay Simone na hanapin ang hospital kung nasaan ang mama niya? Pwede mo namang tanungin ang asawa mo.” Wika ni Lee. Napatingin naman ang dalaga kay Lee.
“Sapalagay mo ba sasabihin niya sa akin?” tanong nang dalaga. “Alam mo naman siguro na----” putol na wika nang dalaga.
“I know.” Agaw ni Lee sa dalaga. “This marriage should make you happy sa nalalabing panahon nang buhay mo, pero tingnan mo ang nangyayari ngayon. Mas kunsuminado kapa kumpara sa dati.” Wika ni Lee. Napatingin naman ni Simone sa dalaga. Sang-ayon siya sa sinabi ni Lee. She wanted to marry her long time crush dahil gusto niyang maranasan ang mga bagay na hindi na niya mararanasan. She has very limited time. Dahil sa aksidente noo bata pa si Samantha, she sustain a life long injury. Though she was able to survive, she lost all her memories at ngayon, her health is deteriorating and one day she will just fall asleep and never wake up.
“Gusto mo bang hanggang sa huling araw mo maging problemado ka? Alam mong mahihirapan kang panoorin nang mga taong nagmamahal saiyo. Ako, si Simone at ang lolo mo. Kahit naman----” putol na wika ni Lee.
“I’ll stop kung talagang hindi niya ako magagawang magustuhan man lang. Hindi naman ako magpapakamartyr no.” wika ni Samantha at tumingin kay Lee. Alam naman niyang hindi niya pwedeng turuan ang puso ni Drake namahalin siya. Halos magmakaawa siya kay Drake na kahit isang taon lang sana mabuhay sila na parang mag-asawa pero parang hindi naman mangyayari iyon nakikita naman niya kung sino ang laman nang puso nang binata. Wala siyang magagawa para baguhin iyon lalo na at hanggang ngayon galit pa rin ito sa kanila.
“let’s just give her more time.” Wika ni Simone. “Gaya nang sabi niya she will stop. I know she will when the right time comes.” Wika ni Simone at tumingin sa dalaga. Napangiti naman si Samantha sa sinabi nang doctor.
“Kelan naman yun?” tanong ni Lee.
“Masyado ka namang atat. Maghintay ka lang.” natatawang wika ni Simone sa kaibigan. “But really, I am with Lee sa mga sinabi niya. And I am hoping you can soon realize na hindi mi kailangang sayangin ang mga araw mo kasama si Drake. Don’t torture yourself. Huwag mong hanapin sa iba ang pagmamahal. Kaya naman naming ibigay iyon. Nandiyan ang lolo na kahit ata mundo ibibigay saiyo.” Dagdag pa ni Simone. Wala namang duda si Samantha sa kayang ibigay nang mga taong mahal niya. Simone and Lee are like her older brothers, they will probably give her their life. Ang lolo naman niya. Kahit anong gusto niya ibinibigay sa kanya kahit ang ibig sabihin pa noon ay ang ma-misunderstood siya nang mga kapatid niya.