Si Samantha ay nakatayo pa rin sa gilid ng kalsada, nag-aatubiling tumawid. Sa tuwing susubok siya, bigla siyang aatras, hindi maalis sa isip ang imahe ng isang aksidente na nagdudulot sa kanya ng pag-aalinlangan. Napansin niyang nasa ilalim ng mga sasakyan ang kanyang sapatos, at dahil ilang ulit na itong nasagasaan, ito'y napapalayo. Sumasakit na ang kanyang paa sa init ng semento. Hindi siya makauwi dahil wala siyang dalang pera, sinamahan niya si Drake sa kompanya nito at nakalimutan niyang dalhin ang bag niya, naisip lang naman niyang lumabas dahil inaantok siya sa loob, wala naman siyang ginagawa sa factory hindi rin niya maistorbo si Lee at Drake dahil masyadong busy ang dalawa. Hindi naman niya inaasahan na mapapasubo siya sa isang gulo dahil sa pakikialam niya. Tuloy ngayon nakatayo siya sa harap nang kalsada nang isa palang ang sapatos sa paa.
Sa lahat nang nang pwedeng ibato sa kanya bakit sapatos mo pa, Minsan hindi ka rin nag-iisp. Away ni Samantha sa sarili niya habang nakatingin sa sapatos niya.
Bumuntong-hininga si Samantha at sa wakas ay naglakas-loob na hakbangin ang kanyang sapatos. Lahat ng sasakyan ay nakahinto dahil sa pulang ilaw, kaya naisip niyang ligtas na kunin ang sapatos niya. Hindi pa man siya nakakatawid, bigla siyang natigilan nang biglang nanghina ang tugod niya. Bigla siyang nanginig at tila ba sa harap niya ay ang isang bumaliktad na kotse, nakikita niya ang duguang sakay noon. Bigla siyang napaatras sa takot, ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ang imaheng iyon ang nakikita niya? Hindi na siya makakakilos dahil sa labis na takot, bigla naging malalim ang pahinga niya. Nahihirapan siyang huminga she is shaking.
"What is that idiot doin?" tanong ni Drake nang makita ang dalagang nakatayo sa kalsada na tila napako sa kinatatayuan. Tila hindi rin nito napansin ang mga bumubusenang sasakyan. Kanina pa nagpalit nang kulay ang traffic light pero parang wala sa sarili ang dalaga. Bigla niyang naalala ang minsang nangyari sa labas nang kompanya nila. It was like this. Para itong takot tumawid nang kalsada. Napatingin ang binata sa paligid saka nagmamadaling lumapit sa dalaga.
Takang napatingin si Samantha sa may-ari ng kamay na biglang humawak sa kanya. Maya-maya biglang niyang naramdaman na binuhat siya nito.
"Natutulog ka ba habang nakatayo. Ano sa palagay mo ang ginagawa mo." asik ni Drake sa dalaga.
“What are you doing? Put me down.” Wika nang dalaga nang marealize ang ginawa nang binata sinubukan niyang magpumiglas ngunit hindi parin siya ibinaba nang binata.
“Just stay still! Baka mabitawan kita.” Wika nang binata.
“You can put me down. I didn’t say----”
“And try to shut your mouth.” Wika nang binata na tumingin nang derecho sa mukha nang dalaga. Biglang natigilan ang dalaga nang masalubong ang mata nang binata. Galit ba ito sa kanya? Hindi naman bago sa kanya ang kasungitan ni Drake pero may kakaiba sa matalim na tingin nito.
“Put me down. This is embarrassing.” Mahinang wika nang dalaga saka ikinubli ang mukha dahil pakiramdam niya nag iinit ang mukha niya dahil sa hiya. Hindi naman sumagot ang binata. Naglakad lang ito patungo sa kabilang bahagi nang kalsada.
"P-wede na akong maglakad." halos pa bulong na wika nang dalaga. Habang karga-karga siya nang binata ayaw tumigil nang dibdib niya sa pagkabog. Nabibingi na siya sa lakas nang kabog nang dibdib niya.
"Sige nga paano ka maglalakad nang isa lang ang sapatos mo?" tanong ni Drake na hindi pinansin ang sinabi nang dalaga.
"Pwede mong tawagan si Lee. Nasa opisina siya diba? Magpapahatid ako sa kanya." wika nang dalaga. Biglang natigilan ang dalaga nang tumigil sa paglalakad ang binata saka napatingin sa kanya. Galit na naman ang binata? May sinabi ba siyang hindi niya nagustuhan? alam naman nitong si Lee ang isa mga pinagkakatiwalaan niya.
"Ibang lalaki ang hinahanap mo habang nasa bisig ka nang asawa mo. Anong gusto mong maramdaman ko?" seryosong wika nang binata.
"H-ha?" nautal na wika nang dalaga. Paano siya magrereact sa narinig niya? Dapat ba niyang bigyan nang kahulugan iyon?
"Mas gusto mo pa sigurong ang Lee na iyon ang gumagawa saiyo nito." inis na wika nang binata.
"Wala namang masama, lumaki naman akong kasama si Lee. Ah! nagseselos kaba?" wika nang dalaga saka napangiti sa huling binanggit niya nang makabawi sa pagkabigla sa sinabi nang binata.
"Ay!" impit na tili nang dalaga nag tila bibitawan siya nang binata at dahil sa pagkabigla sa ginawa niyo agad siyang napakulawit sa leeg nang binata para hindi tuluyang bumagsak. Lihim naman napangiti ang binata dahil sa naging reaksyon nang dalaga lalo na nang mahigpit itong humawak sa kanya.
"What's that for." wika nang dalaga nang makabawi saka mahinang hinampas ang balikat nang binata saka bahaghang lumayo at tumingin dito.
"Drake?" isang boses nang babae ang narinig nila. Nang marinig nila ang nagsalita napatingin sila sa pinanggagalingan nang boses saka nila nakita si Nancy. Nakatingin ito sa kanila lalo na at karga-karga ni Drake ang dalaga.
"Anong ginagawa niyo dito? Bakit---" putol na wika nito saka tumingin kay Samantha. "Nakalimutan mo ba kung papaano maglakad at kailangan ka pang buhatin ni Drake." sakristong wika nito kay Samantha.
"Ano?!" hindi makapaniwalang wika ni Samantha. Napatiim bagang ang dalaga. Nagsisimula na siyang mainis sa dalagang ito.
"Nancy, what are you doing here?" tanong ni Drake na tumingin sa dalaga.
"Pumunta ako sa factory para dalhan ka nang tanghalian. Alam ko kasing hindi nag-aagahan sa inyo kapag sabado at lingo." wika nito saka ipinakita ang dalang lunch box. Napatingin naman si Samantha sa dala nito. Bakit alam ni Nancy ang tungkol doon. Totoong hindi nag-aagahan ang binata sa mansion tuwing sabado at linggo dahil umiiwas ito sa pamilya niya. Mukhang sinasabi sa kanya ni Drake ang nangyayari sa bahay nila.
"Ibaba mo na ako. Kaya kong maglakad mag-isa." wika nang dalaga saka nagpumilit na kumawala sa binata. Wala namang ibang nagawa ang binata kundi ang ibaba ang dalaga.
"Wala ka sa factory kaya hinanap kita. Maglunch na tayo. May malapit na park dito." wika pa nang dalaga kay Drake saka ngumiti. Simple namang tumingin si Drake sa dalaga.
Tatanungin mo ako kung okay lang sa kin na sumama ka sa kanya? Inis na wika nang dalaga nang tumingin sa kanya ang binata.
"Pero baka hindi pwede kasi---"
"It's fine." agaw ni Samantha sa sasabihin ni Nancy saka tumingin kay Drake na tila nabigla sa sinabi niya. Naku kunwari kapa e-alam ko namang gustong-gusto mong makasama yang ex mo. wika nang dalaga sa isip niya.
"Great! let's go." wika pa nito saka hinawakan sa braso nag binata saka akmang aakayin papalayo nang biglang tinanggal nang binata ang kamay nito. Natigilan naman si Nancy sa ginawa nang binata saka napatingin dito. Nakita niya ang iritadong mukha nang binata habang nakatingin sa dalaga.
"Sam." Isang pamilyar na boses ang narinig nila. Napatingin ang tatlo sa kotseng huminto sa tapat nila. Doon nakita nila ang doctor na nakatingin sa kanila. Nakababa ang bintana nang sasakyan nito habang nakasilip sa kanila.
"Doc." masiglang wika ni Samantha nang makita ang doctor. Nang marinig ni Drake ang masiglang boses nang dalaga taka naman siyang napatingin dito. Parang excited pa itong makita ang doctor.
"Anong ginagawa mo dito? Nasaan si Lee?" tanong nito sa dalaga.
"Mabuti pa, iwan ko na kayo. Enjoy your lunch." wika nang dalaga na hindi hinintay ang sasabihin ni Drake at nagmamadaling pumasok sa sasakyan ni Simone. Maging si Simone ay nabigla din sa kinilos nang dalaga.
"Mag drive kana." mahinang wika nang dalaga sa binatang doctor.
"Bakit?" Takang tanong nito.
"Just go." Anang dalaga. Napakibit balikat naman si Simone saka pinaandar ang sasakyan nang hindi man lang nagpapaalam kay Drake. Nakakuyom lang ang kamao ni Drake habang pinapanood ang papalayong sasakyan ni Simone, Habang si Nancy naman ay nakatayo lang at nakatingin sa tila naiinis na mukha nang binata, Hindi naman ito ang unang beses na nakita niyang nagalit o nainis ang binata pero bakit parang may kakaiba sa ekspresyon na iyon ng binata. Alam niyang walang nararamandan ni Drake Samantha. Pero hindi niya maintindihan kung iyon pa rin ba ang sa palagay nang binata o may nagbago na.