"Let's just talk later," sabi ng binata sa dalaga bago niya lapitan ang ginang na tinulungan ni Samantha. Umalis na ang lalaki at ang babaeng modelo, kaya naman nilapitan na ni Drake ang ginang. Tinitigan lang ni Samantha ang binata. Nakita niya kung paano niya kamustahin ang ginang at tinanong kung siya ba ay nasaktan. Sa tingin ni Samantha, parang magkakilala ang dalawa.
"I'm more afraid of him than of that jerk.," komento ng dalagang katabi ni Samantha.
"Ha?" Nagtatakang lumingon si Samantha sa dalaga. Ngumiti naman ito sa kanya.
"Salamat sa tulong mo. Pero hindi mo naman talaga kailangang gawin iyon. Nawala pa ang sapatos mo," sabi nito sabay turo sa paa ni Samantha na nakatapak sa lupa. Nang mapansin ni Samantha ang tinuturo ng dalaga, agad niyang inangat ang paa niyang walang sapatos.
"Ano ba naman ang isang sapatos kung nakatulong naman ako sa iba," sabi ng dalaga sabay ngiti.
"You have a point," sang-ayon nito sa kanya. "I'm Denise," pakilala nito sabay lahad ng kamay sa dalaga. "I know that, that handsome snob is your husband. He's my cousin," dagdag pa nito sabay turo kay Drake na inaakay ang ginang papalapit sa kanila.
“Samatha.” Wika ni Samatha at tinanggap ang pakikipagkamay nang dalaga.
“Nice to finally meet you, Samatha.” Ngumiting wika ni Denise. Taka namang napatingin si Samantha sa dalaga. Pinsan nito si Drake? Hindi yata nito nakita ang dalaga sa kasal nila. Then she realizes, wala palang inimbitahang kaibigan or pamilya si Drake sa pamilya nito. It was not even a real wedding for him. Thinking about that, biglang kumirot ang dibdib niya.
“Excuse me.” Wika nang dalaga saka kumalas sa pakikipag kamay sa kanya at naglakad patungo sa pinsan nito at sa ginang.
“You are such a troublemaker.” Wika ni Drake sa pinsan saka pinitik ang noo nito. Dahil naman sa ginawa nang binata agad na sinapo nang dalaga ang noo. Pinapanood ni Samatha ang tatlo habang nag-uusap at nakikita niyang normal na normal sa mga ito ang ginagawa kahit sa harap nang maraming tao. Habang pinapanood niya ang mga ito biglang may kirot sa puso niya dahil hindi siya itatrato nang ganoon ni Drake.
She is his wife in paper at hindi dahil sa mahal nila ang isa't-isa. Hindi niya maintindihan kung bakit nakakaramdam siya nang selos. If only, Drake can treat her like that or kinder. But how can he, if he is despising her and her family.
Hindi na niya hinintay na makalapit sa kanya ang tatlo pasimple siyang umalis bago pa siya mapansin ni Drake. Naisip niyang baka makaistorbo lang siya sa mga ito. Naglakad siya patungo sa kalsada para tingnan ang kanyang sapatos na itinapon nang lalaki. Nagbabalak sana siyang Kunin iyon ngunit natatakot siyang humakbang patawid. Gaya nang una, tuwing humahakbang siya pumapasok sa isip niya ang imahe nang isang aksidente. Hindi niya alam kung bakit but those images keeps on popping up.
“Bakit Drake?” tanong ni Denise nang tila may hinahanap ang pinsan niya. Napansin niyang napatingin ito sa paligid
“Nakita mo ba si Samantha?” tanong ni Drake pinsan.
“Who? Samatha?” tanong nang dalaga.
“Yes.” Simpleng wika nang binata.
“I don’t know. Dito ko lang siya iniwan.” Wika ni Denise na napatingin din sa paligid.
“That Girl.” Gigil na wika ni Drake. napansin naman ni Denise ang ekspresyon nang mukha ni Drake. Nag-aalala ba ito?
"Akala ko ba wala lang saiyo ang asawa mo? Bakit para kang nag-aalala? Pinalitan mo na ba si Nancy sa puso mo?" tanong ni Denise saka tumingin nang derecho sa binata. Natigilan naman si Drake sa pagtingin sa paligid ka tumingin kay Denise. Para sa kanta nothing has change sa trato niya kay Samantha. At hanggang sa mga sandaling iyon si Nancy parin ang nasa puso niya kahit na alam niyang hindi pa sila pwedeng magsama ngayon. Marami pa siyang dapat resolbahin sa buhay niya. Isa na doon ang pagbawi sa kompanya nila.
“Go find her.” Wika ng ginang na mama ni Denis at siyang inaalalayan nang binata. Tinapik nito ang kamay nang binata na nakahawak sa kanya. Senyales ito na okay lang dito na iwan siya nito. Napatingin naman ang binata sa mama niya.
"Asawa mo siya hindi ba? Go find her." nakangiting wika nito sa binata.
"Mama, hindi na kailangan yun, Mag-asawa lang naman sila sa papel. I am sure si Nancy pa rin ang mahal ni Drake. Besides, I don't think that girl is dumb para hindi malaman kung papaano umuwi no." Sakristong wika ni Denise sa pinsan.
“I’ll go look for her. Ikaw nang bahala kay Tita. And don’t forget maguusap pa kayo nang lalaking iyon. Make sure to settle this peacefully.” Wika ni Drake sa pinsan niya.
“Siya lang naman tong mapilit. Sinabi ko nang hindi bagay sa kapatid niya ang bagong concept nang design ko nagpupumilit parin.” Reklamo ni Denise.
“But it doesn’t mean sa public place ka nag-aamok. Anong gagawin mo kapag kumalat ang balitang ito?" Wika nang binata sa pinsan. "Don't be stubborn ang settle this peacefully."
“OO na. aayusin ko na to.” Lumabing wika nang dalaga.
“I’ll go first. Hahanapin ko pa yung isang pang sakit sa ulo.” Wika ni Drake sa ginang saka hinalikan ito sa noo. “Be Good.” Habilin nito sa pinsan bago nagmamadalin umalis. Napangiti lang si ang ginang habang inihahatid nang tingin ang binatang papalayo.
"Sa palagay ko talaga nagkakagusto na si Drake sa babaeng yun." komento ni Denise.
"Sapalagay ko naman hindi masamang babae ang napangasawa niya." wika pa nito sa anak.
"Ma, narinig mo ba ang sinabi ni papa? Masyadong manipulative ang pamilya nila, ni hindi nila binibigyan si Drake nang pagkakataong makapagdesisyon sa sarili niyang kompanya. Recently they've rejected his project. Hindi ko maintindihan sa dinami-dami nang lalaki sa mundo si Drake pa talaga ang pinakasal nila sa apo nila no. At kung bakit pumayag si Drake na makasal sa kanya." mahabang sabi ni Denise.
"Alam mo namang, gusto niyang mabawi ang kompanyang ipinundar nang papa niya. At hanggang ngayon nasa hospital pa rin ang mama niya." wika pa nito. "Tayo na, balikan natin ang mga pinamili ko para maka-uwi na tayo." wika nito sa anak saka tinapik ang kamay nitong may hawak sa kanya saka inakay patungo sa harap nang supermarket kung saan naiwan ang shopping cart na may lamang pinamili niya.