Chapter - 32

1273 Words
"Let me help you.” Sinabi ni Samantha sa isang ginang sa labas ng grocery store na nakita niyang nahulog ang mga pinamili nito nang siya'y mabangga ng isang lalaking nagmamadali. Tumigil lamang ang lalaki, saglit na tumingin sa ginang, at nagpatuloy sa pagpasok. Walang sinumang tumulong sa ginang kahit na nakita nilang nahihirapan itong pulutin ang mga prutas na nagkalat. "Salamat, Hija," sabi ng ginang nang humarap siya sa dalagang tumulong sa kanya sa pagpulot ng mga nagkalat na pinamili. Bigla siyang natigilan nang makita ang mukha ng dalaga. Parang nakita na niya ito sa kung saan. "Hey! What do you think you're doing?!" narinig nilang sigaw ng isang dalaga. Napalingon si Samantha sa nagsalita, gayundin ang ginang na tinulungan nila. Nakita nila ang isang dalaga na hawak ang kamay ng isang lalaki habang tila nagtatalo sila. Sa likod ng lalaki ay may isang babaeng matangkad. "I told you, he's not suitable for the job. Why is it so hard to understand? Hindi---" narinig nilang sabi ng dalaga ngunit bigla itong natigilan nang biglang hawakan ng lalaki ang kwelyo ng damit niya. "Denise!" Napatingin si Samantha sa ginang na tinulungan niya nang biglang ito magsalita habang nakatingin sa dalaga at lalaking nagtatalo. Nang makita ang ginawa ng lalaki, agad niyang binitawan ang kanyang dala, dahilan upang muling magkalat ang mga prutas na kanilang dinampot. Hahabulin sana niya ang ginang ngunit napansin niya ang mga nagkalat na grocery. Naisip niyang damputin muna ito bago lapitan ang dalawa. "What are you doing, young man?" Mahinahong tanong ng ginang sabay hawak sa kamay ng lalaki. "Sa tingin ko ay hindi tama ang ganito sa isang pampublikong lugar," sabi ng ginang. Nagulat si Samantha sa ginang; hindi niya inakalang mas pipiliin nitong makialam sa hindi pagkakaunawaan ng magkasintahan kaysa asikasuhin ang nagkalat niyang pinamili. "Who the are you and why are you getting involved?" Galit na tanong ng lalaki sabay marahas na itinulak ang ginang, na dahilan upang ito'y biglang mapaupo sa semento. "Ma!" gulat na sigaw ng dalaga nang makita ang ginawa ng lalaki sa ginang. "Hey! Jerk! Don't you have any manners?" galit na sambit ng dalaga, sabay tulak sa lalaki at dali-daling tinulungan ang inang nakaupo sa lupa. Lalapitan sana ng isang security guard ng tindahan nang bigla siyang bantaan ng lalaki. "Huwag kang makialam dito!" galit na sabi ng lalaki, na tumingin sa security guard na sasaklolo sana sa ginang na natumba sa semento bago muling hinarap ang dalaga. "Did you just push me?" iritadong tanong ng lalaki dahil sa ginawa ng dalaga. "I did," matatag na sagot ng dalaga habang tinutulungan niyang makatayo ang kanyang ina. "Ang tapang mo," sabi niya bago marahas na sinampal ang dalaga. Nakita ni Samantha ang pangyayari, pati na rin ang ibang tao sa paligid. Ang ilan ay kumukuha ng video at larawan ng insidente. "Wala pang nagpapahiya sa amin ng ganito. She isn't cut for the job. Sino ka ba para magsabi niyan? Isa ka lang namang small-time na fashion designer. Ano na ba ang narating ng pangalan mo? Kung wala ang sikat mong apelyido, sino ka ba?" hamon ng lalaki. “Hijo. Please stop this. This is not-----” naputol na sasabihin nang ginang dahil galit na bumaling sa kanya ang binata. "Tumahimik ka!" utos niya at akmang sasampalin ang ginang ngunit biglang natigilan nang tumama sa kanyang kamay ang isang sapatos. Dahil dito, napalingon ang lalaki sa pinagmulan ng sapatos. Ang ginang at ang dalaga ay napatingin din doon. Nakita nila si Samantha na walang sapatos sa isang paa habang nakatungtong ito sa kabilang paa upang suportahan ang sarili sa pagtayo. Namangha si Denise sa tapang ng dalagang tumulong sa kanila, hindi siya makapaniwala. Kahit ang security guard ay hindi makalapit dahil sa galit ng binata, ngunit si Samantha ay walang takot. "Did you scuff me with your filty shoes??" tanong ng lalaki habang pinupulot ang sapatos ng dalaga. Filty? huh, ang yabang! inis na wika ni Samantha nang marinig ang sinabi nang lalaki. "I suppose I did. Look, I'm sorry; I didn't mean to. It's just that you're being unreasona—" biglang naputol ang sasabihin ng dalaga nang makita niyang ibinato ng lalaki ang kanyang sapatos sa kalsada. "Hey, you shouldn't have done that!" reklamo ni Samantha nang makitang tinatapakan ng mga sasakyan ang kanyang sapatos. Nakita niyang lumalapit sa kanya ang lalaki. "Bakit? May reklamo ka? Ang lakas nang loob mo ah. Don't you know who I am?" bulyaw ng lalaki habang naglalakad papalapit sa kanya. Samantha, nicely done you're in big trouble. Sa isip-isip ng dalaga habang pinapanood ang lalaki na papalapit sa kanya. "Alam mo ba ang mangyayari sa mga pakialamera na katulad mo?" bulyaw ng lalaki na tila hahawakan ang dalaga. Sa gulat, biglang umatras si Samantha at dahil isang paa lang ang nakatapak sa lupa, nawalan siya ng balanse. Ngunit hindi siya tuluyang nahulog dahil may sumalo sa kanya mula sa likuran. Nang tumama ang likod niya sa isang malapad na dibdib, agad siyang lumingon sa may-ari nito. Laking gulat niya nang makita si Drake sa kanyang likuran. "So,this is where you went," sabi ng binata sabay tingin sa kanyang mukha. "Kanina pa kita hinahanap. Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa?" tanong ng binata habang nakayuko sa kanya, sa tangkad nito ay tila ba siya'y kanyang inaalalayan. Habang nakatitig siya sa mukha ng binata, hindi niya maipaliwanag kung bakit bigla siyang nakaramdam ng init sa kanyang pisngi at kung bakit mabilis ang t***k ng kanyang puso. Tinitigan lang siya ng binata; wala itong ginagawang kakaiba, hindi nga ito ngumingiti. "So?" usisa ng binata, nakatitig pa rin sa kanya. “I not causing any trouble.” Wika nang dalaga saka umiwas sa binata at tumayo nang maayos. Hindi na niya alintana kung walang sapatos ang isang paa niya. Marami nang tao ang nakikiusyuso sa kanila. "Yeah, I can see that," sabi ng binata habang tumitingin sa lalaki at sa babaeng kanina pa niya inaaway. Pagkatapos ay lumingon siya sa ginang. "What do you think you're doing? Beating helpless women in this kind of place. Wala ka na bang respeto sa sarili mo? And you even call yourself a man?" tanong ni Drake sa binata sa harap nila, saka diretso siyang tumingin dito. "Kuya, sabi ko naman sa iyo na tama na, hindi ba? Pwede naman nating pag-usapan ito nang maayos," sabi ng dalagang sopistikado ang pananamit na lumapit sa kanila. Sa palagay ni Samantha, siya ang ugat ng gulo. Narinig niya kanina mula sa dalagang tinawag na Denise ang mga salitang 'she is not cut for the job.' Hindi niya alam kung anong trabaho iyon at bakit kailangan nilang mag-away sa harap ng maraming tao. "I would agree with you," sagot ng binata habang tumitingin sa dalagang katabi ng ginang na tinulungan niya. Nakita ni Samantha na nagpaalam ang dalaga sa ginang at naglakad papalapit sa kanila. "We can talk about this sa opisina," sabi ng dalaga na hindi makatingin ng diretso sa mukha ni Drake hindi naman nakaiwas sa mga mata ni Samantha ang tingin na iyon nang dalaga kay Drake. "Alright, I think it's settled. Let's talk about this sa opisina niyo. Meet us there in 30 minutes. Sounds like a deal?" tanong ni Drake habang inilalahad ang kamay sa isa pang binata. "You got it," sagot nito at tinanggap ang pakikipagkamay ng binata, saka tumingin sa dalagang nakayuko ang tingin at ngumisi. "Aw!" daing ng binata at kumalas sa pakikipagkamay kay Drake. Bigla niyang naramdaman ang mahigpit na hawak nito sa kanyang kamay na parang dinudurog ang mga buto. taka namang napatingin si Samantha sa lalaking dumadaing saka napatingin kay Drake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD