Chapter - 31

1479 Words
"Drake!” gulat na wika ni Samantha nang biglang bumukas ang pinto nang silid nila Nakita ang Binatang nagbukas nang pinto. Kakagaling lang niya noon sa study nang lolo niya matapos gisingin ni Lee. Hindi na niya nalamayan na nakatulog siya doon. Kung hindi pa siguro dumating si Lee, baka inabutan na siya nang umaga sa study nang lolo niya. Ipipihit na sana niya ang seradura nang pinto nang biglang bumukas iyon at nakasalubong niya ang binata. “Sam.” Mahinang sambit nang binata nang mapagbuksan nang pinto ang dalaga. Simula nang dumating siya galit sa opisina hindi na siya lumabas nang silid dahil sa pag-iisip sa kung anong dapat gawin sa project nang Tito niya at kay Lee. Alam naman niya ang dahilan nang pag reject ni Lee sa project. Pero ayaw niyang saktan ang Tito niya at isiping hindi niya pinahahalagahana ng pagiging magpamilya nila. Sa kakaisip niya Nawala na sa isip niya ang oras kung hindi pa siya napatingin sa wall clock hindi niya mapapasing lampas na madaling araw. At bukod doon, napansin din niyang wala sa silid nila ang dalaga. Sa pag-aalala niya agad siyang nagpasya na lumabas at hanapin ito. Sakto namang pagbukas niya nang pinto ang dalaga ang nakasalubong niya. “Saan ka galing? Bakit ngayon kalang?” tanong nang binata sa dalaaga. “Nakatulog ako sa study ni lolo.” Sagot naman nang dalaga kahit na nagulat pa din sa biglang pagsulpot nang binata. Hindi niya inaasahan na biglang ito ang magbubukas nang pinto. Buong akala niya natutulog na ang binata. “Bakit doon ka natulog?” tanong ni Drake. “Kasi---” wika nang dalaga saka natigilan. Nakatingin lang nang derecho ang binata sa mukha nang dalaga. “Kasi?” Tanong nito. “Kasi iniisip kong, baka hindi mo gusto maistorbo ka. Kaya naisip kong sa study muna ni lolo magstay. Hindi ko naman namalayan na makakatulog ako ----” biglang natigilan ang dalaga nang biglang may marinig silang tunog nang binata maging si Drake ay natigilan din. Napatingin pa sa pasilyo ang dalaga. Tahimik na ang paligid at mukhang sila nalang ang gising. Sinundan naman nang tingin ni Drake ang tinitingnan nang dalaga bago napatingin sa mukha nito. Saka napangiti nang mapagtanto kung saan galing ang tunog na iyon. “Hey, did you just smile?” nakangiting wika nang dalaga saka itinuro ang binata nang mapansin ang tipid na ngiti sa labi nang binata at dahil iyon na narinig nilang tunog. “Bakit ako ngingiti?” Tanong nang binata na muling sumeryoso ang mukha. “I saw it. Ngumiti ka.” Insist nang dalaga. “Bakit ba ang kulit mo.” Tila naiinis na wika nang binata ngunit biglang natigilan nang muli nilang madinig ang tunog. Napatingin si Drake sa tiyan nang dalaga. Kung hindi siya nagkakamali ang tunog na naririnig nila ay mula sa kumakalam na sikmura nang dalaga. “Tiyan mo ba ang tumutunog?” Tanong nang binata. “Hindi ah. Imahinasyon mo lang yun.” Nahiyang wika nang dalaga saka hinawakan ang tiyan niya. Now that he mentioned it. Mukhnag galing nga sa kanya ang tunog nang kumakalam na sikmura. Dahil sa nangyari sa hapag kainan kanina hindi na siya nakakain at dahil nakatulog siya hindi na rin siya nakapaghapunan. “Nagugutom ka ba?” tanong nang binata. “Hindi nga.” Depensa nang dalaga pero biglang kumalam ang sikmura niya. “Hindi yata kayo magkasundo nang tiyan mo, magkaiba kayo nang sinasabi.” Wika ni Drake na napasmirk nang muling marinig ang tiyan nang dalaga. “Hindi nga ako nagugutom. Magpapahinga na ako.” Nahihiyang wika nang dalaga at akmang papasok sa silid nila ngunit biglang humarang si Drake sa dalaga dahilan naman para mapatingin si Samantha sa kanya. “Anong ginagawa mo?” takang tanong nang dalaga. “Let’s go grab some food.” Wika nang binata sa dalaga. Napatingin naman ang dalaga kay Drake. “Ngayon na?” tanong nang dalaga sa gulat. Napatitig naman ang binata kay Samantha. “Kanina pa nag rereklamo yang tiyan mo. Hindi rin tayo makakatulog kung panay ang pagaalburuto niyan.” Anang binata sa dalaga. “Pero walang gising ngayon. Pati mga kasambahay tulog natin.” Wika nang binata. “Hindi mo kailangan nang kasambahay para kumain.” Wika nang nang binata. Saka isinara ang pinto nang silid nila at walang pasabing hinawakan ang kamay nang dalaga. Saka inakay siya patungo sa hagdan. Nagulat man napatingin lang ang dalaga sa kamay niyang hawak nito. Ito ang pangalawang beses na hinawakan nang binata ang kamay niya. Habang naglalakad sila wala siyang ibang tinitingnan kung ang kamay niyang hawak nito. Dahil sa kakatitig niya sa kamay niyang hawak nang binata hindi na niya namalayan na nakarating na sila sa Kusina. Gulat siyang napatingin sa binata nang bigla siya nitong paupuin sa isang bakanteng upuan. Taka niyang sinundan nang tingin ang Binatang lumapit sa Refrigirator. “Tutulungan na kita.” Anang dalaga at akmang tatayo. “Hindi na. Maupo ka nalang diyan.” Wika nang binata saka naglabas nang pagkains mula sa fridge. “Mag-iinit nalang ako nang pagkain. Okay lang saiyo?” Tanong nang binata. “Okay lang.” wika nang dalaga habang nakatingin dito. Hindi niya alam kung anong nangyari dito. Dahil ba sa gutom kaya ito bumait sa kanya? Bigla niyang naisip. Sana, parati nalang itong magpapalipas nang gutom para hindi siya sinusungitan. Habang nag-iinit nang pagkain ang binata. Walang ibang ginawa si Samantha kundi ang tumingin dito. Ngayon lang niya Nakita ang side na ito ni Drake. Wala naman itong masyadong ginagawa sa kusina, pero bakit parang sa tingin niya ang gwapo nito lalo ngayon at parang nagniningning sa paningin niya. Naramdaman niya ang pag-init nang pisngi niya at kabog sa dibdib niya. Wala namang ginawang espesyal ang binata pero bakit ganoon ang reaksyon niya? Sa kakatitig din niya sa binata hindi na niya namalayan na natapos na ito sa ginagawa at nakalapit sa kanya. “Hey.” Untag nang binata sa dalaga at inilapag ang pinggan na may lamang pagkain sa harap nito. Napatitig siya sa mukha nang dalaga na nkatitig sa kawalan. “Sam!” muling wika nang binata and he snaps his fingers sa harap nito. Tila naman tila nagising ang dalaga saka napatingin sa binata. “’Yan na ang pagkain mo kumain kana.” Wika ni Drake saka inilapag sa mesa ang pinggang na hawak niya saka naupo sa upuang katapat nang upuan ni Samantha. “Teka nga.” Wika nang dalaga na natigilan. Magsisismula na sana siyang kumain nang biglang may pumasok sa isip niya. “Ano na naman?” wika nang binata na kunwari naiirita saka nagsimulang kumain. “Tinatawag mo na akong Sam.” Nakangiting wika nang dalaga. Muntik nang mapaupo ang binata dahil sa biglang sinabi nang dalaga. Napatingin naman si Drake sa Dalaga. “Dati hindi mo naman ginagamit ang pangalan ko kapag kinakausap mo ako. Alam mo sa totoo lang. Ang sarap pakinggan nang pangalan ko kapag naririnig ko na sinasambit mo.” Wika nang dalaga. Nakatingin lang si Drake kay Samantha. “Ngayon mo lang ba narinig ang pangalan mo na tinawag nang iba?” tanong ni Drake na hindi ngumingiti. “Para kang bata ang babaw mo.” “Hmmp, nagsusungit kana naman.” Wika nang dalaga saka nagsimulang kumain. “Ummm. Magaling kang magluto.” Puri nang dalaga kay Drake nang magsimulang kumain. “Silly Girl, hindi naman ako nang luto niyan. Ininit ko lang.” natatawang wika nang binata he was trying his best na hindi matunugan nang dalaga ang munting tawa niyang iyon. Hindi niya maintindihan pero sa halip na mainis siya sa dalaga. Magaan ang pakiramdam niya ngayon habang kasama itong kumakain. “Alam mo, gusto kong ganito nalang tayo palagi.” Anang dalaga at tumingin sa binata. “Kung pwede ko lang patigilin ang oras sa mga sandaling ito. Kung pwede kong e-record ang sandaling ito. Para kahit kapag nakalimutan ko pwede kong panoorin at balikan. Gusto ko ring e-record tuwing tatawagin mo ako sa pangalan ko. Para maalala ko ang boses mo at ang pakiramdam tuwing maririg ko ang Pangalan ko na tinawag mo. Ang ganda siguro noon.” Tila nag papantasyang wika nang dalaga. “Kung ano-anong sinasabi mo. Kumain ka nalang.” Wika nang binata. “Huwag ka ring masyadong magsusungit. Minsan ngumiti ka rin. May nagsabi na ba saiyong mas gwapo kang tingnan kapag nakangiti ka. Kaso lang tinitipid mo ang ngiti mo. Sige ka, nakaka wrickles ang parating naka simangot.” Dagdag pa nang dalaga. “Ano ba kakain ka ba o magdadaldalan tayo. Madaling araw na. gusto ko ring magpahinga.” Kunwari reklamo nang binata. “Kakain na.” napalabing wika nang dalaga saka nagsimulang kumain. Napatingin lang ang binat sa dalaga habang nagsimula itong kumain nang tahimik. Hindi niya maiwasang hindi mapatingin sa dalaga. Iniisip kung ano ba ang tingin niya sa dalaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD