"Lee, may nangyari ba?” tanong ni Samantha sa assistant nang lolo niya. Nakita niyang makasunod lang itong dumating ni Drake pero parang may matinding tension sa pagitan nang dalawa. Araw nang sabado ngayon at maghapong nasa factory si Drake at Lee. Napansin kaagad nang dalaga ang tension sa pagitan nang dalawa nang dumating ang mga ito. Binati niya si Drake pero gaya nang dati, bumalik na naman sa malimig na pakikitungo sa kanya ang binata taliwas sa naging trato nito sa kanya noong nakaraan.
“Bakit? Seryoso yata ang pinag-uusapan niyong dalawa.” Wika ni Simone na dumating din. Napatingin naman si Lee at Samantha sa bagong dating.
“May Problema ba?” Tanong nito nang makita ang seryosong mukha nang dalawa.
“Para kasing wala sa mood si Drake.” Wika ni Samantha sa Binatang bagong dating.
“May Bago ba? Parati naman siyang wala sa mood. Parati naman yang masungit parang pinagkaitan nang ngiti.” Komento ni Simone.
“Doc!” saway ng dalaga sa sinabi nang binata. Though alam naman niyang may katotohanan sa sinabi nito. Pero iniisip din niyang kaya lang masungit ang binata dahil sa sitwasyon nito ngayon. Nang una niya itong makita noong high school siya ito ang pinakamagandang ngiti, Lalo na habang naglalaro nang basketball.
“Sige wala na akong sinabi. Pero bakit ganyan ang mga mukha niyo?” wika nito saka bumaling kay Lee. “May nangyari bas a factory?” tanong nito sa assistant.
“Dahil siguro doon sa pagreject ko sa project nang tito Miguel niya.” Sagot nang binata.
“Akala ko ba ipinaliwanag mo sa kanya ang dahilan nang pagreject mo sa project na iyon?” tanong ni Simone. Hindi lihim sa kanila ang tungkol sa mga nangyayari sa kompanya nang Pamilya ni Drake dahil sa nagrereport si Lee sa kanila at sa mga nangyayari. Lalo na at under surveillance nila ang Tito Miguel nang binata. Walang tiwala ang matandang Montefuego dito. At sinabi nitong baka sa halip na kabutihan ni Drake mapasama pa ito. lalo na at alam nila ang Naging papel nito sa nangyari sa kompanya noon.
Hindi nga lang nila masabi sa binata ang nangyari dahil wala naman silang matibay na edidensya at alam nilang hindi naman maniniwala ang binata sa kanila lalo na at mataas ang respeto nito sa Tito niya. Hindi pa rin komportable sa kanila ang binata. Kalaban ang turing nito sa kanila at pamilyang naging dahilan nang pagkalugi nang kompanya nang pamilya nito. Bukod doon, Malaki din ang galit nito sa kanila dahil sa pagpilit sa kanya ni Leandro na magpakasala sa apo nito.
“Iyon nga din ang pagkakatintindi ko. Marahil ginatungan nang tito niya. Alam nitong wala pang masyadong alam si Drake sa pamamalakad nang kompanya kaya Madali dito manipulahin ang utak niya.” Wika ni Lee.
“Mahirap iyan. Kung maniniwala lang siya sa Tito niya nang hindi nag-iisip siya lang ang mapapahamak sa huli.” Wika ni Simone saka tumingin kay Samantha. “I really thought na matalino yang asawa mo kaya siya ang nagustuhan mo. He is more naïve than I expcted.” Dagdag pa nito. Napbuntong hininga naman si Samantha. Wala din naman siyang alam sa pamamalakad nang isang kompanya. Alam niyang magaling si Lee at ginagawa nito ang tama para sa kompanya nina Drake pero kung hindi iyon nakikita nang binata dahil nabubulagan pa rin ito sa galit sa kanila.
“Huwag ka nang masyadong mag-isip.” Wika ni Simone at lumapit sa dalaga saka kinusot ang buhok nito. “Hindi naman pababayaan ni Lee yang asawa mo. Di ba?” Wika pa ni Simone saka tumingin sa binata. Napatingin naman si Samantha sa binata. Tahimik na tumitig si Lee sa mukha nang dalaga.
“Pag-iisipan ko. Kung hindi isya magiging pasaway.” Wika nito sa dalaga.
“Lee.” Parang batang nakikiusap na wika nang dalaga. Napangiti lang si Lee at napailing. Maging si Simone at napangiti din dahil sa itinuran nang dalaga. Pero alam naman iyang hindi pababayaan ni Lee ang binata. Alam nito kung gaano ka importante kay Samantha si Drake at bilang isang pamilya alam niyang hindi nito.
“Nasaan ang asawa mo Samantha?” tanong nang Lola niya habang kumakain sila nang hapunan. Simula nang dumating si Dranred hindi ito bumaba nang silid nila. Hindi rin ito nakisalo sa family dinner nila dahilan para hanapin ito nang kapatid nang lolo niya. Naiitindihan naman ni Samantha kung ayaw sumabay ngayon nang binata dahil na rin siguro sa nangyari. Marahil nag-iisp pa rin ito. Hindi pa rin niya pinupuntahan ang binata sa silid nila dahil ayaw niyang istorbohin ito. Baka mas gusto nang binata na mag-isa kesa sa makausap siya.
“Ano bang klaseng lalaki yang ipinakasal mo sa apo mo Leandro. Matigas nan ga ang ulo nang apo mo. Matigas din ang ulo nang napangasawa niya. Parehong spoil brat. At wala kang gagawin hahayaan mo lang na ganyan ang ugali nang ----” naputol ang sasabihin nang lola niya nang biglang tumayo ang dalaga sa kinauupuan dahilan para mapatingin ang lahat sa kanya na may halong pagtataka.
“Lolo, magpapahinga na po ako.” Wika nang dalaga saka lumapit sa lolo niya at hinalikan ito sa pisngi.
“Pero hindi ka pa kumakain.” Nag-aalalang wika nito.
“Busog pa po ako. Sasabay nalang ako kay Drake mamaya.” Wika nang dalaga bago maglakad patungo sa upuan nang mga kapatid nang lolo niya saka nagmano sa mga ito bago umalis nang komedor.
“Yan. Yan ang sinasabi ko. Lumalaking suwail yang apo mo dahil kinukonste mo. Pati asawa niya kapareho na rin nang ugali.” Wika pa nang matandang babae kay Leandro. Lihim lang na napabuntong hininga ang matandang lalaki. Alam naman niya ang dahilan kung bakit umalis ang dalaga iyon ay dahil sa sinabi nang lola niya. Alam naman nila ang dahilan kung bakit hindi komportable si Drake na sumama sa hapunan nila. Wala namang ibang ginawa ang mga kapatid niya kundi ang ipamukha sa binata ang tungkol sa pinanggalingan nito. Sino ang gaganahang kumain. Kahit sino hindi magagawang makalunok nang pagkain sa ganoong sitwasyon.
Sa halip na sa silid nila nagpunta si Samantha, dumiretso siya sa study nang lolo niya. Hindi niya magawang pumasok sa loob nang silid nila dahil nag-aalala siyang baka hindi parin humuhupa ang galit ni Drake. Naisip niyang mas mainam kung hahayaan muna niya ang binata baka kailangan nito nang time para magpag-isa at makapag-isip.
“Sam!?” gulat na wika ni Lee nang maabutan siya sa study nang lolo niya at natutulog sa sofa. Hindi maitanggi ang pagkabigla nang binata. Napatingin siya sa wristwatch niya ganoon na lamang ang ulat niya nang makitang alas Dos na nang madaling araw. Buong akala nila natutulog na ang dalaga sa silid nila. Hindi na kasi nila ito nakitang lumabas maging si Drake. Kung hindi pa siya nagpunta sa study nang matanda hindi niya malalaman na nandoon ang dalaga.
“Sam.” Mahinang tawag nang binata sa dalaga saka mahinang inuga ang balikat nito. Mahinang umungol ang dalaga at nagmulat nang mata.
“Lee. Anong ginagawa mo dito?” tanong nang dalaga nang magmulat nang mata at makilala kung sino ang gumising sa kanya.
“Ako dapat ang nagtatanong niyan saiyo. Bakit dito ka natutulog?” tanong nang binata. Napatingin naman ang dalaga sa paligid niya saka niya napagtantong nasa loob pa siya nang study nang lolo niya. Nakatulog na siya sa kakaisip kay Drake at kung anong ginagawa nito.
“Hindi ko namalayan.” Wika nang dalaga.
“Mabuti pa lumipat ka na sa kwarto mo. Huwag ka dito matulog.” Wika nang binata saka inalalayang tumayo ang dalaga. Hindi naman tumutol ang dalaga. Tumayo siya sa kinauupuan saka tahimik na lumabas nang study. Inihatid lang siya nang tingin nang Binatang si Lee. Kung hindi pa siya pumasok sa study dahil kailangan niyang tapusin ang isang project na pinagagawa nang matanda hindi niya malalamang hindi sa silid nila natulog ang dalaga.
“That Girl.” Wika ni Lee nang mapagtantong hindi pakumakain nag hapunan ang dalaga. Maging si Drake ay hindi pa rin lumalabas nang silid.
“Anong binabalak nang dalawang yun?” tanong nito habang nakatingin sa nakasarang pinto.