Chapter - 29

1333 Words
"Bakit mo ba pinakikialaman ang desisyon ko, Ako ang General manager dito, at pamangkin ko ang anak nang may-ari nang kompanya. Kung ano man ang maging desisyon ko dapat igalang mo yun. Ang salita ko ay parang salita na din ni Drake. Hindi porque ikaw ang acting CEO nang kompanya gagawin mo na ang gusto mo. Not in my watch.” Galit na wika ni Miguel saka marahas na itinapon sa mesa sa harap ni Lee ang folder. Laman noon ang papeles tungkol sa proposal ni Miguel na nireject ni Lee at hindi pinirmahan. Dahil siya ang acting CEO, dapat may approval mula sa kanya ang lahat nang project. Tinitraining niya si Drake na maging susunod na CEO siya parin ang huling nagpapasya sa mga project na gagawin nila. Ito ang dahilan kung bakit sumugod si Miguel sa opisina niya nang galit na galit at marahas na itinapon sa harap niya ang papeles. Napatingin naman si Lee sa mga nagkalat na papel sa mesa niya saka napatingin sa lalaking galit na pumasok sa opisina niya. “Masyado kang nagiging mayabang dahil lang sa nasa pangalan niyo ang kompanyang ito. Baka nakakalimutan mong dinaya niyo ang kapatid ko para mapasainyo ang kompanyang ito. Alam na b ani Drake na kayo ang dahilan nang fraud case nang ama niya? Alam na ba niyang pinaglalaruan niyo lang ang pamilya nang pamangkin ko.” Nakatitig lang si Lee sa lalaki habang galit na galit itong nakikipag-usap sa kanya. “Alam mo siguro ang dahilan kung bakit ko ni reject ang project mo.” Wika nang binata saka kinuha ang mga papel at tinipon. “Idadahilan mo ba sa ‘kin na hindi trendy ang project?” Tanong nang lalaki. Natigilan naman ang binata saka tumingin dito. “Alam mong hindi kaya nang budget natin ang project na iniisip mo. Ngayon palang ulit unti-unting nakakabawi ang factory. Kapag ipinagpatuloy natin ang project ang gusto mo. At kung hindi bumenta, alam mong magiging katapusan nan ang factory. Akala mo ka mahalaga saiyo ang kompanya dahil sa pamangkin mo. Bakit para yatang hindi mo pinag-iisipan ang Project mo. Consider na hindi lubusang nakakabawi ang -----” putol na wika nang binata. “Ang dami mo pang sinasabi, bakit hindi mo nalang sabihing hindi mo talaga gustong makabawi ang kompanya.” Agaw ni Miguel. “Bakit mo ba pinagpipilitan an project na ito gayong alam mong hindi pa kaya nang kompanya? Sigurado ka bang nandito ka para tulungan ang pamangkin mo? O para mas lalo siyang ibaon?” Sakristong wika nang binata. “Anong sabi mo!” gigil na wika ni Miguel saka napakuyom nang kamao. “Huwag mong isiping hindi ko alam kung anong mga ginagawa mo dito sa kompanya.” “Anong pinagsasabi mo?” Takang tanong nito. “Huwag ka nang mag-maang-maangan pa. Tayong dalawa lang ang nandito. Hindi mo kailangang magpanggap.” Wika ni Lee sa lalaki. “Ito lang ang sinasabi ko saiyo. Habang nandito ako, hindi ko hahayaing sirain mo ang kompanyang ito.” wika pa nang binata. Nangako siya kay Samantha na tutulungan si Drake na ibangon ang kompanya nang ama nito. Kahit ayaw niya sa binata dahil alam naman niyang wala itong gusto kay Samantha, pero hindi niya kayang tanggihan ang dalaga. Kapatid ang turing niya sa dalaga at pamilya niya kaya kahit anong hilingin nito gagawin niya. “Pinag-iisipan mo ba ako nang masama? Iniisip mo bang, bumalik ako dito parasirain ang kompanya nang kapatid ko?” Tanong nito kay Lee. “Hindi ako may sabi niyan, Kundi ikaw.” Makahulugang wika nang binata. Napakuyom naman nang kamao si Miguel dahil sa sinabi ni Lee. “Tito Miguel!” ang boses ni Drake ang narinig nil ani Lee. Sabay silang napatingin sa Binatang nakatayo sa pinto at nakatingin sa kanya. “Drake.” Wika nito saka bahagyang umaliwalas ang mukha nang tumingin sa binata. “Anon ginagawa mo dito?” Tanong ni Drake sa tito niya. “Halika doon tayo sa opisina mo mag-usap.” Wika ni Miguel saka lumapit sa binata at inakbayan ito saka naglakad papalayo sa opisina ni Lee. Inihatid lang nang tingin ni Lee ang dalawang papaalis. Alam niyang hindi mabuting balita ang pagbabalik nang tito ni Drake sa kompanya. Nang mapunta sa kanila ang pamamahala sa factory, tinanggal nang matandang Leandro ang lalaki sa kompanya. At dahil sa Malaki parin ang impluwensya nito kay Drake, pinabalik ito nang binata. Kahit labag sa loob nang matanda, sumunod siya sa kasunduan nil ani Drake. Pero sinabi nang matanda kay Lee na huwag aalisin ang mata sa lalaki dahil alam nito ang kayang gawi nang lalaki. “Anong pinag-uusapan niyo? Bakit parang puno nangtension?” tanong ni Drake sa tito niya nang makapasok sila sa loob nang opisina nang binata. “Alam mo bang nireject niya ang project proposal ko?” Tanong nito kay Drake. Tumigil naman ang binata saka lumingon sa tito niya. “Nag-usap na pala kayo tungkol doon.” Wika nang binata. Alam niya ang tungkol sa rejection na iyon dahil nag-usap sila ni Lee at ipinaliwanag nito sa kanya kung bakit hindi nito aaprobahan ang project ni Miguel. Kahit naman hindi sila close ni Lee, nakikita niyang talagang ginagawa nito ang trabaho niya bilanga acting CEO. Simula nang magtrabaho siya sa kompanya nila at naging trainee ni Lee. Hindi ito gumagawa nang desisyon nang hindi ipinaliliwanag sa kanya. “Alam mo ang tungkol sa ginawa niya?” Gulat na wika nito. “Ipinaliwanag niya sa akin ang dahilan nang rejection. At sa palagay ko ------” “Naniwala ka naman sa sinabi niya?” agad nito sa iba pang sasabihin nang binata. “Mas pinaniniwalaan mo ba siya kesa sa akin na tito mo?” dagdag pa nito. “Hindi ganoon yun.” Wika nang binata. “Alam mo ang sitwasyon nang kompanya ngayon. Ni hindi pa tayo nakakabawi sa nalugi. Maganda naman ang project mo. Pero hindi nating kakayanin yun. At least hindi pa ngayon. Iyon ang paliwanag ni Lee.” Wika nang binata. “Hindi mo ba alam, na pinaiikot ka lang niya sa palad mo? Baka gusto mong matulad sa papa mo. Kung gusto mong mabawi ang kompanya nang papa mo. Matuto kang kilalanin kung sino ang kalaban mo. Nakalimutan mo bang ang pamilya nila ang dahilan nang pagkalugi nang kompanya niyo? Naniniwala ka ba talagang ibibigay nila sa iyo ang kompanya? Tuso ang matandang iyon.” Mahabang sabi nito. Natigilan lang si Drake. Hindi niya nakakalimutan ang ginawa ni Leandro sa pamilya nila. Mali ba ang desisyon niyang pumayag sa suggestion ni Lee na huwag munang e-approve ang project ni Miguel? Hindi ba ito naging matapat sa kanya. Naguguluhan na siya. Alam naman niyang mapagkakatiwalaan ang tito niya dahil noong walang-wala siya ito ang kukupkop sa kanya. Ito ang nag-iisang taong hindi umiwan sa kanya. Wala naman itong masamang intensyon sa kompanya nila. Nakikita pa niyang Malaki ang pagpapahalaga nito sa kompanya. Gumagawa ito nang Project na pwedeng magbigay sa kanila nang malaking return of investment. Pero Malaki din ang risk. “Tumayo ka sa sarili mong mga paa at magdesisyon ka. Maya sarili ka namang utak. Matalino ka. Huwag kang magpapaloko kay Leandro at sa mga tauhan niya. Tama nang nagawa ka niyang mapapayag sa isang kasal na walang pag-ibig.” Wika nito kay Drake. “Alam mo naman sigurong wala akong ibang gusto kundi ang makabawi ang kompanyang pinaghirapan nang iyong papa. Kung makikita niyang magagawa nitong makabangon sa sarili mong mga desisyon at hindi dahil sa dinidektahan ka nang lalaking dahilan nang pumatay sa kanya.” wika ni Miguel saka tumalikod. Napatingin lang si Drake sa tito niya na lumabas sa opisina niya. Nang makalabas ito. Napabuntong hininga ang binata saka naupo. Sumasakit ang ulo niya sa nangyari. Nakikita niya ang galit nang kanyang tito Miguel. Hindi naman niya masisisi ang tito niya. Karapatan nitong magalit lalo na at wala itong ibang ginusto kundi ang tumulong sa kanya. Inihilig niya ang ulo niya sa headboard nang sofa saka napapikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD