Oh, Ano yang ginagawa mo? Dinadasalan mo ba yang pagkain?” Komento ni Lee nang maabutan nila sa Kusina si Samantha habang nakaupo sa harap nang mesa at tinititigan ang pinggan na may lamang pagkain.
“Baka nilalagyan nang orasyon. Kanino mo balak ipakain yan?” Wika naman ni Simone na kasama nitong dumating. Narinig ni Samantha ang sinabi nang dalawang binata. Napasimangot siya saka tumingin sa mga ito.
“Oh, Bakit ganyan ka kung makatingin may sinabi ba kaming masama?” Natatawang tanong ni Lee saka lumapit sa dalaga. “Ikaw ba nagluto nito?” tanong nito nang makalapit sabay napatingin sa pagkain.
“Ang Tanong anong klaseng pagkain ba to?” Biro ni Simone. Isang matalim na tingin naman ang pinukol ni Samantah sa binata.
“Huwag mo nga akong tingnan nang ganyan na para bang gusto mo akong kainin nang lupa.” Natatawang wika nito saka kinusot ang buhok nang dalaga. “Ano ba kasi ang meron sa pagkain na iyan at pinakatititigan mo?” tanong pa nito saka tumabi sa dalaga.
“Niluto ko.” Simpleng wika nang dalaga.
“Niluto mo?” Sabay na wika ni Lee at Simone na halatang nagulat sa narinig nagkatinginan pa sila nang marinig ang sinabi nang dalaga. Napatingin naman ang dalaga sa dalawang binata dahil sa reaksyon nang mga ito.
“Nakakagulat ba talaga?” kunwari inis na wika nang dalaga sa mga binata.
“Talaga.” Sabay pang wika nang mga ito.
“Talagang sabay pa kayo sa pambubully niyo sa akin.” Sumimangot na wika nang dalaga.
“Kung ikaw nagluto niyan, bakit ka nakasimangot?” Tanong ni Lee.
“Bakit ka nagluto? Ngayon lang namin nalaman na marunong ka palang mag luto.” Dagdag pa ni Simone.
“Sinong nagluto?” Tanong nang lolo ni Samantha na pumasok sa kusina at narinig ang pinaguusapan nang tatlo. Sabay-sabay namang napatingin ang tatlo sa bagong dating.
“Si Samantha ho.” Sagot naman ni Lee napatangin sa matanda. Tiyak niyang magugulat ito sa narinig. Alam naman nilang hindi marunong magluto ang dalaga. Kaya talagang nakakagulat.
“Si Samantha? Marunog palang magluto ang apo ko.” Nakangiting wika nito saka lumapit sa apo.
“Hindi nga po lolo.” Biglang nalungkot na wika nang dalaga. Napatingin naman ang matanda sa dalawang binata dahil sa naging sagot nang dalaga. Sa nakikita nila mukhang Malaki ang iniisip nito tungkol sa niluto nitong pagkain.
“Para kanino mo ba niluto yang pagkain?” tanong nang matanda.
“Kay Drake po.” Sagot nang dalaga.
“Ayun, ang asawa pala niya ang pinagluto niya.” Wika ni Simone.
“Aba, unang beses mong nagluto. Nakakainggit naman yang asawa mo. Una pa niyang natikman ang luto mo kompara sa akin na lolo mo.” Kunwari nagtatampo na wika nang matanda. Napatingin naman si Samantha sa lolo niya. Ni minsan hindi niya nagawang ipagluto ang lolo niya dahil sa wala naman siyang alam gawaing buhay. Lumaki siyang tila isang prinsesa at pinagsisilbihan nang lahat.
“Pero kung niluto mo yan para sa asawa mo? Bakit ganyan ang mukha mo? Pang byernes santo?” Tanong nang matanda.
“Hulaan ko. Hindi niya nagustuhan.” Wika ni Simone. Bigla silang nagulat nang biglang napatungo sa mesa ang dalaga. Mukhang nasapol ni Simone ang naging reaksyon ni Drake at ito marahil ang dahilan kung bakit kanina pa nito tinititigan ang pagkain.
“Hindi naman siguro masama ang lasa niyan. Bakit hindi natin tikman.” Wika nang matanda saka tumingin kay Lee at Simone.
“Mabuti pa, para kami ang huhusga.” Wika ni Lee. “Saka hindi rin ako papayag na siya lang ang makatikim nang luto mo.” Dagdag pa nito saka lumapit sa lalagyan nang pinggan. Nang marinig ni Samantha ang sinabi nang lolo niya at ni Lee. Nag-angat siya nang tingin at umaayos sa pagkakaupo.
“Huwag na, baka sumakit ang tiyan niyo.” Wika ni Samantha saka nilingon ang Binatang kumukuha nang pinggan para sa kanilang tatlo.
“Kapag sumakit ang tiyan namin, huwag kang mag-alala nandito naman ako parang ano pa at isa akong doctor.” Biro ni Simone.
“Doc!” angal nang dalaga.
“Tikman na natin.” Masayang wika nang matanda saka naupo nang ilapag ni Lee ang pinggan sa mesa.
“Lolo huwag na.” pigil nang dalaga sa lolo niya.
“Huwag kang mag-alala. Hindi naman siguro ganoon kasama ito.” wika nang matanda saka nagsimulang kumain. Nakatingin lang ang dalaga sa tatlo habang kumakain ang mga ito habang napapakagat nang pangibabang labi. Hindi niya alam kung anong lasa noon dahil hindi rin naman niya tinikman ang niluto niya. Bukod doon, kaya niya tinitingnan ang niluto niya dahil naalala niya ang sinabi ni Drake kanina. SInabi nitong huwag niyang ipakain sa iba ang nulito niya. Napatingin siya sa lolo niya at sa dalawang binata. Tahimik lang ang mga ito habang kumakain.
“Ano sinabi niya tungkol sa luto mo?” tanong ni Lee saka tumingin sa dalaga. Natigilan naman ang dalaga saka napatingin sa binata. Nang hindi sumagot ang dalaga napatingin naman si Simone dito na naghihintay din sa sagot nang dalaga.
“Sabi niya, huwag kong ipatikim sa iba ang niluto ko.” Wika nang dalaga. “Bakit? Ganoon ba kasama?” curious na tanong nang dalaga. “Lolo?” Tanong nang dalaga saka napatingin sa lolo niya.
“Hindi naman masama ang lasa.” Wika nang matanda. “Ito ang unang beses mong magluto, I can say you can still improve but for someone to cook for the first time. I can say you have a talent.” Wika nang matanda sa ka ngumiti sa apo niya. Simple namang ngumiti ang dalaga. INiisip niyang sinasabi lang iyon nang lolo niya dahil ayaw nitong sumama ang loob niya. At simula nang bata pa siya hindi ito nagsasabi nang kahit anong masama tungkol sa kanya. Parati nitong iniisp ang mararamdaman niya. Marahil ganoon din sa pagkakataong iyon.
“Sinabi niya talaga na huwag mong ipatikim sa iba ang luto mo?” Ulit ni Simone.
“Yun na nga ang sinabi niya. Sana pala nag order nalang ako nang fastfood para sa pananghalian niya.” Wika nang dalaga.
“That Brat!” mahinang wika ni Lee. Narinig naman ni Samantha ang sinabi nang binata kaya siya napatingin dito.
“Iniisip mo rin ang iniisip ko?” Nakangiting wika ni Simone na parang nahulaan ang nasa isip ni Lee. Nagpapalit-palit nang tingin ang dalaga sa dalawang binata. Hindi niya maunawaan ang sinasabi nito.
“She is selfish and possessive, Alright.” Nakangising wika ni Simone. “Mukhang may mas possessive pa saiyo.” Wika nito nang nakangiti kay Lee.
“Ano bang sinasabi niyong dalawa?” tanong nang dalaga sa dalawang binata.
“When he said na huwag mong ipatikim sa iba ang luto mo. It is him being possessive. Ayaw niyang ipatikim sa iba ang luto nang asawa niya. Tama ang lolo mo, this is good for someone na unang beses palang nakakapagluto.” Wika ni Simone. Napatingin naman ang dalaga sa doctor.
“You know, hindi mahilig mag sugarcoat si Simone.” Wika ni Lee nang makitang hindi kumbinsido ang dalaga.
“Masarap ba ang niluto ko?” tanong nang dalaga.
“Hindi ko masasabing masarap siya, but it’s decent for a first timer. That Brat. Mukhang hindi niya alam kung paano ka pupurihin sa luto mo.” Wika ni Lee.
“Oh ha, tatlo na kaming nagsabi nang totoo. Huwag nang humaba yang mukhang mo. Ngumiti kana. Saka huwag mo nang ipagluto yang asawa mo.” Wika ni Simone. Lihim namang napangiti ang dalaga.
“Ayan edi ngumiti ka rin. Mas bagay saiyo ang nakangiti.” Wika ni Leandro saka pinisil ang pisngi nang apo niya.
“Pero huwag mong dalasan ang pagluluto ha.” Biro ni Simone. “Ayokong sumakit ang tiyan ko, at baka masayang ang pagkain.” Natatawang wika ni Simone. Maging si Lee ay natawa din at ang matanda. Napangiti naman si Samantha sa Nakita niya. Ngayon lang ulit niya nakasalo sa hapag ang tatlo at Malaya silang tumatawa nang walang iniisip na problema.
Papasok sana si Drake sa kusina ngunit bigla siyang natigilan nang marinig niya ang mahihinang tawa mula sa kusina nang masasilip siya doon, Nakita niya sina Samantha ang lolo nito at ang dalawang binata. Napansin din niya ang pagkaing pinagsasaluhan nang apat. Ito yung tanghaliang dinala ni Samantha sa kanya. Habang nakikita niya ang dalaga na masayang nakikipagtawanan sa tatlo, hindi niya napigilan ang hindi mainggit sa dalaga. Bigla niyang naalala ang mga magulang niya. Minsan din nagkaroon siya nang pagkakataong makasalo ang mga magulang niya at masaya noon. Nakakuyom nang kamao ang binata nang maalala ang pamilya niya. Lalo nang maalala niya ang ama niyang nalagutan nang hininga at ang ina niyang hanggang sa mga sandaling iyon ay nasa hospital pa rin at hindi makapagsalita. Hanggang sa mga sandaling iyon nakatulala parin ito. Kaya paanong nagsasaya ang mga taong ito?