Takang napatingin si Samantha sa Binatang biglang humawak sa kamay niya. Nabigla siya sa ginawa nito. Pero hindi niya maintindihan kung bakit, nang maramdaman niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya, bigla siyang napatingin sa binata dahil sa pagtataka. Hindi niya inaasahan ang biglang paglapit nito sa kanya lalo na ang hawakan nito ang kamay niya.
“A-ano namang ginagawa mo.” Wika nang dalaga saka bahagyang inagaw ang kamay niya sa binata ngunit sa halip na pakawalan iyon ni Drake lalo pang humigpit ang hawak nang binata sa kamay niya.
“Ikaw anong ginagawa mo? Simpleng pagtawid sa kalsada hindi mo magawa. Takot ka bang tumawid?” tanong nang binata saka humarap sa dalaga ngunit hindi parin binibitawan ang kamay ni Samantha.
“Hindi ako takot tumawid.” Anang dalaga saka bahagyang tumigil. “Kaya lang----” natigilan ang dalaga. Sasabihin ba niya kay Drake? Maiintindihan ban ang binata?
“Kaya lang ano?” Tanong ni Drake habang nakatingin sa dalaga.
“Kaya lang naisip ko. Niluto ko yung dinala kong tanghalian mo. Bakit naman ako aalis dahil lang sa naiinis ako. Kailangan mong kainin yun. First time kong magluto, ni hindi ko pinagluluto si Doc at Lee at ang lolo ko tapos----” Natigilan ang dalaga nang makita niya ang nakakunot na noon a si Drake habang nakatingin sa kanya. Sa hula ni Samantha at sa tingin nang binata mukhang hindi ito na niniwala sa kanya.
“Sabihin mo, maniniwala ba ako sa palusot mo?” tanong nang binata na itinatago ang pagkainis sa sinabi nang dalaga. Hindi niya akalaing gagamit ito nang isang palpak na palusot gayong naramdaman naman niya ang panginginig nang kamay nito bukod dooon. Kanina Nakita din niya ang pamumutla nang dalaga habang nakatayo sa harap nang pedestrian na parang nakakita ang multo at ayaw kumilos. Habang iniisip iyon nang binata, pumapasok sa isip niyang may itinatago sa kanya ang dalaga.
“Hindi ka ba naniniwala?” Tanong nang dalaga.
“Sa palagay mo isa akong uto-uto para maniwala sa palusot mo?” naiiling na wika nang binata.
“Oy Teka!” biglang daing nang dalaga nang walang pasabing hinila siya nang binata pabalik sa factory.
“Ano bang inirereklamo mo? Nag dala ka nang tanghalian diba? Ayaw mo naman sigurong itapon ko yun.” Wika nang binata.
“Itatapon mo yun? Pinaghirapan kung gawin yun.” Anang dalaga. “Aw!” daing niya nang bigla siyang tumama sa likod nang binata nang bigla itong huminto sa paglalakad.
“Bakit ba bigla kang humihinto.” Reklamo nang dalaga sabay sapo nang noo niya.
“Gusto mo ba talagang kainin ko yun?” Tanong nang binata. BIgla namang napatingin si Samantha sa binata dahil sa tanong nito. Bakit naman siya magdadala nang tanghalian kung hindi nito kakainin.
“Dadalhin ko ba yun dito kung gagawing palamuti.” Sakristong wika nang binata.
“Silly.” Wika nang binata saka marahang pinitik ang noo nang Dalaga.
“Aw.” Aw lalong daing nang binata habang sapo ang noo sabay tingin sa binata.
“Tayo na nga sa loob na gugutum na ako.” Wika nang binata saka muling hinawakan ang kamay nang dalaga saka akmang hahatakin papasok ngunit hindi kumilos si Samantha. Bigla namang napatigil ang binata.
“Oh, bakit na naman?” tanong nang binata.
“Nasa loob pa si Nancy. Okay lang ba na bumalik ako doon?” Tanong nang dalaga.
“Bakit naman hindi?” Tanong nang binata.
“Anong bakit? May pinag-uusapan kayo. Nakakaasiwa naman kung babalik ako doon. Mabuti pa ikaw nalang bumalik. Tatawagan ko nalang si Lee-----”
“Sabay tayong uuwi.” Agaw nang binata sa iba pang sasabihin nang dalaga. Biglang nainis ang dalaga nang marinig niya ang pangalan ni Lee. Alam naman niyang malapit ang dalawa pero at alam niyang kapatid ang turing ni Lee kay Samantha. Pero ewan ba niya at naiinis siya.
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Nandoon si Nancy. Nakakahiya naman. At mukhang----”
“Bakit ka mahihiya? Ikaw ang asawa ko.” Agaw nang binata. Gulat namang napatingin ang dalaga sa binata dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung anong mararamdaman dahil sa huling binanggit nito. Talaga bang tinawag siyang asawa ni Drake?
“Isang taon.” Wika nang binata.
“Ha?” takang wika ni Samantha.
“Isang taon, Susunod ako sa kasunduan nang isang taon.” Pagpapatuloy nang binata. “Ang Nakita mo kanina. Dinadamayan ko lang si Nancy dahil sa nangyari sa kanila nang kasintahan niya. Pero walang ibig sabihin iyon. Kahit naman hindi ko gusto ang makasal nang sapilitan. May isang salita naman ako.” Dagdag pa ni Drake saka tumingin sa dalaga.
“Isang taon lang naman ang hinihinga mo hindi ba?” tanong ni Drake.
“O-oo” nag-aalangnag sagot nang dalaga.
“Well, then let’s go. Gutom na ako.” Wika nang binata saka muling hinawakan ang kamay nang dalaga saka inakay ito papasok. Hindi naman nagsalita ang dalaga at hindi na rin siya tumutol sa binata.
Pagpasok nila sa Factory, inutusan nang binata ang sekretarya niya na kunin ang dalang Lunch box ni Samantha at dalhin sa Cafeteria. Sinabi din nito na ihatid sa labas ang dalagang nasa loob nang opisina nito. Nagtaka naman ni Samantha dahil sa inutos nang binata.
“Okay lang ba si Nancy----”
“Huwag natin siyang pag-usapan.” Wika nang binata habang binibuksan ang lunch box na dala ni Samantha. Napatingin lang si Samantha sa binata. Baka masama ang loob nito dahil napilitan itong paalisin si Nancy dahil nandoon siya.
“Huwag mong ihanda sa iba ang pagkaing ito.” wika nang binata habang kumakain. Bigla namang napatingin ang dalaga sa binata.
“Masama ba ang lasa?” tanong ni Samantha. Ngunit hindi lang sumagot ang binata at patuloy ito sa pagkain nang hindi nagrereklamo. Unang beses niyang nagluto at hindi rin niya tinikman iyon kaya hindi niya alam kung anong lasa noon.
“Mabuti pang bumili nalang tayo ----”
“Gagastos pa tayo eh may dala ka naman.” Agaw ni Drake.
“Pero--- para namang napipilitan ka lang kumain niyan. Baka sumama ang pakiramdam mo.”
“Basta sumunod ka nalang sa sinabi ko. Huwag mong ihahanda ito sa iba.” Anang binata. Sa kabila nang sinabi nitong huwag siyang magluto para sa iba. Inubos parin nito ang laman nang lunch box. Marahil dahil na rin sa hindi ito nagalmusal kaya ganoon.
"Pinagluluto ka rin ba ni Nancy noon?" Tanong nang dalaga. Bigla namang natigilan si Drake dahil sa tanong nang dalaga.
"Isang Chef ang mama niya. Natuto siyang magluto mga bata palang kami. At kung ikukumpara ang luto mo at ang luto niya----" wika nang binata saka napatingin sa dalaga.
"Huwag mo nang ituloy." wika nang dalaga saka itininakip ang Kamay sa tenga niya. Lihim namang napangiti si Drake sa reaksyon nang dalaga.
"Salamat sa pananghalian." wika ni Drake saka tumingin sa dalaga.
"Hindi ba sumasakit ang tiyan mo?" Tanong nang dalaga. Hindi na naitago ni Drake ang ngiting kanina pa gustong lumabas sa bibig niya dahil sa ekspresyon ang mukha nang dalaga.
“Bakit ka nakangiti?” tanong ni Samantha sa binata.
“Wala lang.” Anito at tumayo. “Doon kana maghintay sa Opisina ko. Mamayang hapon tayo uuwi.” Wika nang binata sa dalaga.
“Okay lang ba na maghintay ako saiyo?” tanong nang dalaga.
“Sabi ko sabay tayong uuwi.” Anang binata at hindi sinagot ang tanong nang dalaga at naglakad nang patiuna.
“Okay lang ba na maghintay ako saiyo?” ulit nang dalaga ngunit sa ngayon iba ang ibig sabihin noon. Iniisip niyang kung okay lang na hintayin niya ang binata. Pero sa kabilang banda natatakot siya. Wala namang kahulugan ang mga salitang iyon. Paasahin lang niya ang sarili niya. Alam naman niyang limitado lang ang oras niya sa mundo. Bigla siyang napahawak sa dibdib niya. Gusto niyang umiyak pero kailangan niyang pigilan ang sarili niya. Dahil alam niyang kahit anong gawin niya, hindi siya titingnan ni Drake gaya nang pagtingin nito kay Nancy. Isa lang siyang bahagi nang kontrata nito sa lolo niya.