“You should change your clothes. Para makapag dinner na tayo.” Wika nito kay Samantha at hinawakan ang kamay nito. Tumango naman si Samantha saka tumingin kay Drake. Nakikita niya hindi ito komportable.
“Lolo he is not comfortable.” Wika nang dalaga at yumuko saka bumulong sa lolo niya. Napatingin naman si Leandro sa binata.
“Mas Mabuti pa doon tayo sa labas. Mag ihaw tayo para sa dinner.” Wika nang matanda. “Sabi mo kasi gusto mo nang barbecue.” Wika nito saka tumingin kay Samantha. Ngumiti naman sa Samantha sa lolo niya. “Drake.” Anito at tumingin sa binata. Napatingin naman si Drake sa matanda.
“Okay lang naman saiyo ang barbecue as dinner hindi ba?” Tanong nito sa binata.
“Kahit ano.” Anang binata. Wala naman siyang pakialam kahit anong kainin nila. Hindi naman siya nagpunta sa lugar na ito dahil gusto niya.
“Magpapalit lang ako nang damit.” Wika nang dalaga saka nagmamadaling umalis. Napangiti lang ang matanda. Kapag nakikita niya ang dalaga na masigla para na din siyang sumisigla wala namang mas importante sa kanya kundi ang apo niya. Kung kaya niyang ibigay ang mundo dito gagawin niya. O kahit ang pigilan ang kamatayan para sa po niya kaya lang hindi naman niya magagawa iyon.
Nang makababa ang dalaga matapos mag bihis nasa malaking harden na ang buong pamilya niya at nag-iihaw. Maging si Drake ay nandoon din at tutulong kasama ang mga pinsan niya. Napatingin siya dito at napangiti.
“You know he hate us.” Wika nang lolo niya na lumapit sa kanya. Napatingin naman si Samantha sa lolo niya.
“That’s to be expected.” Wika nang dalaga. Alam niyang wala namang kinalaman ang lolo niya sa nangyari sa papa nito. Malaki pa nga ang lugi nang lolo niya dahil sa sinagip nito ang kompanya nina Drake.
“Alam mo hindi ko maintindihan kung anong nagustuhan mo sa kanya. Magandang lalaki siya, OO pero mukhang masungit.” Anang matanda sa dalaga.
“Hindi siya masungit lolo. Galit lang talaga siya sa ‘tin. Isa pa. Gusto ko siyang tulungan kahit papaano. Saka sabi niyo gagawin nito lahat para sa akin hindi ba.” Anang dalaga dalaga sa lolo niya. Siya ang nagkumbinsi sa lolo niya na ang binata ang gusto niyang pakasalanan.
Matagal na niyang crush ang binata. Minsan na din siyang tinulungan nito. Nang malaman niya ang nangyari sa pamilya nito hindi siya na niniwala na magagawa iyon nang papa ni Drake. At hindi naman ang tipo nang lolo niya ang gagawa nang masama sa iba. Kaya naman sinabi niya sa lolo niya na gusto niyang magpakasal bago pa siya mamatay at si Drake ang gusto niya kaya ito gumawa nang kontrata sa para sa binata at para magpakasal ito sa kanya. Maaaring nagiging makasarili siya ngayon pero gusto niyang kumbinsihin ang sarili niya na may magagawa siya sa binata at sa kanya din sa nalalabing oras niya sa mundo.
“Sigurado ka bas a desisyon mong ito Sam? Baka masaktan kalang. Ikaw na mismo ang nagsabing galit siya sa atin.” Wika nang lolo niya.
“I’ll be okay. Malakas yata ako.” Nakangiting wika ni Samantha. Alam naman niyang nag-aalala lang ang lolo niya sa kanya. Isang araw bigla nalang niyang iiwan ang lolo niya. Wala siyang magagawa para dito.
“Stubborn.” Wika nang lolo niya saka kinusok ang buhok nang apo niya. Napatawa naman si Samantha saka napahawak sa braso nang lolo niya.
“Lolo, kapag Nawala na ako. Huwag kang iiyak ha.” Wika nang dalaga. “Huwag kang malungkot.”
“Ano ba yang pinagsasabi mo.” Tila na awkward na wika nang matanda. Ayaw niyang nagsasalita nang ganoon ang apo niya dahil alam niyang isang araw iiwan siya nito.
“Kaya nga pumili ako nang isang grandson in law na alam kung tutulungan ka.” Pilyang wika nang dalaga.
“Tutulungan? Nagpapatawa ka ata.” Natatawang wika nang matanda.
“Gwapo naman siya ah. At pang CEO ang dating. Kapag nalaman nang mga pinsan ko na gagawin mong tagapagmana si Drake baka mag ka gyera.” Nakangiting wika nang dalaga. Habang tinutulungan ni Drake na magihaw ang mga pinsan ni Samantha. Napatingin siya sa maglolo na masayang nag-uusap at hindi niya maitanggi na naiinis siya. Naiinis siyang makita ang masayang ngiti nang dalaga habang siya heto at miserable na napilitang pumayag magpakasal dahil sa nangyari sa pamilya nila. Kapag nakuha niya ang Business nila after 1 year. Sinisiguro niyang hindi na siya magpapakita sa mag lolo Wala siyang pakialam sa kung anong isipin nang mga ito sa kanya.
"Iba talaga ang nagagawa nang kayaman.” Wika nang binata na lumapit kay Samantha. Nakatayo noon ang dalaga sa pinto nang mansion habang nakatingin sa pamilya niya na nasa harden at naghahanda nang hapunan nila. Tuwing sabado at linggo nasa mansion lahat nang kapatid nang lolo niya at mga anak nang mga ito maging ang mga apo nila. At kahit hindi naman sila ganoon kalapit, nagagawa nilang maglaan nang oras para mag bonding. Kahit sa maraming okasyon nag-aaway silang magkakapatid hindi nila nakakalimutang mag sama-sama tuwing weekends at ngayon ay hindi iba sa mga araw na iyon.
“Bakit ka nakatingin sa akin na parang natuklaw nang ahas.” Wika nang binata nang biglang humarap sa kanya ang dalaga at napatingin na parang nagulat.
“Huwag mong isiping magpapakasal ako saiyo dahil----”
“Alam ko.” Agaw nang dalaga. “Ngayon lang tayo nagkita sino naman ang maniniwalang may gusto tayo sa isa’t-isa.” Anang dalaga.
“Normally, a girl would fret kung ipakakasal sila sa taong hindi nila gusto. Para sa inyo, mas gusto niyong makasal sa taong mahal mo. But look at you, parang wala lang saiyo na ipakakasal ka sa lalaking hindi mo gusto at ngayon mo lang nakilala.”
“I agree. I am not normal I guess.” Wika nang dalaga at tumingin sa mga pinsan niya na abala sa pag-iihaw.
“Gusto kong maging malinaw ang lahat sa pagitan natin.” Wika ni Drake sa dalaga. Napatingin naman si Samantha sa binata.
“Galit ako sa pamilya mo. Lalo na sa lolo mo. Alam mo kung bakit?” tanong nang binata saka tumingin nang derecho sa dalaga. Napatingin nang derecho si Samantha sa binata. Hindi naman lingid sa kaalaman niy ang tungkol sa nangyari sa business nang pamilya nito lalo sa papa nitong nagpakamatay. Alam niyang galit si Drake sa lolo niya dahil involve ang business nito sa nangyari. Lalo pang galit ang binaa ngayon na nasa kaay nan ang lolo niya ang business nang pamilya nito. Nalaman din niyang he was forced to leave their house at nasa hospital ang mama nito.
“Hindi mo na kailangang sabihin sa akin. Hindi na naman iyon mahalaga. Nakaraan na naman iyon. Ang importante ang hinaharap. At isa pa. Magiging mag-asawa na tayo---” anang dalaga at iniangkla ang kamay sa braso sa binata. Bigla naman siyang natigilan nang napatitig sa kanya si Drake. Titig na sapalagay niya ay may halong gulat at inis.
“Ano ka ba. Nahihiya ka pa ba.” Nakangiting wika nang dalaga. Hindi naman sa nagiging manhid siya sa galit nang binata pero kung pagtutuunan niya iyon nang pansin ang mga nalalabing oras niya ay magiging masalimuot.
“Huwag kang umakto na parang close tayong dalawa. Baka nakakalimutan mong napilitan lang akong gawin ito.” wika nang dalaga saka tinanggal ang kamay nang dalaga.
“Hindi ka ba sanay nang ganitong clingy saiyo ang fiancée mo? I bet your ex-fiancee is more---” biglang natigilan si Samantha nang tumitig sa kanya ang binata na may galit sa mata.
“I will pretend I did not hear anything. Sa susunod na lumabas sa bibig mo ang tungkol sa nakaraan ko. Hindi ka na palalampasin. Kahit ka ka-conceited at sa spoiled nang mayaman mong lolo it doesn’t give you the right to insult na makiaalam sa pribado kong buhay. At para sabihin ko saiyo. Parte nang kasunduan namin nang lolo mo na hawak ko parin ang personal kong buhay. Magiging mag-asawa tayo sa papel gaya nang gusto mo at nang lolo mo. Wala akong pakiaalam sa rason mo. Just do your end of the bargain.” Mahabang wika nang binata. Napakagat nang labi naman ang dalaga.
“Tama ka. I am conceited and probably a spoiled brat. And I usually get what I want.” Anang dalaga at pilit na ngumiti at nilakasan ang loob “Ah, Sasabihin ko pala saiyo. I intend to make you fall inlove with me.” Matamis na ngumiti ang dalaga sa binata.
“Ha.” Napabuga nang hangin an wika nang binata. “That’s the last thing I will do.” Wika nang binata saka iniwan ang dalaga. Napakagat lang nang labi ang dalaga at pilit na ngumiti. She is usually not like that. Kung alam lang ni Drake the amount of courage na inipon niya para umakto nang ganoon sa harap nang binata. But he viewed her as conceited and spoiled brat.
“Are you okay?” Tanong ang assistant at secretary nang lolo niya na lumapit sa kanya. Natingin naman si Samantha sa nagsalita. Nang makita niya ito bigla nalang tumulo ang luha niya. Inipon niya lahat nang tapang niya at kinapalan ang mukha.
“After that conceited front. Bigla kang iiyak ngayon.” Wika nito at lumapit sa dalaga saka pinahid ang luha nito. “Sabihin mo nalang sa lolo mo na ayaw mong ituloy ‘to.” Wika pa nang binata. “Kesa naman masaktan kalang sa bandang huli.”
Maliban sa lolo niya may dalawang tao pang nakakaalam sa sitwasyon niya. Ang kanyang personal doctor at ang assistant-Secretary at Lawyer nang lolo niya which he considers as her elder brothers. Simula nang maliit pa siya. They have been with her. Bukod sa lolo niya ang dalawang Binatang ito ang malapit sa kanya at itinuturin niyang pamilya. Mas malapit pa nga siya sa mga ito kesa sa mga pinsan niya.