Chapter - 06

1033 Words
"Lola, ano ‘to?” Tanong ni Samantha nang iaabot sa kanya nang lola Leanne niya ang isang puting sobre. Nasa reception sila noon nang kasal nila ni Drake. Maging si Drake ay napatingin din sa iniabot nang matandang babae sa dalaga. “Regalo ko. Kahit naman ayoko talaga sa ideya nang kasal na ito. Hindi naman pwedeng wala akong ibigay sa iyo at sa asawa mo. I never expect na ang bunso nang angkan ang unang ikakasal. Wala naman akong magagawa.” Wika nito saka napatingin kay Leandro na hindi naman kumibo. “Thank you. Pero hindi na po sana kayo nag-abala.” Magalang na wika nang dalga saka tinanggap ang iniabot na sobre. Nabigla pa ang dalaga nang makita ang laman nang sobre saka napatingin sa lola niya na nakangiti sa kanya. Simple namang kinuha ni Drake ang sobre sa kamay nang dalaga. “Alam kong gusto mong---” “This is not necessary.” Biglang wika ni Drake. Napatingin naman si Samantha at Leanne sa binata. “May pasok kami sa university. I think this kind of stuff can wait.” Anang binata. “Ano ka ba. Regalo sa atin yan ni Lola sayang naman. Isa pa, gusto ko rin namang mag punta--” “Kung marami kang oras sa mundo you can go alone.” Anang binata at tumingin sa kanya. simple namang napakagat nang labi si Samantha. “The date of the travel is open, you can go there anytime you want. I don’t have ill intention.” Wila n ainis na wika nang matanda. “Thanks, lolo. I like the gift, really.” Wika nang dalaga at ngumiti nang matamis dito. Minsan lang siya bigyan nang regalo nang lola niya at hindi naman niya gustong sumama ang loob nito dahil sa sinabi ni Drake. Hindi rin naman niya mapipilit si Drake na maging masaya lalo na at napilitan lang ito sa kasal nila. ***** "Anong ginawa mo?” Tanong ni Drake sa dalaga nang mag bato ito nang barya sa fountain. Kasalukuyan silang nasa Harap nang Trevi fountain sa Italy. Ito ang regalo sa kanila nang lola Leanne niya. Hindi niya alam kung saan nalaman nang lola Leanne niya na gusto niyang pumunta sa Italy. Pero masaya siya sa regalong iyon. Hindi rin naman kasi siya nakakaalis nang bansa kung hindi kasama ang lolo niya. Lahat ibinibigay sa kanya nang lolo niya at kapag sinabi niyang gusto niyang pumunta sa ibang bansa tiyak na ititigil nito lahat nang trabaho para sa kanya. Alam niyang masyado nang busy ang lolo niya at tumatanda na rin ito hindi naman habang buhay magkasama sila. Kaya naman hindi na siya masyadong humihiling dito na gusto niyang bumisita sa ibang bansa. At tiyak din naman niyang hindi ito papayag na umalis siyang mag-isa. Mabuti nalang kasama niya ngayon si Drake. Sa five days trip na iyon. Nabisita na nila ang ilan sa mga tourist destination sa Italy. Pero parang siya lang ang nag-eenjoy sa nangyayari. Habang si Drake naman ay tila sumasabay lang sa kanya at walang emosyon ang mukha. Hindi naman niya ito masisisi. Napilitan lang naman itong sumama sa kanya at para na din ata hindi sumama ang loob nang lola Leanne niya matapos ang tahasang pagtanggi nito noon sa reception. “It’s a myth. If you throw one coin, you wish of returning.” Wika nang dalaga saka napalingon sa tubig kung saan niya ibinato ang barya niya. “Bakit? Gusto mong bumalik dito?” Wala sa loob na tanong nang binata. “Yes.” Masiglang wika nang dalaga saka humarap sa binata. Bigla namang natigilan si Drake. Hindi niya alam kung dahil ba sa sinag nang araw pero sa nakikita niya parang ang ganda nang ngiti nang dalaga she is shining iyon ang nasa isip niya. And that smile. kakaibang emosyon ang nararamdaman niya mual sa mga ngiting iyon. Emosyon na ayaw maramdaman. Not to her. “Lahat nang bansang napuntahan ko. Gusto kong silang bisitahin uli. If given a chance. Especially, this place. Dahil kasama kita.” Anang dalaga na lalong lumawak ang ngiti sa labi. Habang nakatingin ang binata sa dalaga. Bigla pumasok sa isip niya ang sinabi nito noon. “I will make you fall inlove with me.” Bumalik sa memorya niya ang mga binitiwang salita nang dalaga. Bakit naman nito gugustuhing mainlove siya dito? Ano ang motibo nang dalaga? Is this not a marriage for convenience? Hindi niya maintindihan ang dalagang ito. "That's ridiculous." usal nang binata. "Napaka KJ mo naman. Why not loosen up. Nagbabakasyon tayo. hindi mo kailangang maging stern or maging stiff. Try to relax okay." nakangiti pa ring wika nang dalaga sa binata. "Bakit hindi mo subukan." wika nang dalaga saka nag-abot nang barya sa binata. Napatingin naman si Drake sa inaabot nang dalaga sa kanya. “Ano ka kindergarten? Naniniwala ka diyan?” wika nang binata saka tumalikod. “Kahit isang porsyento lang ang pag-asang makakabalik ako dito panghahawakan ko yun.” Wika nang dalaga saka lumingon sa fountain. “Isa pa, Gusto kong bumalik dito nang kasama ka.” Mahinang wika ng dalaga. Pero alam niya sa puso niya Malabo ang hinihiling niya. Bukod sa Isang taon lang ang kontrata nila. Hindi rin naman siya magugustuhan nang binata dahil sa laki nang galit nito sa pamilya niya. Sa isip ni Drake ang pamilya niya at ang lolo niya ang dahilan sa nangyari sa pamilya nito kaya kahit anong gawin niya marahil hindi siya magugustuhan ng binata let alone accept her as his wife. “Ano ba. Tatayo ka nalang ba diyan. Iiwan na kita.” Wika ni Drake na huminto sa paglakad saka napatingin sa dalaga. “Andiyan na.” wika nang nang dalaga saka lumingon sa binata. Nang muling lumingon sa kanya ang dalaga bigla ulit siyang natigilan. “May problema ba ang mga mata ko?” anang binata nang muli tila Nakita niyang maliwang ang ngiti nang dalaga and it seems like his heartbeat skip a bit. Dapat siyang Magalit sa dalaga pero kapag nakikita niya ang ngiting iyon parang gustong humina nang lahat nang defenses niya at ang galit niya tila himalang humuhupa. He just can’t stay angry with her. Not with that smile.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD