"Leandro nababaliw ka nababaliw ka na ba?" Gulat na bulalas nangi sang matandang lalaki kay Leandro. "You want this man. Ang anak nang taong nanloko sa iyo na maging asawa nang apo mo?" dagdag pa nito saka tumingin sa binata. Pinigilan ni Drake ang sarili niya dahil nasa harap siya nang pamilya ni Leandro. Naiinis siya dahil sa turing nito sa ama niya Sa isip nang binata wala naman silang alam sa kung ano ang pinagdaanan nang pamilya niya.
"Ganyan ka na ba ka desperado na ipakasal ang apo mo at kahit ang anak nang lalaking manloloko ipagkakatiwala mo ang apo mo." wika nang isang babae. Nang mga sandaling iyon nasa isang malaking mesa sila sa mansion nang mga Montefuego. Nasa harap siya nang buong angkan nang mga Montefuego. Nandoon ang mga kapatid ni Leandro at mga anak nang mga ito at mga apo.
“Alam na ba ni Samantha ang ginawa mo?” Tanong nang matandang babaeng kapatid ni Leandro. “Alam kung mahal mo ang apo mo pero hindi naman siguro----”
“This is the best for her.” Agaw nang matanda.
“Lolo nandito na ako!” masiglang wika nang isang dalaga na pumasok sa komedor. Lahat nang nandoon ay napatingin nang makita ang dalagang bagong dating. Bigla namang natigilan ang dalaga nang makita ang buong angkan nila lalo na ang Binatang nandoon sa hapag.
Saka niya napagtanto kung ano ang suot niya. Kakagaling lang niya noon sa day care center. Tuwing weekends tumutulong siya sa mga madre na magturo sa mga bata. Karamihan sa kanila mga batang inabanduna at ma mga malubhang sakit gaya niya.
“Look at you. Hindi ka manlang nagbihis.” Sita nang Matandang babae habang nakatingin sa dalaga. Nakasuot pa ito nang apron habang may mga mantsa nang pinta ang suot nito maging ang kamay nang dalaga.
“So, this is your future wife. She is nothing but a child. Look at her.” Wika nang isa pang matanda kay Drake bago bumaling kay Leandro. “This is pathetic Leandro.” Naiiling na wika nito.
“Did I ruin the mood?” Pabulong na wika ni Samantha sa lolo niya at lumapit dito saka nagmano.
“Of course not.” Malambing na wika nito saka hinawakan ang mukha nang apo.
“Go say hi to them.” Wika pa nito sa dalaga. Tumango naman ang dalaga saka lumapit sa matandang babae at lalaki saka nagmano sa mga ito bago lumapit sa mga tito at tita niya saka nagmano din dito at bumalik sa kinauupuan nang lolo niya.
“Drake. This is my Granddaughter Samantha. Siya ang mapapangasawa mo.” Wika nito sa binata. “Dinala ko dito ang magiging asawa mo. Sabi mo gusto mo nang mag-asawa.” Natatawang wika nang matanda sa apo.
“Lolo Talaga.” Nahihiyang wika nang dalaga saka napatingin sa binata. Malamig ang ekspresyon nang mukha nito. Alam naman ni Samantha ang dahilan. He was forced to be here and to marry her. Alam nang lolo niya ang tungkol sa nangyari sa pamilya nila.
“We will have the wedding in two weeks.” Deklara nang matanda. Napatingin naman si Samantha sa lolo niya. Hindi na siya nagugulat kung bakit ito nagmamadali sa mga desisyon niya. Hindi rin naman siya magrereklamo kahit siya pakiramdam naghahabol din siya nang oras. Walang ni isa sa pamilya niya maliban sa lolo Leandro niya ang nakakaalam sa sitwasyon niya. Kaya naman siguro masyado itong nagmamadali. Hindi nila alam kung kelan nalang titigil ang oras niya.
“What?” sabay-sabay na wika nang lahat dahil sa gulat. Si Drake naman ay napatingin lang sa maglolo. Hindi siya makapaniwala na unbothered ang dalawa sa reaksyon nang pamilya nila. Lalo siyang naiinis. Kung hindi lang talaga siya nasa isang mahirap na sitwasyon bakit naman niya tatanggapin ang alok na kasal nang nang matanda. Gusto niyang mabawi ang business nang papa niya at malinis ang pangalan nito. Kaya kahit ano handa niyang gawin.
“Two weeks? Bakit naman nagmamadali ka?” Tanong nang isa pang matandang lalaki. “Mga bata pa naman sila.” Dagdag pa nito. “At isa pa hindi pa natin lubusang nakikilala ang Binatang gusto mong ikasal sa apo mo. Alam mo kung ano ang background nang pamilya nila handa mong ipagkatiwala ang apo mo sa kanya. Ang business mo handa mong ipagkatiwala sa kanya? Siya ang pwedeng maging dahilan nang pag---” putol na wika nang matandang lalaki.
“Hindi ko naman sinabing ibibigay ko sa kanya ang Negosyo ko.” Wika nito saka tumingin sa binata. “Gaya nang sabi mo mga bata pa sila. And I don’t think Drake has the ability to handle my business sa estado niya ngayon. He needs to go on an intensive training. I don’t even think kaya niyang ibangon ang business nila.” Ani Leandro.
“I am not getting any younger. Gusto ko ring makita ang magiging apo ko sa tuhod.” Dagdag pa nito at tumingin kay Samantha. Napangiti naman si Samantha dahil sa sinabi nang lolo niya.
“You are crazy Leandro.” Anang matandang lalaki. “Don’t tell me okay lang saiyo ang mga gustong gawin nang lolo mo? Buhay mo ang pinag-uusapan natin dito?” wika nito sa dalaga.
“It’s fine. Naniniwala naman akong ginawa ni lolo ang kung anong makakabuti sa akin.” Wika nang dalaga. Simula nang magising siya sa coma ang lolo na niya ang naging kasama niya. Wala siyang matandaan sa kung ano ang buhay niya. Para siyang isang latang walang laman nang magising siya. Bata pa siya para maintindihan ang nangyayari. He basically raised her. Ipinakilala nito sa kanya ang mga magulang niya mula sa mga litrato at videos na kinuha nang mga ito mula sa kasal hanggang sa mga yearly birthdays niya at okasyon. Naging tradisyon nan ang pamilya niya na kumuha nang videos tuwing may mga okasyon. Hindi niya maalala ang mga yakap nang pamilya niya o kahit ang mga ngiti nang magulang niya.
“And you.” Anito at bumaling kay Drake. “You’re good with this? Baka nakakalimutan mong may atraso ang ama mo sa kompanya namin.” Anito.
“I am getting paid. Bakit hindi magiging okay sa akin ang lahat.” Anang binata. Nakakuyom ang kamao niya lalo na ay narinig niya ang huling sinabi nito. Sa isip niya, kayo ang may atraso sa pamilya ko. Pero hindi niya iyon maisatinig.
“See. Leandro. Anong klaseng kasal ito. Binabayaran mo ang isang taong hindi naman mahal ang apo mo just because----”
“Hindi ko kayo pinapunta dito para kwestyunin ang mga gagawin ko. My decision is final. Wala kayong sasabihin na magpapabago nang isip ko.” Nang matanda. “Walang problema si Samantha sa gusto ko. Kung okay ang apo ko sapalagay ko hindi ko na kailangan nang iba pang opinion.” Wika nang matanda.
“You are stubborn. At masyado mong ini-i-spoil ang apo mo.” Wika pa nang matandang babae. “Pagsisisihan mo ito. Paano kung may ibang lalaki palang gusto iyang si Samantha. Akala ko ba---”
“It’s my right, she is my Granddaughter.” Anang matanda. “Ginagawa ko lang ang sa tingin ko at tama sa apo ko.” Wika nito at tumingin sa dalaga.