"Anong gusto mong pag-usapan natin?” Tanong ni Samanthan kay Nancy nang makaupo sila sa loob nang coffee shop. Ilang sandaling natigilan si Nancy at nakatingin lang sa dalaga bago nito maisipang magsalita.
“Hindi na ako pagpapaligoy-ligoy pa.” panimula ni Nancy. Natuon naman ang atensyon ni Samantha sa dalaga. “Gusto kong hiwalayan mo si Drake.” wika pa nito kay Samantha. Hindi naman gulat si Samantha sa sinabi nang dalaga. Hindi na siya nagtataka kung gusto mo man nitong maghiwalay sila. O layuan niya si Drake.
“Hindi ko alam kung anong dahilan mo kung bakit mo piniling si Drake na pakasalan ang daming pwede diyan. Sa impluwensya nang pamilya mo. Pwede mong pakasalan kahit sino. Bakit si Drake pa! Alam mong magkasintahan kami.”
“Excuse me? Magkasintahan?” Sakristong tanong nang dalaga. “The last time I check. Naghiwalay kayo matagalan na and you are even engaged to someone else.” Wika nang dalaga. Hindi naman nagsalita si Nancy. Totoo naman ang sinabi ni Samantha. Naging engage siya sa business partner nang papa niya dahil sa nangyari sa pamilya ni Drake. Nang umugong ang balita tungkol sa fraud case nang papa ni Drake. Kinailangang gumawa nang paraan ng papa niya para hindi rin masira ang business nila.
“Ano bang alam mo sa nangyari? Huwag kang magsalita na para bang alam mo kung anong nangyari. And do you think, Drake will stay with you kapag sinabi ko sa kanya na mahal ko pa rin siya at handa akong talikuran ang pamilya ko para sa kanya?” wika ni Nancy.
“You know as much as I know na ako ang mahal ni Drake. Probably, he married you dahil wala siyang ibang pagpipilian. Pero kapag sinabi ko sa kanya na handa na akong ipaglaban siya. He will do anything para bumalik sa akin. Wala kang halaga para kay Drake. Kahit lumangoy ka sa dami nang pera mo hindi ka magugustuhan ni Drake. Baka nga pinagtitiisan ka lang niya ngayon dahila alam niyang kayo ang may hawak nang family business nila.” Wika pa ni Nancy. Lihim na napakagat nang labi si Samantha dahil s ainis saka napakuyom nang kamao.
“Ah, I know it.” Wika nito na napatingin sa mukha ni Samantha. “Marahil pinakasalan ka ni Drake para mabawi ang kompanya nila.” Amuse na wika nito saka marahang tumawa. “Why would he marry someone like you? Isang taong hindi niya kilala na bigla nalang sumulpot after knowing what happen to their family.” Anito.
Lalo namang napakuyom ang kamao ni Samantha dahil sa sinabi ni Nancy. Hindi siya makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig nito. Pero hindi siya nagtataka kung ganito man ang tingin ni Nancy sa kanya. Kahit sino naman siguro magdududa din sa intensyon niya napakasalan ni Drake. Hindi naman nila kilala ang isa’t-isa hanggang sa malugi ang kompanya nito. Kung iisipin, the way the presented the marriage kay Drake talagang wala itong mapagpipilian kundi ang pumayag.
“Hindi rin ako magtataka kung kayo ang dahilan kung bakit nasira ang pangalan ng pamilya ni Drake. Kung iisipin mo. BIgla kayong pumasok sa buhay ni Drake nang sandaling kailangan nila nang tulong. His father was accused of fraud and died. Then he married the granddaughter of the wealthiest man. Hindi ba nakakapagtaka. Unless you coereced Drake to this marriage hindi siya magpapakasal saiyo. Hindi ako iiwan ni Drake para lang sa-----”
“Tapos ka na ba?” biglang putol na wika ni Samantha sa iba pang sasabihin ni Nancy.
“What?!” hindi makapaniwalang wika ni Nancy nang biglang putulin ni Samantha ang iba pa niyang sasabihin.
“Lahat nang sinasabi mo nasa isip mo lang. Kung talagang mahal ka ni Drake. Bakit siya magpapakasal sa akin?” wika ng dalaga. “Sabi mo mahal ka niya? Kung totoo yan. Kahit siguro tutukan siya nang baril sa ulo kahit sa simbahan sa araw nang kasal namin he would still say no.” dagdag nang dalaga.
“But he didn’t.” ani Samantha at tumingin nang derecho kay Nancy. “Do you know why? Because he has no other option. His girlfriend betrayed him and left him ng mga panahon na kailangan niya nang taong masasandalan. Ang nag-iisang taong inaakala niyang magiging katuwang niya sa hirap. Was the first person for flee.”
“Wh-what” hindi makapaniwalang wika ni Nancy. “How dare you-----”
“You are accusing me and my family of so many things, just because Drake married me. Don’t you think you are pathetic.” Wika nang dalaga. Napaawang naman ang labi ni Nancy dahil sa sinabi nang dalaga.
“Okay. I admit. Ikaw ang mahal ni Drake. So what? Ako ang pinakasalan niya. Kung talagang mahal mo siya. Then do everything para mabawi mo siya. That is if you can.” Anang dalaga. Lalo namang natigalgal si Nancy sa narinig.
“Ang kapal nang mukha mo. Ang lakas nang loob mong---”
“What? Nancy let me ask you. Why are you doing this now? Gusto mong bumalik si Drake saiyo? Then I say do whatever you want. I don’t care.” Wika nang dalaga saka tumayo sa kinauupuan.
“Akala ko matino ang paguusapan natin. Turn out toi wasted my time over something so trivial and childish.” Wika nang dalaga saka akmang tatalikod kay Nancy ngunit hindi natuloy ni Samantha ang pagtalikod niya dahil hinawakan ni Nancy ang braso nang dalaga at muli siyang pinaharap dito. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ni Samantha nang humarap siya kay Nancy sinalubong siya nang malamig na bason ang kape. Napaawang ang labi nang dalaga sa labis na gulat maging ang mga tao sa loob nang coffee shop ay nabigla din sa ginawa ni Nancy.
Sakristo namang napangiti si Samantha dahil labis na pagkabigla saka pinagpag sa damit niya ang mga ice cubes na nagkalat sa damit niya.
“Lucky hindi hot coffee ang inorder ko.” Wika ni Nancy sa dalaga saka inilagay sa mesa ang basong wala nang laman.
“Are you trying to shoot a dramatic scene?” inis na wika ni Samantha saka tumingin kay Nancy.
“What?”
“Nancy. Sa halip na gumagawa ka nang eksena dito. Go and make Drake yours again. Iyon naman ang gusto mo diba? Hindi kita pipigilan. Kaya nga lang. don’t think it would be easy. Kung nagawa ko siyang bilhin dati nang pera ko para pakasalan ako. I can make him stay with me dahil sa pera ko. I can give him anything he wants. Even his father's company. Isang sabi ko lang sa lolo ko. Kaya niyang ibigay iyon kay Drake.” wika ni Samantha saka pinasadahan ng tingin si Nancy mula ulo hanggang paa.
“Eh ikaw anong kaya mong ibigay?” Makahulugang tanong nang dalaga. “Ah. Sabi mo kanina kaya mong talikuran ang pamilya mo para kay Drake? Will you that? Really? Ngayon naghiwalay kayo nang business partner nang daddy mo, your family’s business is in its ruin. Diyan ka naman magaling. Ang iwan ang mga taong umaasa saiyo sa oras na kailangan nila nang tulong. Ginawa mo na iyon kay Drake. I didn’t know, you will do the same sa pamilya mo pa. How pathetic!” anang dalaga. Umangat ang kamay ni Nancy para sana sampalin si Samantha ngunit pinigilan ang dalaga ang kamay ni Nancy.
“Sapalagay mo hahayaan kitang saktan ako. Sinuswerte ka.” Wika nang dalaga saka marahas na tinaboy ang kamay ni Nancy dahilan para mapaatras ang dalaga.
“I think this conversation is over. Libre ko na ang kape mo.” Wika nang dalaga saka naglakad patungo sa counter. Hindi naman agad nakakilos si Nancy dahil sa labis na gulat. Ang mga salesclerk sa counter ay nabigla din nang lumapit ang dalagang basa nang kape para magbayad.
“Ma’am okay lang ba kayo?” tanong nang isang Binatang cashier at nagmamadaling kumuha nang tissue at iniabot sa dalaga.
“Thank you. Okay lang ako.” Nakangiting wika ni Samantha. Matapos magbayad simple siyang napatingin kay Nancy na nakatayo pa rin sa tabi nang mesa nila. “Can you do me a favor?” wika ni Samantha saka bumaling sa Cashier.
“Yes Ma’am.” Wika nito.
“Can I talk to your manager?” Tanong nang dalaga. Halata namang nagulat ang cashier dahil sa sinabi ni Samantha pero agad itong tumalima at tinawag ang manager nila. Nang makalapit ang manager. Kinausap ni Samantha ang babae at sinabing e-delete lahat nang CCTV footage sa nangyari. Sinabi din ni Samantha na kahit ang mga customer na nandoon dapat wala silang kinuhang video o litrato dahil magdedemanda siya kapag may lumabas na kahit isang litrato o video mula sa coffee shop na iyon tungkol sa nangyari. Sinabi din nitong tawagan ang pangalang nakasulat sa business card na ibinigay niya. Pumayag naman ang manager sa mga sinabi nang dalaga.
“Thank you.” simpleng wika ni Samantah sa manager saka nagpaalam.
Papalabas na sana nang coffee shop si Samantha nang biglang makita niya sa pinto si Drake. Hindi niya inaasahan ang biglang pagpunta nito doon.