"Drake!” wika ni Nancy na lumapit sa binata at agad na niyakap si Drake. Nabigla ang binata ganoon din si Samantha na nang mga sandaling iyon ay kasama ni Drake. Two days after makalabas nang binata mula sa kulungan. Sinamahan ni Drake si Samantha na magpunat sa supermarket kasama ang ilang mga kasambahay nila. Malapit na ang kaarawan nang lolo nang dalaga at naisip ni Samantha na sa halip gumastos sila paghahanda para sa party nang lolo niya naisip niyang ipagluto ito. ayaw din naman ng lolo niya na pagkaabalahan nila ang kaarawan nito. Dahil para dito wala na siya sa gulang na kailangan pa niya nang mga party.
Matapos din ang nangyari kay Drake at sa pagkakakulong nito at ang nangyari sa labas nang factory. Tila may nagbago sa pagsasama nang dalawa. Napansin ni Samantha na hindi na siya masyadong sinusungitan ni Drake at ito pa mismo ang nag volunteer na sumama sa kanya. Kung dati, iniiwasan nito ang mag-agahan sa mansion dahil sa mga kapatid nang lolo niya. He actually stayed for two days at tahimik na sinaluhan sila sa agahan. Maging ang mga kapatid ng lolo ni Samantha ay nabigla sa pinagbago nang binata. Mukhang nakatulong ang pagkakakulong nito para tila magbago ang binata at ang pakikitungo nito sa kanila.
“Wala ka na bang nakalimutan?” tanong ni Drake sa dalaga nang maisakay nang kasama nilang kasambahay ang huling bag nang grocery sa trunk nang sasakyan.
“What?” Tanong nang binata nang mkiata ang dalagang nakatingin sa kanya.
“I don’t know. Masama ang pakiramdam ko sa pagiging mabait mo ngayon. Hindi mo na ako sinusungitan.” Anang dalaga. Napatingin naman ang binata sa mukha nang dalaga.
“Would you rather, na sinusungitan kita?” anang binata sa dalaga.
“That’s not it. Naninibago lang ako.” Anang dalaga. “Baka kasi after few days bumalik na naman yung masungit na---”
“You are overthinking.” Wika nang binata saka mahinang pinitik ang noo nang dalaga. Agad namang nasapo nang dalaga noo niya dahil sa ginawa ni Drake.
“Kung wala ka nang nakalimutan umuwi na tayo.” Wika pa nang binata at akmang maglalakad patungo sa driver’s seat ngunit ganoon na lamang ang gulat nila nang biglang lumapit si Nancy sa kanila at walang pasabing niyakpa ang binata.
Nancy. Anong ginagawa mo dito?” Takang tanong na wika ni Drake sa dalaga saka tinanggal ang kamay nito na nakakulawit sa leeg niya.
“Well, Nakita kitang lumabas sa supermarket.” Wika ni Nancy. “Nalaman kung nakulong ka. Okay ka lang ba. Hindi ka ba nila sinaktan?” Nag-aalalang tanong nito sa binata saka hinawakan ang pisngi.
“I am fine.” Wika nang binata. “Kung hindi mo pa ako nakitang lumbas sa supermarket hindi mo ako maalala. That’s quite disappointing.” Wika nang binata na sinadyang marining ni Nancy ang disappointed niyang boses. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na kinalimutan siya ni Nancy. Buong buhat niya akala niya si Nancy ang taong masasandalan niya sa pagkakataong kailangan niya ng taong makakapitan. Lalo na sa nangyari sa ama niya. But it was not the case.
“Nagagalit ka ba sa akin dahil sa nangyari? You don’t understand. Hindi ako pwe---” putol na wika ni Nancy nang tinangkang muling hawakan ang mukha ni Drake ngunit biglang lumayo ang binata sa kanya.
“It’s okay hind imo kailangang magpaliwanag. I don’t need your explanation anyway.” Wika pa nang binata.
“Drake, you don’t mean that. Do you?” tanong nang dalaga na nakatingin sa binata at sinusukat kug may katotohanan ba sa sinasabi nang binata.
“I’m really sorry.”
“It’s fine.” Anang dalaga. “Tapos na naman yun. Kalimutan nalang natin.” Wika nang binata saka bumaling kay Samantha. Simple namang ngumiti ang dalaga sa binata.
“I’m sorry Nancy. Kailangan na naming umalis.” Wika ni Drake saka hinawakan ang kamay ni Samantha. Napatingin naman ang dalaga sa kamay niyang hawak nang binata. Napatingin din si Nancy sa dalaga na tila noon lang niya napansin ang asawa nang binata.
“Oh, Nandito ka pala. Hindi ko napansin.” Wika ni Nancy. Ngunit ang attensyon ni Samantha ay nasa kamay niyang hawak ni Drake. Hindi maipaliwanag ni Samantha pero masaya siya sa gesture na iyon ni Drake.
“Drake. Pwede ko bang makausap ang asawa mo?” Tanong ni Nancy. Napatingin naman si Drake at Samantha kay Nancy sa pagtataka.
“Bakit mo naman akong gustong makausap?” tanong ni Samantha na noon lang tumingin kay Nancy.
“Pwede mong sabihin dito ang gusto mong sabihin Kay Sam.” Wika ni Drake.
“Sam?” tanong ni Nancy. “Don’t worry, hindi ko aawayin ang asawa mo. May sasabihin lang ako and this is a talk for women. I don’t think you need to hear it.” Wika ni Nancy saka tumingin kay Drake. Napatingin naman si Drake kay Nancy bago bumaling kay Samantha.
“Fine.” Wika ni Samantha.
“Are you okay with that?” biglang wika ni Drake sa asawa nang marinig ang sinabi nito.
“It’s fine. Mag-uusap lang naman kami hintayin mo nalang ako dito.” Wika pa nang dalaga kay Drake saka binitiwan ang kamay nito.
“Huwag na kayong lumayo. May malapit na coffee shop dito.” Wika pa nang binata.
“Huwag mong masyadong ipahalatang overprotective ka sa asawa mo. I am a little disappointed. You use to be this gentle with me.” Wika ni Nancy saka tumingin kay Drake.
“Huwag mong lagyan nang kahulugan ang sinabi ko. Ayokong mahirapang maghanap sa inyo mamaya.” Wika pa nang binata saka muling bumaling kay Samantha. “Kailangan nating bumalik sa mansion. Baka hanapin tayo nang lolo mo.” Wika nang binata.
“Got it.” Wika nang dalaga saka tumingin kay Nancy. “Let’s talk sa coffee shop na iyon. Hindi ka naman siguro allergic sa kape.” Wika nang dalaga kay Nancy.
“Fine with me.” Wika nito.
“I’ll be back.” Wika ni Samantha sa binata.
“Dito lang kami maghihintay.” Wika ni Drake. Tumango naman ang dalaga saka naglakad patungo sa coffee shop saka naman sumunod sa kanya Si Nancy. Inihatid lang nang tingin ni Drake ang dalawang dalaga na naglakad patungo sa Coffee shop na nasa tabi nang supermarket habang iniisip kung ano ang gustong sabihin ni Nancy kay Samantha. And that moment he realizes. He is worried about Samantha. Bagay na hindi niya maintindihan. Bakit naman siya mag-aalala mag-uusap lang naman ang dalawa.