Natigilan si Samantha nang makita si Drake na pumasok sa coffee shop. Hindi siya agad na kita nang binata dahil nakatuon sa mesa nil ani Nancy ang mga mata nito. Lalapit sana siya sa binata pero bigla siyang natigilan nang makitang maglakad ang binata papalapit kay Nancy.
Napakagat lang nang labi ang dalaga habang may kirot sa dibdib niya dahil sa Nakita. Lalo pang nadagdagan ang kirot sa dibdib nang dalaga nang makitang agad na niyakap ni Nancy ang binata nang makalapit ito. Nang yumakap si Nancy sa binata tumingin ito sa direksyon niya saka sakristong ngumiti. Para bang sinasabi na sa kanya parin kakampi si Drake kahit na anong gawin ni Samantha.
Samantha averted her eyes saka nagdesisyong umalis. Wala naman siyang magagawa kung si Nancy pa rin ang kakampihan ni Drake. Kahit dalawang beses na siyang iniiwan ni Nancy sa ere. She is quite sure na si Nancy pa rin ang laman nang puso’t isip nito.
That’s stupid. Napamurang wika ni Samantha saka naglakad papalabas nang coffee shop sabay pagpatak nang luha sa mata niya.
“Wait Nancy.” Wika ni Drake na tinanggal ang kamay ni Nancy na nakayakap sa kanya saka bahagyang itinulak ang dalaga papalayo. Taka namang napatingin si Nancy sa binata.
“Why?” Maang na tanong nito.
“Nasaan si Sam?” tanong nang binata.
“Bakit siya ang hinahanap mo?” tanong ni Nancy sa binata. Napatingin naman si Drake sa dalaga. Mula sa parking lot Nakita niya ang nangyari at kung paano itinapon ni Nancy ang laman nang baso kay Samantha. Hindi niya alam kung anong nangyari o kung ano ang pinag-usapan nila. Nang makita niya ang ginawa ni Nancy hindi na siya nag isip pa at mabilis na nagpunta sa coffee shop. Ang alam lang niya kailangan siya ni Samantha ngayon. Ngunit ng pumasok siya hindi niya Nakita si Samantha.
“Drake.” wika ni Nancy saka hinawakan ang kamay nang binata nang tangka itong aalis matapos suyurin nang tingin ang loob nang coffee shop at hindi makita si Samantha. Nakatingin ang lahat nang tao sa kanila maging ang mga trabahador nang coffee shop. Pero hindi makita nang binata si Samantha sa loob.
Napatingin si Drake sa kamay ni Nancy na may hawak sa braso niya.
“Huwag mo akong iwan dito.” Mahinang wika ni Nancy sa binata.
“Ano bang sinasabi mo?” di makapaniwalang wika ni Drake.
“Gusto mo siyang habulin? Bakit? Alam naman natin pareho na hindi mo siya mahal at napilitan ka lang sa relasyong ito. I need you. Stay with me.” Wika ni Nancy sa binata. Napaharap naman si Drake sa dalaga. Ilang sandali siyang napatingin kay Nancy saka nagdesisyon na tanggalin ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. Napatingin naman si Nancy sa kamay niyang unti-unting tinatanggal ni Drake sa braso nito.
“Drake.” hindi makapaniwalang wika ni Nancy. “Talagang pupuntahan mo siya?” tanong ni Nancy.
“Nancy. Of course, kailangan ko siyang sundan I am her----” biglang naputol ang sasabihin ni Drake.
“Husband? Yan ba ang gusto mong sabihin?” tanong ni Nancy.
“Alam mong kasal sako sa kanya. She is my responsibility now.” Wika nang binata.
“Kaya kahit hindi mo siya gusto pakikisamahan mo siya? Dahil responsibilidad mo na siya?” Tanong ni Nancy sa binata. Hindi naman sumagot si Drake at tumingin lang sa dalaga.
“Alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin?” tanong ni Nancy dahilan para mapakunot ang kilay ni Drake.
“Wala siyang pakiaalam kung ako ang mahal mo. She can get anything she wants dahil marami siyang pera. Pinamukha niya sa ‘kin na kaya mong manatili sa tabi niya dahil sa marami siyang pera. She can --- buy even your happiness dahil sa pera niya. She is so conceited and a spoiled brat.” Wika ni Nancy. Hindi naman nagsalita si Drake.
“I know, I was cruel lalo na nang iwan kita when you needed me the most. Pero alam mong kailangan ko ding sundin ang pamilya ko. I have no choice.” Wika ni Nancy.
“Kung alam mo lang kung gaano ka sakit para sa akin na talikuran ka.” Wika pa nito sabay pagtulo nang mga luha sa mata niya. “I love you. alam mo yan at hindi naman iyon nagbabago. Kahit pa naging engaged ako sa business partner nang papa ko. Ikaw pa rin ang laman ng puso ko. And now. I can’t just--” umiiyak na wika Nancy. BIglang natigilan ang dalaga nang bigla siyang yakapin ni Drake.
Mula sa labas nang coffee shop Nakita ni Samantha ang ginawa ni Drake. para namang pinipiga ang puso niya habang nakitang niyakap ni Drake si Nancy. Wala siyang ibang nagawa kundi ang mapahawak nang mahigpit sa bag niya saka nagsimulang maglakad papalayo sa coffee shop. Mabigat ang bawat hakbang nang dalaga gaya nang bigat na nararamdaman niya sa dibdib niya nang mga sandaling iyon.
Marahang tinatapik ni Drake ang likod ni Nancy habang sinusubukan nitong pakalmahin ang dalaga. Nabasa niya mula sa isang balita ang tungkol sa pagatras nang business partner nang ama nito sa kasunduan nila at dahilan din kung bakit natapos ang engagement ni Nancy sa lalaki. Sa ngayon dumadaan din sa pagsubog ang kompanya nila. And Nancy is probably hurt sa nangyari.
“I’m really sorry Drake. Hindi ko gustong iwan ka. God knows how much I love you. Hindi ko kayang mawala ka sa akin.” Wika pa nito sa binata habang mahigpit na nakayakap kay Drake.
“It’s okay. Kalimutan na natin ang nangyari. Nakaraan na iyon.” Wika pa nang binata. Bahagya namang lumayo si Nancy sa binata saka pinahid ang mga luha niya.
“Does it mean. Babalik kana sa akin? I don’t think I can survive all the things na nangyayari sa pamilya ko kung wala ka sa tabi ko. Ikaw ang pinagkukunan ko nang lakas.” Wika nang dalaga. Napatingin naman si Drake sa mukha ni Nancy.
“Alam mong iba na ang sitwasyon ngayon.” Wika ni Drake.
“Pero hindi mo naman siya mahal.” Wika ni Nancy. “Alam kong ako pa rin ang laman nito.” Wika nang dalaga at itinuro ang dibdib nang binata.
“Nancy.” Wika nang binata saka hinawakan ang kamay nang dalaga na nasa dibdib niya. “Kailangan na nating tanggapin na hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Kahit ano pa ang rason nang pagpapakasal ko kay Sam. It was my decision.” Dagdag pa nang binata. “The sooner we accept that we have different lives now, mas magiging Mabuti iyon para sa ating dalawa.” Wika pa ni Drake.
“Pero paano ko gagawin yun? Ikaw parin ang mahal ko.” Usal ni Nancy saka hinawakan ang kamay nang binata.
“May aksidente sa labas. Yung babaeng galing dito sa coffee shop na bundol nang sasakyan. I don’t think she will survive.” Wika nang isang salesclerk nang coffee shop na pumasok dala ang isang nakakagimbal na balita.