"Teka, paano nga ulit umuwi sa apartment ni Drake?" Biglang wika nang dalaga saka tumigil sa paglalakad. Simula nang bumalik sila mula sa honeymoon kono nila nag insist si Drake na doon sila manatili sa apartment na tinutuluyan nito kahit pa sinabi nang lolo ni Samantha na mas gusto nitong nasa mansion ang dalawa. Pumayag naman ang lolo niya dahil sa pakiusap niya dito.
Alam niyang nag-aalala lang naman ito sa kanya kaya ayaw nitong pumayag pero sinabi niyang mas mabuting doon siya sa apartment ni Drake tumira dahil baka maawkward si Drake sa mansion nila lalo na at nasa mansion na lahat nang kapatid nang lolo niya at anak at apo nang mga ito. Dahil sa biglaan nilang pagpapakasal kaya naman naisip nang mga ito na sa mansion na tumira.
Habang papauwi siya sa apartment ni Drake may isang lalaking na coat siyang nakasalubong. bigla siyang nagulat at natigilan. Nang napatingin siya dito napansin niyang ang coat lang na suot nito na hanggang tuhod ang nakatabon sa katawan nito. Wala itong pantalon. Bigla siyang kinabahan at natakot. Normal naman kung titingnan ang lalaki pero hindi parin siya dapat makampante.
"Miss halika ka may ipapakita ako saiyo." wika nito kinawayan siya papalapit dito. Habang nakatingin si Samantha sa lalaki nakikita niya tila hindi naman ito masamang tao. Pero hindi siya dapat magtiwala wala siyang kilala sa lugar na iyon at ilang araw palang silang nakatira doon.
"H-Hindi na ho, nagmamadali ako." wika nang dalaga at tumalikod saka akmang lalayo pero hindi paman siya nakakahakbang nang biglang tumakbo ang lalaki papunta sa harap niya.
"Bakit ka naman nagmamadali. Gusto ko lang makipaglaro saiyo. Ngayon lang kita nakita dito." wika nito saka napahawak sa belt na nakapalibot sa bewang na siyang nagsasara sa coat na suot nito. Kung hindi siguro nito suot ang belt baka makita na ang kahubdan nang lalaki.
"T-Teka anong ginagawa mo?" biglang wika nang dalaga nang mapansina ng gustong gawin nang lalaki.
"Diba sabi ko saiyo may ipapakita ako? Gustong-gusto nang mga babae ito." ngumising wika nang lalaki.
"Hindi ko gustong makita." wika nang dalaga saka akmang aalis pero bigla ulit siyang hinarang nang lalaki.
"Hindi ka pwedeng umalis nang hindi mo ito nakikita." wika nito.
"Sa-sa iba niyo nalang ipakita." anang dalaga.
"Hindi pwede. Gusto kita kaya saiyo ko ito ipapakita." wika nang lalaki. "Heto na. Isa--" wika nito at tuluyang tinanggal ang belt saka dahan-dahang binuksan ang coat niya. Hindi naman alam ni Samantha kung anong gagawin.
"Dalawa... Tat-lo!" wika nito saka buong lakas na binuksan ang coat niya. Gustong sumigaw ni Samantha kaya lang hindi niya nagawa dahil sa biglang may kamay na tumakip sa mata niya kasabay ang pagkabig nang bisig nito sa kanya patalikod sa lalaki. Nang makaharap siya sa kumabig sa kanya bigla siyang nag-angat nang tingin at nakita si Drake na siyang tumulong sa kanya. Nakatingin ito sa mukha niya kahit na malamig ang titig nito sa kanya. Hindi parin maiwasan ang pagkabog nang dibdib niya dahil sa simpleng gesture na iyon nang binata.
"Ano sa palagay mo ang ginawa mo!" asik ni Drake sa lalaking nakaunat ang kamay habang ipinapakita ang kahubdan sa dalaga. Tila na bigla naman ang lalaki dahil sa nakatingin sa kanya ang binata.
“Hindi ka ba aalis? O baka gusto mong tumawag ako nang pulis.” Asik nang binata sa lalaki. Nang mapansin nito ang binatang nakatitig sa kanya agad nitong tinakpan ang katawan saka tumukbo. Hindi nito inaasahan na may darating para sa dalaga.
"Ikaw. Anong ginagawa mo dito? Hindi naman ito ang direksyon pauwi sa apartment." wika nang binata saka bumaling kay Samantha nang makalayo ang lalaki. Isang oras na niyang hinihintay ang dalaga sa apartment. Ito ang pangalawang araw nila doon. Akala niya magagawa nang umuwi ni Samantha mag-isa. Hindi na sana niya hahanapin ang dalaga pero naalala niyang may mga ini-rereport na pambabastos sa mga dalaga sa lugar nila kaya naman naisip niyang hanapin na ito.
“Tell me. Mahina ka bas a direksyon. Ipinakita ko na saiyo noong nakaraang araw ang daan pabalik sa apartment at ngayon heto ka at naligaw. Huling-huli mo talaga ang inis ko.” Anang binata.
“Not that I did that on purpose. Alam mong bago ako sa lugar na ito.” anang dalaga at napabuntong hininga. “Thank you for saving me.” Anang dalaga.
“Wait.” Nang dalaga. “Nag-alala ka ba sa akin kaya ka nandito?” Tanong nang dalaga.
“What?” Gulat na wika nang binata.
“C’mon. Hindi mo kailangang mahiya sa akin. Sabihin mo nalang na nag-alala ka hindi naman ako magagalit.” Anang dalaga at itinuro ang dibdib nang binata.
“Look.” Iritang wika nang binata saka hinawakan ang kamay nang dalaga. “Stop being so full of yourself. Hindi ako nag-aalala saiyo. May mga balita tungkol sa pambabastos sa lugar na ito. Inisip ko lang---”
“So nag-aalala ka nga sa kin.” Ngumiting wika nang dalaga. Napaawang ang labi nang binata. His defense just cracked becaused of that smile.
“Whatever.” Napabuntong hiningang wika nang binata at tumalikod saka inakay ang dalaga papalayo.
"Bahay ko lang. Dito ka nakatira." mariing wika nang binata. Napakagat nang labi naman ang dalaga. She was hurt with those words. Ibig bang sabihin noon hindi talaga siya itinuring na pamilya nang binata? Alam naman niyang napilitan lang ito. But hearing him say it kahit alam na niya nasasaktan pa rin siya.
"Ibig mong sabihin----" Putol na wika nang dalaga nang biglang bumukas ang gate. Para bang inaasahan na nang mga tao sa mansion ang pagdating nila.
"Let's go." anang binata at nagpatiuna. Napatingin lang si Samantha sa binata habang papasok ito nang gate. Ibig bang sabihin nang paghatid nito sa kanya doon ay iuuwi na siya nito sa mansion. Sa mariing sabi nito na hindi niya bahay ang apartment ibig bang sabihin kahit kailan hindi naman talaga siya itinurin na asawa nang binata. Biglang napatulo ang luha niya dahil sa kakaisip noon.
"Ano ba tatayo ka nalang ba diyan?" wika nang binata na tumigil sa paglalakad saka nilingon siya.
“Bakit tayo nandito?” tanong nang dalaga habang nakahawak nang mahigpit sa dulo nang damit niya and she was trying to hard na hindi mag c***k ang boses niya.
“Kakasabi ko palang na dito ka nakatira saan naman kita ihahatid bukod dito.” Sagot nang binata.
“You insisted to leave sa apartment mo. I am okay with it. Dahil nandoon ka.” Anang dalaga.
“Hindi tayo mag-uusap tungkol diyan. Just walk. Naghihintay na sila.” Pasimple namang pinunasan nang dalaga ang luha niya saka naglakad papalapit sa binata hindi naman niya mapupwersa ang binata na magkagusto sa kanya gayong napilitan lang din itong magpakasal sa kanya. She tries to show him she is conceited and full of herself. Not to piss him but to show him that she is strong pero ngayon ayaw lumabas nang pagiging conceited niya she is hurt with his action. Pakiramdam niya parang isinusuli siya nang binata. Even if he doesn’t like her. Hindi bai to pwedeng mag pretend na okay lang dito na magkasama sila sa iisang bahay? Wala naman siyang reklamo pero bakit bigla-bigla ang desisyon nang binata. Dahil sa nangyari kanina? Pwede naman siya nitong pasabihan. Pero bakit bigla silang darating dito sa mansion.
“Saan Tayo pupunta?” tanong nang dalaga habang naglalakad kasunod ang dalaga.
“Uuwi, where else.” Inis na wika nang binata. Napangiti naman si Samantha habang nakatingin sa kamay niyang hawak nang binata habang naglalakad sila.
“Hey. Nasa area naman tayo nang apartment mo bakit kailangan nating mag taxi?” Tanong nang dalaga nang sumakay sila nang taxi ni Drake.
“Just shut up.” Anang binata matapos ipakita sa taxi driver kung saan sila dadalhin. Napalabi naman ang dalaga saka napasandal.
“I’ll sleep for a bit.” Anang dalaga saka inihilig ang ulo sa balikat nang binata.
“Sleep? Why----” anang binata at natingin sa dalaga may sasabihin pa sana siya ngunit nang makita niya ang maamong mukha nang dalaga na natutulog wala nang salitang lumabas sa bibig niya.
"Anong ginagawa natin dito? Hindi ba tayo uuwi sa apartment mo?" tanong ni Samantha kay Drake nang makita niyang nasa harap sila nang gate nang mansion nila. Bumaba sila sa taxi at ganoon na lamang ang gulat niya nang nasa harap sila nang gate nang mansion nila. Matapos ang nangyari kanina sinabi nang binata na uuwi na sila akala naman niya sa apartment na ang tuloy nila.
"Uuwi ka pa din doon matapos ang nangyari kanina?" Tanong nang binata saka tumingin sa dalaga.
"Pero doon ang bahay natin hindi ba?" tanong nang dalaga.