"Lolo." wika ni Samantha nang dumating sila sa mansion at agad na niyakap ang lolo niya saka walang tigil na umiyak ang kaninang sakit sa dibdib na pinipigilan niya ay malaya niyang pinawalan habang yakap ang lolo niya.
"What happened apo?" wika nang matanda saka niyakap ang apo saka marahang tinapik ang likod nito saka napatingin sa binatang nakatayo. Nakatingin din ang lahat dito.
"Anong nangyari? Bakit umiiyak ang apo ko?" Tanong nito kay Drake.
"What do you expect?" wika nang matandang lalaki. "Hindi sanay tumira sa isang maliit na apartment ang apo mo ang you expect her na maging okay? Tingnan mo dalawang araw palang umuwi na sila dito." dagdag pa nito. Napatingin naman si Drake sa kapatid nang matanda.
"It's okay apo. Hindi na ako papayag na bumalik ka sa apartment na iyon." wika pa nito at bumaling kay Drake. "Dito na kayo titira simula ngayon." mariing wika nito. Pero para kay Samantha hindi naman ang pagtira sa apartment ang dahilan kung bakit siya umiiyak pero ang katotohanang ayaw siyang makasama ni Drake.
“Drake. Narinig mo ba ang sinabi ko. Walang kang sasabihin na makakapagpabago nang pasya ko. Dito kayo titira.” Wika nang matanda saka tumingin sa binata. Tumango naman si Drake. Wala siyang tutol kung doon sila titira. Hindi naman sa gusto niyang tumira sa mansion pero kung hahayaan niya sa lugar na iyon si Samantha tumira baka mapahamak ito. Gusto niyang maghigante pero hindi naman ibig sabihin noon gusto niyang may mangyaring masama sa dalaga.
“Tayo na ihahatid kita sa silid mo nang makapagpahinga ka.” Wika nang matanda saka inakay ang dalaga paakyat susunod sana si Drake sa dalawa nang bigla siyang pigilan nang assistant nang matanda.
“Bakit?” Tanong nang binata saka napatingin sa kamay nang lalaki na nakahawak sa braso niya.
“Anong nangyari kay Sam?” tanong nito.
“Ano namang mangyayari sa kanya?” anang binata at inagaw ang braso sa assistant. Hindi niya nagugustuhan ang pagiging overprotective nito. Sa napapansin niya hindi lang assistant ang papel nito sa mag-lolo.
“Binabalaan kita. Kahit na isang arrange marriage lang ito. Huwag na huwag kong malalaman na umiiyak si Samantha dahil saiyo.” Wika nito.
“Dapat inisip niyo yan bago niyo ipinagpilitan na magpakasal kami.” Anang binata saka naglakad pasunod sa maglolo. Napakuyom nang kamao naman ang assistant saka napatingin sa binata.
***
"WOW!" manghang wika ni Samantha nang pumasok sila sa silid niya. binago na ang desinyon nang silid niya at bukod doon ang isa sa mga guest room na katabi nang silid niya ginawang closet nang lolo niya. Laman noon ang iba't ibang klase nang damit para kay Drake maging mga accessories. Katabi din noon ang closet para sa kanya. Silid at closet palang nilang dalawa parang isang buong bahay na.
"Nagustuhan mo ba?" tanong nang matanda kay Samantha. Masayang tumango ang dalaga. Hindi niya akalaing gagastos ang lolo niya para ipaayos ang silid na iyon. Para bang inaasahan nitong uuwi sila sa mansion.
"Drake. Okay na ito saiyo? Dahil sa papasok kana sa kompanya niyo kailangan mo nang mga damit. Hindi ko alam kong anong gusto mo sa mga damit kaya---" putol na wika nang lolo niya.
"This is more than enough." wika nang binata. Hindi niya alam kung anong gustong gawin nang matanda pero hindi naman nito kailangang bigyan din siya nang sarili niyang closet. Para namang mananatili siya nang matagal sa mansion nila. Naisipan niyang iuwi ang dalaga sa mansion dahil ayaw niyang manganib ito sa lugar na tinutuluyan niya gaya nang nangyari kanina. Hindi rin ito sanay na manirahan sa lugar na iyon ang dalaga.
"Here." wika nito at iniabot sa binata ang isang credit card. Napatingin doon ang binata at nakita ang pangalan niya.
"Ano to?" Tanong nang binata.
"Pinagawa ko para saiyo. Gamitin mo yan." anito. "And this." wika pa nito na inilabas ang isang susi nang kotse.
"Ang dami niyo yatang ibinibigay?" tanong nang binata. Hindi niya maintindihan ang kinikilos nang matanda. Bakit naman siya magbibigay nang mga ganoong bagay sa kanya isang arrange marriage lang ang nangyari. O baka naman kabayaran ito dahil sa pagpayag niya. Pero, baka kabayaran ito nang mga atraso nang matanda sa pamilya nila. Masyado naman yata siyang binibigyan nang atensyon nang matanda.
"Hindi ko naman pwedeng hayaan ang asawa nang apo ko na sumakay lang nang Jeep. Dito kana sa Mansion titira. And consider this as part of our contract." wika nang matanda. "Treat my granddaughter well." Anito at inilagay sa kamay nang binata ang card at ang susi nang kotse.
"Sa madaling salita suhol?" anang binata at tumingin sa dalaga. Parang sinabi nang mga tingin nito na binibili ang lolo niya ang pagmamahal para sa kanya. Pero dahil sa wala naman siyang nararamdaman sa dalaga magiging aksaya lang iyon.
Isang malakas na tawa naman ang pinawalan nang matanda dahil sa sinabi ni Drake. “Kung suhol nga ito sa palagay mo. Siguro, sinusuhulan kita para tratuhin nang Mabuti ang apo ko sa loob nang isang taon.” Anito.
“Lolo bakit ka tumatawa?” Tanong ni Samantha sa lolo niya.
“Because this young man is amusing.” Napapailing na wika nito. “Ah siya ng apala. Total nandito ka na rin lang nakatira sa Mansion. Bakit kaya hindi ka rin lumipat nang university sa pinasukan ni Samantha?” mungkahe nang matanda. Kapwa naman napatingin sina Drake at Samantha sa matanda.
“Hindi na kailangan. Mas gusto ko pa rin na ako ang komokontrol sa personal kung buhay. Pumayag na akong dito tumira sa bahay niyo ----”
“Gusto ko lang naman na mas malapit kayo sa isa’t-isa at mas panatag ako kung---”
“Hindi ako nagpakasal sa apo niyo para maging alalay o bodyguard niya.” Agaw nang binata sa sinabi nang matanda.
“Lolo.” Biglang wika nang dalaga. “It’s okay. Hindi ko naman kailangan nang bantay. And I don’t like other people to fuss around our personal lives.” Wika nang dalaga.
“Ganoon ba yun?” tanong nang matanda.
“Oo. Lolo.” Ngumiting wika nang dalaga sa matanda.
"Siya sige. Kung yan ang gusto niyo. Magpahinga na kayo. Iiwan ko na kayo. Gabi na magpahinga na kayo. Bukas, pupunta tayo sa kompanya niyo."wika nito kay Drake saka tinapik ang balikat nang binata bago lumabas nang silid. Sa isip ni Drake hindi talaga niya mahulaan ang takbo nang isip nang matanda. Pero hindi rin niya maiwasang hindi lalo magalit dito. Parang ipinapamukha nito sa kanya ang kaya nitong gawin dahil sa may pera ito. Kaya nitong kontrolin ang buhay niya dahil lang sa marami itong pera.
"Talagang iba ang nagagawa nang pera." wika nang binata nang makalabas ang matanda. "Pero hindi ba naisip nang lolo mo na kahit anong ibigay niya sa akin. Hindi noon maiibsan ang galit na nararamdaman ko. Hindi nito kaya pahupain ang galit ko sa pamilya mo. At lalong hindi nito kayang suhulan ang puso nang tao." wika nito sa dalaga.
"Hindi ugali nang lolo ko ang mamigay nang gamit o pera sa taong hindi niya gusto. You are my husband now. And I guess he consider you as his family. It's good right?" pilit na ngumiting wika nang dalaga.
“I don’t know about that.” Wika nang binata at inilapag sa side table ang credit card at susi nang kotse. Simula nang kunin nang bangko ang ariarian nila hindi na siya naghangad nang mga material na bagay he did not even expect na magkakaroon nang ganito sa ngayon. He is planning to get one kapag Nabawi na niya ang kompanya nila.
“My lolo is a good man. Alam din niya kung paano kumilatis nang mabutihan sa isang tao. He may do cruel things. But it’s with reason.” Anang dalaga.
“Really, I don’t want to know about his reasons.” Anang binata. Kahit ano paman ang rason nito tiyak nang binata na dahil iyon sa pagiging ganid nito. Gaya nalang nang pagpapakasal nil ani Samantha. He is willing to ruin other people's live just because he wants to preserve his granddaughter’s life. Pareho lang silang maglolo. Iyon ang nasa isip niya.
“Saan ako matutulog ngayon? Hindi naman pwedeng---” wika ni Drake na naputol nang makita ang dalagang nakahiga sa sofa. Kakatapos lang niyang maligo noon. Nang lumabas siya Nakita niya si Samantha na nahiga na sa sofa at natutulog. Sandali siyang nakatingin sa mukha nang dalagang natutulog. Napatingin siya sa hawak nitong photo album. Mukhang nakatulugan na nang dalaga habang nakatingin sa mga iyon.
“Seriously. Ang lawak nang kama bakit dito siya natutulog.” Wika nang binata saka naglakad papalapit sa dalaga. Kinuha niya ang hawak nitong Photo album natigilan pa ang binata nang makita ang mga larawan sa loob nang photo album, mga larawan iyon kuha sa kasal nila. “Bakit niya naman tinitingnan ‘to.” Wika nang binata saka inilapag sa mesa ang photo album saka bumaling sa dalaga at muling napatitig sa mukha nito. Isang buntong hininga ang pinawalan nang binata saka lumapit sa dalaga at pinangko ito saka dinala sa kama at inilapag. Inayos niya ang pagkakahiga nang dalaga saka nilagyan ito nang kamot.