“Sasakay na.” Napalabi ang dalaga saka sumakay. Hindi naman siya magrereklamo kung saan siya titira basta kasama ang binata. Pero sa natatandaan niya sa sinabi ni Assistant Lee isang maliit na silid lang ang tinutuluyan nang binata. Hindi pa niya nasususbukang tumira sa ibang lugar maliban sa mansion. Hindi pa rin niya nasusubukang umalis nang hindi kasama ang lolo niya, si Assistant Lee or kahit isang bodyguard. Dahil sa takot nito na may mangyari sa kanya kaya naman bantay sarado siya. Iniisip niya kung paano na kumbinsi ni Drake ang lolo niya na sa ibang bahay siya tumira. Napaka overprotective nang lolo niya pagdating sa kanya.
“Dito tayo titira?” Tanong nang dalaga nang dumating sila sa isang apartment. Nang pumasok sila sa loob nang silid nang binata. Sa isip nang dalaga mas Malaki pa ang bathroom niya kumpara sa silid na iyon. Sa silid nang binata makikita ang isang mesa sa di kalayuan ay ang sink at sa tabi nito ang gamit sa kusina malapit sa mesa ay ang kama nang nakatabi ang isang cabinet.
Sa isang tingin masasabing isang tao lang ang pwedeng tumira sa lugar na iyon. Sa isip nang dalaga ito marahil ang silid na sinasabi ni Assistant Lee na tinutuluyan ni Drake.
“Bakit may problema ba?” tanong nang binata.
“Are you sure you want me to live here?” Tanong nang dalaga sa binata.
“Ano sa palagay mo?” tanong nang binata saka pumasok sa loob. Sumunod ang dalaga sa binata.
“But this is too small even for the both of us. It would have been better if we live sa mansion. Tatawagan ko si Lolo.” Wika nang dalaga saka kinuha ang cellphone niya at akmang tatawagan ang lolo niya pero biglang inagaw ni Drake ang cellphone niya. Taka namang napatingin ang dalaga sa binata dahil sa ginawa nito.
“Saan ka nakakita nang mag-asawang nakikitira sa lolo niya. You wanted to marry me right then you have to live where I live. Hindi ko rin gustong tumira sa mansion niyo dahil pakiramdam ko babaliktad ang sikmura ko.” Wika nang binata at inilapag ang cellphone nang dalaga sa mesa.
“But did you ask if I can live here?” Habol nang dalaga sa Binata. “Hindi pa ako tumitira sa ibang bahay. Baka hindi ako makatulog, maatim mo bang ---” natigilan ang dalaga nang biglang isara nang binata ang pinto nang banyo dahilan din kung bakit siya natigilan ay dahil pa daskol na isinara iyon ni Drake na para bang sinsabi nitong hindi niya gustong marinig ang reklamo niya. Napabuntong hininga lang ang dalaga. Mukhang hindi naman niya mapipilit ang binata na bumalik sila sa mansion.
Takang napatingin sa pinto ang dalaga nang marinig ang katok mula doon. Dahil nasa loob nang banyo ang binata walang ibang naging choice ang dalaga kundi ang buksan ang pinto.
“Lolo!” masiglang wika ni Samantha nang makita ang lolo niya at si Assistant lee na dumating. Nang makita niya ang lolo niya agad niya itong niyakap.
“May dumating ba?” tanong ni Drake na lumabas nang banyo na ngayon ay nakabihis na at nakasuot nang Tshirt at Jogging pants. “Kayo pala.” Walang emosyon na wika nang binata nang makita kung sino ang dumating.
“This is a small place for my grand daughter.” Wika ni Leandro saka pumasok.
“Maglolo nga kayo pareho kayo nang sinabi.” Wika ni Drake.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Drake kay Assistant Lee nang magsimula itong umikot sa buong silid at tinitingnan ang buong paligid. Parang tinitingnan kung may mga alikabok sa paligid. Tumingin din ito sa labas nang bintana.
“I am checking if this place is safe for Sam.” Sagot nito at tumingin sa binata. “And I think. It’s better that you live sa mansion. Hindi ako palagay sa lugar na ito.” wika nito saka tumingin sa maglolo na nakaupo.
“Wala sa kontrata natin ang nakasaan na pati ang titirahan ko pakikialaman niyo. You asked me to marry your princess. Kung saan ko siya ititira will be up to me.” Wika nang binata.
“It’s Samantha’s safety that we are concerned of.” Sagot nang matanda.
“Eh si sana itinago niyo nalang siya sa mansion niyo para hindi makita nang iba. Who even asked you to ask me to marry her.” Inis na wika nang binata.
Napatingin naman si Samantha sa lolo niya at hinawakan ang kamay nito. “It’s fine lolo. I’ll be okay here. Besides, it’s a new experience for me.” Wika nang dalaga at ngumiti sa lolo niya.
“Are you sure?” nag-aalalang wika nito. Ngayon lang niya iiwan ang apo niya sa ibang bahay. At kahit naman asawa nito si Drake wala itong ideya sa sakit ni Samantha kaya hindi siya mapalagay at tiyak niyang ganoon din si Lee. Pero hindi naman siya pwedeng magdesisyon para sa apo niya. Nagkasundo silang gagawin nito ang mga bagay na gusto nito habang may oras pa siya at gusto niya iyong erespeto kahit na natatakot siya sa pwedeng mangyari.
“Oo naman. Nothing bad will happen. Nasa poder naman ako ni Drake. Wala sa itsura niya pero tiyak babantayan naman niya ako.” Wika nang dalaga na ngumiti para e-assure ang lolo niya.
“And what is that supposed to mean?” tanong ni Drake sa dalaga.
“It means you’re a good guy and I trust you. Why else would I marry you.” Wika nang dalaga saka ngumiti sa binata. Lihim na napatiim bagang ang binata. That smile again. Ang inis na nararamdaman niya kanina tila unti-unting nawawala dahil sa ngiting iyon. Even if he is showing her his bad side. But still, he can give her that sweet smile. Sinong hindi lalambot ang puso.
“Kung hindi talaga kita mapipilit na bumalik sa mansion wala akong magagawa. Pero tandaan mong bukas ang pinto nang mansion para sa inyong dalawa.” Anang matanda.
“Thank you lolo.” Anang dalaga at inihilig sa balikat nang matanda ang ulo niya. Napangiti naman ang matanda saka marahang tinapik ang ulo nang apo niya. Napatingin lang binata sa maglolo. Hindi naman niya maikakaila ang pagiging close nang dalawa.