Chapter - 07

1193 Words
"Drake!” isang boses nang babae ang narinig nina Samantha at Drake habang naglalakad sila patungo sa exit nang arrival area sa Airport. Kakarating lang nila nang bansa matapos ang limang araw na bakasyon nila sa Italy. Nang marinig nina Drake at Samantha ang boses sabay silang natigilan at napatingin sa pinanggagalingan nang boses. Si Nancy ang Nakita nila na kasama ang isang matangkad na lalaking naka suit. Kilala ni Samantha ang lalaki dahil sa business world. Kilala itong isa sa mga rising CEO. He is literally declared as the new business genius. Pinalago niya ang business nang family niya in just a span of 2 years. Hindi lang sa bansa kundi international. At paano ba naman niya hindi makikilala ang Binatang kasama nito. That night, na nabalitang nagpakamatay ang ama ni Drake was also the same night na ini-announce ang engagement ni Nancy at nang binata. “Galing kayo sa honeymoon niyo?” tanong ni Nancy saka tumingin kay Samantha. Simple namang ngumiti si Samantha sa dalaga at napatingin kay Drake na tila hindi komportable sa pagkikita nilang iyon. Nakatingin ito sa Binatang kasama ni Nancy habang nakatiim ang bagang. “Oh, Mr and Mrs Drake Anderson tama ba?” wika nang lalaki sa kanila na nakangiti. “I think hindi pa ako personally nakakapagpakilala. Dumalo ako sa kasal niyo pero hindi ako nakalapit para e-congratulat kayo. Binabati ko kayo sa kasal niyo. It was a little sudden but, I am happy for you.” Wika nito at inilahad ang kamay sa Binatang di Drake. Napatingin lang si Drake sa kamay nito at tila walang planong tanggapin. Sino ba naman ang makikipagkamay sa lalaking umagaw sa fiancée mo. “Thank you.” Maagap na wika ni Samantha at tinanggap ang pakikipagkamay nang binata. Ngumiti naman ito kay Samantha. “Samantha Montefeugo, right?” anito sa dalaga. “The Heiress of El Feugo’s Pride and Dynasty. Pinaka malaking kompanya sa bansa.” Wika nito saka bumaling kay Drake nang bitiwan ni Samantha ang kamay nito. “Tingnan mo nga naman ang swerte mo. Matapos masangkot sa isang iskandalo ang ama mo ang pamilya nito, napangasawa mo naman ang pinakamayamang babae sa bansa.” Tila nang-iinsulto ang boses nito sa binata. Napansin naman ni Samantha ang mahigpit na paghawak ni Drake sa hawakan nang maleta niya. Parang pinipigilan nito ang sarili na hindi ihampas ang maleta sa binata. Pasimple namang hinawakan nang dalaga ang kamay nang binata para kalmahin ito bagay na hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Nancy. “Are you thinking na sayang ang swerte at napunta sa iba?” wika nang dalaga saka tumingin sa binata. “What?” Sabay na wika ni Nancy at nang binata dahil sa biglang sinabi nang dalaga. “Mr. Rafael. You are a businessman. And I am sure your engagement with Ms. Castillo is also about business. May be all of us is the same. Nagkataon lang na mas sinuwerte si Drake at ako ang napangsawa niya. While you choose someone else to be by your side.” Anang dalaga saka bumaling kay Drake. “Let’s go. I am a little dizzy dahil sa biyahe gusto ko nang magpahinga.” Baling ni Samantha sa binata. “Mauna na kami. Nice to meet you.” Anang dalaga sa dalawa bago inakay ang binata papalayo. Naiwan namang tigalgal ang dalawa dahil sa sinabi nang binata. Ang ngiti nang dalawa ay napalis din dahil sa inis. “Why did you do that?” tanong nang binata kay Samantha habang naglalakad sila papunta sa parking lot nang mga taxi. “Bakit na impress ka ba?” Nakangiting wika nang dalaga sabay angkla sa kamay niya sa braso nang binata. “Don’t be so full of yourself.” Anang binata at tinanggal ang kamay nang dalaga sa braso niya. “Hindi kita kailangan para ipagtanggol ako. May bibig ako at alam ko---” “I know. Pero hindi naman masamang tumanggap nang tulong sa iba. Hindi naman tayo iba.” Wika nang dalaga at ngumiti sa binata. Muling napatingin ang binata sa dalaga and again that smile. “One thing.” Anang binata at huminto taka namang napatingin ang dalaga sa binata. “Don’t smile. Not infront of me. Naiinis lang ako lalo saiyo. You are conceited. You are happy dahil nakuha mo ang gusto mo? If you are, then keep it to yourself.” Anang binata saka nagmamadaling umalis. Bago pa siya ma sway nang mga ngiting iyon. Mas Mabuti pang hindi na niya iyon makita. He has his resolve to take his revenge at hindi niya magagawa iyon kung nakikita niya ang matatamis na ngiting iyon. Natigilan nang ilang sandali ang dalaga bago sumunod sa binata. Hindi naman niya ito masisisi. Hinanda na niya ang loob niya sa ganitong sitwasyon at pagtrato, Hindi naman niya ini-expect na ibabalik ni Drake ang pagtangi niya dito. But for him to tell her to stop smiling. Lihim siyang nasaktan. Parang sinabi nito sa kanya na huminto na rin sa paghinga. She is trying her best to appear strong sa harap nang binata. Pero baka bumigay din ang tapang niya kung ganito ang trato ni Drake sa kanya. “Anong ginagawa mo?” tanong ni Drake nang mapansin na nakatingin sa paligid si Samantha na parang may hinahanap habang siya naman ay nakatayo sa harap nang isang taxi. Kakalagay lang din niya nang mga maleta nila sa compartment nang taxi nang manpansin niyang parang may hinahanap ang dalaga. “Hindi yata dumating ang assistant ni Lolo.” Wika nang dalaga. Sinabi nang assistant nang lolo niya na ito ang susundo sa kanila kapag dumating na sila nang bansa. “Huwag mo na siyang hintayin hindi siya darating.” Wika ni Drake saka naglakad patungo sa pinto nang kotse saka binuksan ito. “Hindi darating? Pero bakit? Sabi niya susunduin niya tayo. Hindi pa siya sumisira sa pangako niya.” Wika nang dalaga. “I told him not to.” Wika nang binata. Taka namang napatingin si Samantha sa binata. Hindi niya inaasahang gagawin iyon ni Drake. “Bakit? Paano tayo uuwi sa mansion?” Tanong nang dalaga. “Hindi tayo uuwi nang mansion.” Anang binata. “Hindi? Bakit? Saan tayo uuwi?” sunod-sunod na tanong nang dalaga. “Bakit ba ang dami mong tanong? Nakakairita.” Angal nang binata. “Anong gusto mong gawin ko? Hindi tayo susunduin ni Assistant Lee. Saan tayo matutulog? Sa kalsada? Gusto mo bang matulog sa kalsada ang isang Magandang bride na gaya ko? Hindi ka ba naaawa sa akin.” Anang dalaga. “Magandang bride?” di makapaniwalang wika nang binata. “Tumigil ka nga. Nagiging hobby mo na maging conceited. Sumakay kana para makauwi na tayo. Diba gusto mong magpahinga.” Anang binata sa umalis sa may pinto para makasakay ang dalaga. “Saan tayo uuwi?” Tanong nang dalaga saka tumingin sa binata. “Sa bahay ko.” Simpleng wika nang binata saka sumakay. “Sa bahay mo?” tanong nang dalaga saka tumingin sa Binatang nakaupo sa loob nang sasakyan. “Lahat ba nang sasabihin ko itatanong mo. Sasakay ka ba o iiwan kita dito.” Inis na wika nang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD