"Sam!" masiglang wika ni Juno nang pumasok sa gate nang University nila ang dalaga. Dahil wala naman siyang masyadong klase naisipan niyang pumunta sa event nang University ni Drake. Hindi siya pinapapunta ni Drake doon dahil para sa binata nagsasayang lang siya nang oras. Pero dahil kay Juno kaya siya pumayag na pumunta bukod doon sinabi din nito na hindi lang sa basketball kasali ang binata ito din ang University King kaya naman marami itong event. Sa katunayan niya, nang dumating siya kasalukuyang nasa isang pictorial ang binata. Para itong professional model.
"Isang pictorial lang ito para sa univeristy editorial pero tingnan mo naman para talaga siyang isang model. Marami ding mga kumukuha sa kanya na maging isang model. Kung hindi lang siya masyadong fixated sa kagustuhan niyang makuha muli ang kompanya nila maaari siyang pumasok sa pag-aartista. Alam mo bang may ilang mga talent agency na na pumunta dito at kinausap si Drake. Kaso, tumatanggi siya." wika nito habang nakatingin sa binatang kasalukuyang kinuhunan nang litrato.
"Lalo ka na bang na iinlove sa kanya?" nagbibirong wika ni Juno at napatingin sa dalagang nakangiti habang hindi naaalis ang tingin sa binata.
"A-no bang sinasabi mo?" Nag-aalangang wika nang dalaga. Pinamulahan din siya sa sinabi ni Juno at hindi naman niya itatanggi sa sarili niya. Habang nakatingin siya sa binata hindi naman niya maiwasang hindi lalong humanga dito. Para siyang bumalik noong unang araw na Nakita niya ang binata. It was indeed a love at first sight.
"Naku. hindi mo kailangang mahiya sa akin. Alam ko ang mga tingin na iyan. Kahit naman sino talagang maiinlove diyan sa kaibigan ko. Hindi ikaw ang una. Sayang ngalang at hindi si Nancy ang napangasawa niya." wika nito. "Kita mo yang dalaga sa tabi niya. Siya ang University Queen. Akala nang lahat sila na ang magkakatuluyan. Sinong mag-aakalang----" putol na wika nito saka bumaling sa dalaga.
"Oops. Sorry." wika nito nang mapagtanto ang mga sinabi niya. Naghiwalay sina Nancy at Drake dahil sa biglaang pagkalugi nang pamilya ni Drake. Nalaman niyang hiniwalayan ni Nancy si Drake same day nang magpakamatay ang ama niya at parehong araw na nagdeklara nang bankcruptcy ang Negosyo nila. Isang malaking dagok iyon kay Drake. At ilang araw lang matapos ang libing nang ama nito bigla naman nabalitaan niyang ikakasal na ito sa tagapagmana nang El Fuego Pride.
"It's okay. Hindi naman lihim sa akin ang nakaraan nila." wika ni Samantha. Alam niya ang nangyari kay Nancy at Drake. At habang nakikita niya ang dalawa na nasa pictorial hindi naman maitanggi ang Chemistry nang dalawa. Sa pagkakaalam niya, simula nang high school pa magkasintahan ang dalawa kung hindi siguro dahil sa nangyari sa ama ni Drake baka ito na ang pinakasalan nang binata tama naman ang sinabi ni Juno.
Napapaisip ang dalaga. May nararamdaman pa kaya si Drake sa dalaga? Hindi naman sila naghiwalay dahil hindi nila mahal ang isa’t-isa. It was needed dahil sa mga nangyari. Kung ako siya ang pamilya ni Nancy tiyak ganoon din ang gagawin niya. She would do everything para hindi magkaroon nang kaugnayan ang anak ko sa isang tao may masaman background.
"Let's go. E-to-tour kita sa Campus. Matatagalan pa yan si Drake bago matapos." wika ni Juno na hinawakan ang kamay nang dalaga. Dahil sa biglaang ginawa nito bigla namang napaigtad ang dalaga pero tila hindi iyon napansin ni Juno. Natingin naman si Samantha kay Drake na nang mga sandaling iyon nakatingin sa kanila. Bigla siyang napa-igtad dahil sa titig sa kanya nang binata. Nanlilisik ang mga mata nito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang tingin nito sa kanya para bang galit ito sa kanya. Pero bakit? May ginawa ba siya? Siguro dahil sa nagpunta siya doon nang hindi manlang kukumunsulta sa binata kaya ito galit.
Habang nasa kalagitnaan nang pictorial na kay Sam ang mata ni Drake. Nakita niya ang dalaga na dumating sa Univeristy nila na agad namang sinalubong ni Juno. Ayaw niyang pumunta doon ang dalaga ngunit dahil kay Juno kaya ito napapayag. Sa hindi maipaliwanag na dahilan nang binata bigla siyang nainis nang makita si Juno nang hawakan nito ang kamay ni Samantha.
"Sam!" Nag-aalalang wika ni Juno nang biglang tila muntik nang mabuwal ang dalaga. Agad naman siyang napahawak sa braso at balikat nito para alalayan ang dalaga. "Okay ka lang ba?" tanong nang binata napahawak naman si Samantha sa ulo niya. Nitong mga nakaraang araw mas dumadalas siyang mahilo. Nang pumunta sila sa hospital gaya nang sabi ni Simone wala naman silang nakitang pagbabago sa kanya. Sabi nang Doctor na kasama ni Simone sa they need to run more test. They need to better understand her condition.
"Okay lang ako. Siguro dahil masyadong mainit." wika nang dalaga saka tumayo nang maayos at ngumiti sa binata.
"Sigurado ka ba? Talagang kakaiba ang init nang panahon ngayon. Gusto mo ----" putol na wika ni Juno nang biglang may humawak sa kamay niya na nakahawak sa braso nang dalaga dahil sa gulat napatingin naman si Juno sa may-ari nang kamay maging si Samantha ay napatingin din doon. Ganoon na lamang ang ulat nila nang makita si Drake. Madilim ang ekspresyon nang mukha nito. Napatingin ang dalaga sa pagtataka hindi niya napansin ang paglapit sa kanila nang binata.
"Ang bilis mo naman. Tapos na ba ang----" wika ni Juno na natigilan nang marahas na tinanggal ni Drake ang kamay niya na nakahawak kay Samantha.
"Sinabi ko na huwag kang pumunta dito. Pero matigas ang ulo mo. And now what? inaabala mo pa ang iba." inis na wika nang binata sa dalaga.
"Ano bang inaabala. Nahilo lang naman siya. Kahit naman sino kung ganito kainit. Huwag kang masyadong masungit sa kanya." wika ni Juno sa kaibigan. Hindi niya alam kung bakit ganito si Drake hindi naman nito ganito ituring at tratuhin ang ibang babae. Noong sila pa ni Nancy masyado itong protective at malambing hindi isang cold ang ungentle Drake na nasa harap niya.
"Hindi ka pa ba maghahanda? Malapit na ang basketball event." wika ni Drake sa kaibigan at bumaling dito.
"Ah! Yeah muntik ko nang makalimutan." wika nito na napalatak. "Sam. Manonood ka hindi ba?" wika nito na akmang hahawakan ulit ang kamay nang dalaga pero biglang humarang ang binata. Napangiti naman si Juno dahil sa naging reaksyon nang kaibigan. Hindi niya alam kung tama ba ang basa niya sa kilos nang binata pero mukhang he is being possessive of his wife. Alam niyang nagpakasal ito sa dalaga hindi dahil mahal nito ang dalaga ngunit may iba itong motibo. And probably could also be the reason why he is hostile pagdating sa dalaga. She is showing her he is not friendly and will never ba friendly towards her. O baka naman, pinipigilan niya ang sarili na maging malapit sa dalaga.
"Maglalaro din si Drake, kaya kailangan mong manood." wika nito sa dalaga bago bumaling sa kaibigan. "Tapusin mo na ang pictorial mo at sumunod kana sa Gym." Anito at inilagay ang kamay sa balikat nang kaibigan.