"If you are jealous. Pwede mo namang ipakita. And also, huwag mo siyang masyadong sungitan. Kapag nagsawa yan sa pagiging grumpy mo baka iwan ka niyan." anito sa kaibigan.
"Ano?" Wika ni Drake at tumingin sa kaibigan. Napatingin naman si Samantha sa dalawa. Hindi niya maintindihan kung anong pinag-uusapan nang mga ito. Pero nakikita niyang tila flusterred si Drake sa kung ano man ang sinabi ni Juno.
"Kapag iniwan ka niyan. Hindi ako magdadalawang isip na ligawan siya, kaya kung ako saiyo. Ingatan mo siya." wika nito saka tinapik ang balikat nang kaibigan saka mabilis na umalis nang hindi hinihintay ang sasabihin ni Drake. Napatingin naman si Drake sa papalayong kaibigan habang naawang ang labi dahil sa hindi makapaniwala sa mga sinabi nito.
“Anong sinabi niya?” Tanong ni Samantha nang makaalis si Juno. Isang tingin naman ang tinapon ni Drake na para bang sinasabi bakit mo tinatanong? Bakit gusto mong malaman?
“Hindi mo kailangang magsungit.” Napalabing wika nang dalaga.
“Bakit ka nagpunta dito? I told you not to---”
“Gusto ko talagang mapanood ang event niyo.” Mahinang wika nang dalaga.
“You are stubborn, and you do what you want. It’s annoying.” Wika nang binata.
“We only have one year as married couple. After this we will again be stranger. Just bear with it.” Wika nang dalaga. Napatingin naman ang binata sa dalaga. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may ibang ibig sabihin ang sinabing iyon nang dalaga. Those words have another meaning.
"Drake. Kailangan na nating tapusin 'to." wika nang isang lalaking may dalang camera at tumingin sa kinaroroonan nang binata. Maging ang dalagang si Nancy ay nakatingin din sa kanila.
"You should go." anang dalaga nang makita ang mga kasamahan ni Drake na nakatingin sa kanila. "Mag-hahanap nalang ako nang mauupuan sa Gym." wika nang dalaga na akmang aalis nang biglang hawakan nang binata ang kamay niya. Napatingin naman ang dalaga sa binata dahil sa ginawa nito. Napatingin nang mataman ang dalaga sa binata. Galit bai to sa kanya? Pwede naman siya nitong hayaan nalang kung ayaw nitong nandoon siya hindi naman siya mangugulo sa mga magiging event nito.
"Let's go." anang binata at hinatak ang dalaga patungo sa mga kasamahan nito sa photoshot.
"Saglit lang." wika nang dalaga na napahawak sa kamay nang binata at tumigil. Napatingin naman ang binata dahil sa ginawa nang dalaga.
"What now?" Tanong nang binata at lumingon sa dalaga. Nakita niyang napahawak sa makamay niya nang mahigpit ang dalaga.
“What’s wrong?” tanong nang binata.
"Pwede bang huwag tayong magmadali. Medyo nahihilo pa ako." mahinang wika nang dalaga saka napatingin sa binata. Nang makita niyang tila oborido ito simple siyang tumayo nang maayos. Hindi naman niya gustong abalahin ito.
"Mauna ka nalang, Magpapahinga lang ako----" putol na wika nang dalaga. “Pwede ko ring hanapin si Juno sa Gym. Ayokong maging abala saiyo.”
"Such a pain." anang binata na walang kaabog-abog na biglang pinangko ang dalaga.
"W-what are you doing?" gulat na wika nang dalaga nang bigla siyang kinarga nang binata.
"Kailangan kong tapusin ang pictorial ko. And do you suggest na iwan kita dito? Anong sasabihin nang lolo mo? Nasa University kita. Ako lang ang kilala mo dito. Sa palagay mo ba magugustuhan nang lolo mo at nang mga Prinsipe mo kung iiwan kita dito." Anang binata sa dalaga ang he sounded irritated as well.
“Prinsipe?” Tanong nang dalaga sino naman ang tinutukoy nito.
“Now you are playing coy. Anong tawag mo kay Assistant Lee at Doctor Simone.” Inis na wika nang binata. Lihim namang napangiti ang dalaga dahil sa sinabi nang binata.
“Now that you mention it. They really do resemble a prince. Handsome, Dignified and skilled. I never thought of that. Ikaw ang unang taong nagsabi niya.” Natatawang wika nang dalaga.
“And it seems that you enjoy hearing it.” Iritadong wika nang binata saka nagsimulang maglakad papalapit sa mga kasama nila.
Nakatingin naman ang mga ito sa kanila na hindi makapaniwala ang iba naman ay kinikilig dahil sa nakita nilang ginawa ni Drake.
"Stay here." wika nang binata at inilapag ang dalaga sa isang upuan. "Wait for me. Sabay na tayong pumunta sa Gym." anang binata saka naglakad papalapit kay Nancy na naghihintay dito para ituloy nila ang pictorial.
Napansin ni Samantha na nakatingin si Nancy sa kanya ang her stare is not as friendly as it seems. Mukhang galit ito sa kanya lalo na siguro dahil sa ginawa nang binata. Pero bakit naman ito magagalit? Hindi na naman sila engage ni Drake.
“Anong ginagawa nang asawa mo dito?” tanong ni Nancy kay Drake nang makalapit ang binata.
“Gusto niyang manood nang events.” Wala sa loob nasabi nang binata.
“Is she planning to transfer?” tanong ni Nancy.
“I doubt.” Sagot nang binata.
“You seemed to care so much about her. To a point na kailangan mo pa siyang kargahin papunta dito.” Tila naiinis na wika nang dalaga. Napatingin naman si Drake sa dalaga. “You didn’t treat me like that nang magkasintahan pa tayo.” Wika nang dalaga.
“I could have treated you whatever you want me to treat you. Only if you did not abandon me when I needed you the most.” Makahulugang wika nang binata.
“I already explain this to you. I had to do that dahil sa pamilya ko. Alam mo namang may pangalang inaalagaan ang pamilya ko----”
“So, you left me without knowing first kung may katotohanan ang lahat nang binibintang sa ama ko.” Nang binata.
“I thought I ask you to understand me.” Wika nang Dalaga.
“I do. What is there not to understand it was very clear.” Anang binata at bumaling sa photographer. “Magsimula na tayo.” Wika nang binata dito. Tumango naman ito at lumapit sa kanila. Muling nagsimula ang pictorial nang dalawa at hindi maitinaggi ni Samantha na naiingit siya habang nakatingin sa mga ito.
Napatingin lang si Samantha sa binata. Hindi naman ito malambing sa kanya. He hates her thats for sure kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit siya nito biglang pinangko. Hindi rin niya maintindihan kung bakit ayaw tumigil nang pagkabog nang dibdib niya. Para mabibingi na siya sa lakas nang kabog noon.