Chapter - 16

1477 Words
Ito ang unang beses na umalis sa hapag ang dalaga. “This is what I mean nang sinabi kong pinalalaki mong spoil ang apo mo Leandro.” Wika nang matandang babae. “Excuse me. Susundan ko lang si Samantha.” Wika ni Simone na marahang tumayo. “Go ahead.” Wika nang matanda. “Bakit ang doctor ang pinasusunod mo sa apo mo? May asawa siya.” Wika ni Lyndon at tumingin kay Drake. “It’s fine. Simone knows how to comfort her.” Wika ni Leandro saka tumingin kay Lee. Napatingin lang si Drake sa Binatang doctor na lumabas nang komedor saka napahawak nang mahigpit sa kobyertos. “Sam.” Wika ni Simone. Nakita niya ang dalaga na nakaupo sa gilid nang pool habang nilalaro nang mga paa ang tubig. “Are you okay?” tanong ni Simone at lumapit sa dalaga saka naupo sa tabi nito. “My hands just won’t move.” Anang dalaga at napatingin sa kamay niya. Kaninang nasa komedor sila bigla nalang siyang nawalan nang pakiramdam sa mga kamay niya dahilan para mapahawak siya sa sleeve nang binata. Walang may nakakaalam sa pamilya niya tungkol sa sitwasyon niya maliban sa lolo niya, Kay Lee at Simone. She wants to act normal but to their eyes she is spoiled and conceited. “Pumunta tayo sa hospital bukas. I think we need to run tests.” Wika ni Simone at hinawakan ang kamay nito. “Is it okay now? Nagagalaw mo na ba ang kamay mo?” tanong ni Simone. Sinabi ni Simone sa dalaga to clench her fist and open it ang ilang beses pa niya itong pinaulit. “I think it’s okay now.” Wika nang dalaga. “Should we go back? Hindi ka pa nakakain.” Wika nang binata. “After I walked out like that. Huwag nalang. Tiyak na sasabihin na naman nilang masyado akong spoiled.” Wika nang dalaga. “Because you act like one. You can always show them your vulnerable side.” Wika nang binat. “Would it help?” tanong nang dalaga. “Stubborn.” Wika ni Simone saka kinabig ang dalaga at inihilig ang ulo nito sa balikat niya. Ito naman ang eksenang inabutan ni Drake na sumunod sa kanila. Dahil sa nangyari kay Samantha. Naisipan ni Simone na sa mansion na magpalipas nang gabi. Dati naman doon siya nakatira bago siya nagpunta sa ibang bansa. Para mag-aral. Gusto niyang bantayan ang dalaga sakaling may maramdaman na naman itong kakaiba. “Do you think her condition is getting worse?” tanong ni Lee na lumabas sa banyo na may tuwalya pang nakasabit sa leeg niya. “Worse than before.” Wika ni Simone habang nakatingin sa screen nang laptop niya. “Ni hindi na ako sigurado ngayon kung makakatulong pa ang surgery.” Wika pa nito. Napatingin naman si Lee sa binata. “Bakit?” tanong ni Lee. “It surgery is the best option. We could have done it before. Pero dahil masyadong delekado para kay Samantha ---” “Sinasabi mo bang mas delekado pa ngayon?” tanong ni Lee. “Yes.” Wika ni Simone at tumingin dito. “Para palang naghihintay nalang tayo kung kelan siya---” “She knows it. Alam niya yun. Siya ang nakakalam sa limitasyon nang katawan niya.” Wika ni Simone. Hindi naman nagsalita si Lee dahil wala din naman siyang magagawa kahit na si Simone na Doctor tila nasa edge Narin ano nalang siya. **** "Ano yan?” tanong ni Samantha kay Drake nang maglapag ito nang tray na may lamang pagkain sa mesa. Nasa sofa siya noon sa silid nila at nagbabasa nang libro. Nasa silid din noon si Drake at nag-aaral pero bigla itong lumabas nang bumalik ito may dala na itong tray nang pagkain. “Pagkain.” Simpleng wika nang binata saka bumalik sa desk niya. Napatingin naman si Samantha sa dalaga sabay napangiti. “Thank you.” Mahinang wika nang dalaga saka napatingin sa pagkain. “HIndi ko lang gustong naririnig ang kumakalam mong sikmura.” Wika nang binata. Napahawak naman si Samantha sa tiyan niya. Hindi pa pala siya nakakain nang maayos matapos ang nangyari sa komedor kanina. “If you are going to act so high and mighty. Dapat e-train mo din yang sikmura mo na hindi magreklamo.” Wika nang binata na hindi lumingon sa dalaga. “Para kang si Doc Simone kung mag sermon.” Wika nang dalaga saka nagsimulang kumain. Natigilan naman si Drake nang marinig ang pangalan nang doctor. Saka niya naalala ang Nakita niya kanina sa may swimming pool. Halata niyang talagang malapit na malapit ang dalawa. Napatingin ang dalaga kay Drake nang tumayo ito sa desk niya saka pinatay ang laptop saka naglakad patungo sa kama saka nahiga at pinatay ang lampshade na nasa tabi nito. “Matutulog kana?” tanong nang dalaga habang kumain. “Wala na akong ganang magbasa dahil sa isang----” wika nang binata saka natigilan. Bakit ba siya naiinis. Wala naman siyang pakiaalam sa personal na buhay nang dalaga Iyon ang nasa kasunduan. Nakatingin lang si Samantha sa binata. Hindi niya maintindihan ang kilos nito. Dati naman inaabot ito nang madaling araw dahil sa pagbabasa at minsan nagbabsa din ito nang mga documents tungkol sa kompanya nito. Mga documents na pinababasa ni Lee sa kanya. Isang striktong mentor si Lee kay kailangan niyang mag doble kayod kung gusto niyang makuha ang kompanya. “Marami ka bang ginawa sa factory ngayon?” tanong nang dalaga. Pero hindi sumagot ang binata at ipinikit lang ang mga mat anito. “Sabi ni Lee. Malaki na ang ini-improve mo. At may mga empleyado na humahanga saiyo. Alam mo bang hind madaling makakuha nang komento mula kay Lee. Masyado siyang strikto at mapili. But I think, he likes your works. He acknowledges your capabilities.” Wika nang dalaga. Hindi naman sumagot ang binata nakapikit pa din ang mat anito at nakikinig lang sa dalaga. “Sa makalawa na ang event sa school niyo. Pwede ba akong pumunta?” tanong nang dalaga. Biglang nagmulat nang mata si Drake nang marinig ang sinabi nang dalaga. “Hindi.” Simpleng sagot nang binata. “Bakit naman? Open house naman ang event na iyon. Malay mo. Maisipan kong mag transfer nang school para magkasama tayo sa iisang school.” “Kapag ginawa mo yan. Lilipat ako nang ibang school.” Wika nang binata, napalabi naman ang dalaga. “Pupunta ako. Okay lang ba?” Tanong nang dalaga. “Hindi. At tumigil ka na sa pagsasalita dahil gusto kong magpahinga.” Wika nang binata saka tumalikod sa dalaga. Saka muling ipinikit ang mga mata. “Sayang naman gusto ko sanang makita ang mga activities niyo sa school. Saka sabi ni Juno maglalaro ka nang basketball.” Wika nang dalaga. “Gusto ko sana ulit makita na maglaro ka nang basketball.” Bigla namang nagmulat ulit nang mata ang binata. Anong ibig sabihin nito? Nakita na ba siya nang dalaga na maglaro nang basketball? Noong high school siya miyembro siya nang basketball at Karate club. Huling laro niya nang basketball noong senior high school siya sa isang inter school tournament. Wala siyang naalalang Nakita sila ni Samantha. O baka, isa sa mga school na nakalaban nila noon ang school nang dalawa. Biglal siyang napaisip. Wala siyang masyadong alam tungkol sa dalaga. “Alam mo ba. Noong nakalaban mo ang school namin noong high school. Saiyo ako nag che-cheer.” Anang dalaga at bahagyang tumawa. “I was like betraying my school’s team by cheering sa kalaban nila.” Dagdag pa nang dalaga. Nakinig lang ang binata sa kwento nang dalaga. Papangiti pa siya habang kinukwento nito nang detalyado ang mga nangyari sa laro kahit siya medyo Malabo na din sa alaala niya ang mga nangyari pero habang nagkukwento si Samantha parang bumabalik sa kanya ang lahat. Hindi niya maiwasang hindi humanga sa talas nang memorya nito. “I don’t want to forget these memories.” Wika nang dalaga na naging malungkot ang boses. Alam niyang kahit gaano kadetalyado ang mga sinabi niya at mga naaalala niya hindi magtatagal makakalimutan niyang lahat nang iyon. Isang araw lahat nang laman nang utak niya mawawala nalang. Pasimpleng pinahid ni Samantha ang luha niya na pumatak. “Tulog ka na ba?” tanong nang dalaga nang hindi na sumagot sa kanya si Drake. Kanina pa siya nagsasalita pero mukhang tinulugan na siya nang binata. “It would be great if I can convince na na pumayag na pumunta ako sa Event nang university niyo.” Wika nang dalaga. Narinig ni Drake ang sinabing iyon nang dalaga. Hindi pa siya natutulog dahil sino naman ang makakatulog kung naririnig mo ang walang tigil niyang kwento. Ngunit sa halip na mainis sa naririnig niya. Drake without noticing it is enjoying it. Parang kaya niyang pakinggan ang kwento nang dalaga kahit abutin sila nang madaling araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD