Chapter - 15

1146 Words
"Aalis ka kaagad?” Tanong ni Leandro nang dumating kasama si Lee. Nakasalubong nila si Simone at Samantha na naglalakad papunta sa gate. “Kadarating mo lang, aaalis ka kaagad. Why don’t you stay for dinner. Bakit aligaga kang umalis?” wika nang matanda. “Yan nga din po ang sinabi ko sa kanya. Eh, kaso hindi daw siya komportable sa bahay.” Nakangusong wika ni Samantha. Napangiti naman si Simone dahil sa sinabi nang dalaga saka inakbayani to. “Ito naman nagtatampo kaagad. I think I can stay.” Wika nito saka bumaling kay Leandro. “Hmm.” Wika nang dalaga saka itinulak ang binata. “Ngayong si Lolo ang nagsabi you can stay? Kaninag ako nagyaya. Ayaw mo dahil maraming tao sa bahay.” Wika ni Samantha. “You will take a whole night calming her down.” Wika ni Lee saka umiling. “Yeah, this sulking baby is really had to please.” Wika nito saka muling inakbayan ang dalaga. Pero inirapan lang siya nang dalaga at nagcross nang kamay. Lalo namang napangiti si Simone saka napailing bago bumaling kay Leandro. “Mukhang nasa mansion niyo lahat nang kapatid niyo at pamilya nila. Anong nangyari? Dati naman tuwing weekends lang sila nagpupunta dito?” Tanong ni Simone sa matanda. “They don’t like the idea that Samantha marries his husband.” Wika ni Leandro. “Natatakot ba silang sa kanya mo ipamana ang mga business mo?” Natatawang wika nang binata. “Spot on. Bukod doon. I think they don’t trust your decision na siya ang ipakasal kay Samantha knowing his background and what happen to his dad.” Wika ni Lee. “Pero alam naman nating hindi yun kasalanan nang papa ni Drake diba?” wika ni Samantha at napatingin sa tatlo. “Know your siding your husband.” Wika ni Simone at pinisil ang ilong nang dalaga. Agad namang winaksi nang dalaga ang kamay nang binata. “That is something we still have to prove.” Wika ni Lee. “Are you uncomfortable na nandito sila sa mansion?” tanong ni Leandro. “Well, simula pa nang una hindi na nila kami gusto ni Lee. They will act more hostile ngayon. Plus, you have your grandson inlaw na mukhang hindi rin pasok sa panlasa nila. Mukhang ang dinadala niyo sa bahay niyo mga taong hindi gusto nang pamilya niyo.” Wika ni Simone. Si Lee at Simone ay ang mga batang pinalaki ni Leandro at pinag-aral. Dati silang mga orphan na inampon ni Leandro. Simula nang mamatay ang nag-iisang anak nito at Naging malungkot at buhay ni Leandro at halata namang hindi rin sila masyadong malapit nang mga kapatid niya. Kung hindi pa mayaman si Leandro baka iniwan na ito nang mga kapatid niya. Si Lee at Simone ang naging katuwang niya sa pag-aalaga kay Samantha. Itinuring niya mga anak niya sina Lee at Simone. Habang nag dalawang binata itinuting nila pamilya ang maglolo. At kahit mga professional na sila ngayon, hindi pa rin nila balak iwan ang dalawa dahil kung wala ang mga ito siguro nasa kalsada pa rin sila and worse baka nasa kulungan. “They have to deal with it. Nakikitira lang din sila sa bahay ko.” Wika nang matanda saka naglakad patiuna. “Your lolo is stubborn just like you.” Wika ni Simone sa dalaga. “An apple doesn’t fall far from tree, does it?” Sakristong wika ni Samantha. “Don’t get smart at me. Shorty.” Wika nito sa dalaga. Habang nasa harden, natanaw ni Drake ang apat na bulto na papalapit sa mansion. Habang nakatingin siya dito. Nakilala agad niya si Samantha at Drake. Maya-maya nakilala niya ang matandang si Leandro at ang Assistant nito. Bigla siyang nagtaka, akala niya inihatid ni Samantha ang doctor palabas pero bakit kasama nila ito pabalik. Napansin din nito ang pagkakaakbay nang binata sa dalaga habang tila nag-uusap. Kanina nang makaalis ang dalawa. Pumasok siya sa silid nila at Nakita ang mga photo album nang kasal nila mukhang ipinakita ni Samantha ang mga ito sa doctor. Napa-isip ang binata bakit naman ipapakita nang dalaga ang mga iyon sa bisita nila? Kung siya ang nasa posisyon ni Samantha baka itago niya ang mga iyon to appoint na wala nang makakakita. Hindi siya masaya na nagkasal sa taong hindi naman niya gusto. Lalo na ang taong may kaugnayan sa nangyari sa pamilya nila. Napakuyom ang kamao nang binata habang nakikitang naglalakad pabalik nang mansion ang apat. Kung may magagawa lang sana siya para sa pamilya niya hindi sana siya papasok sa ganito. Habang nasa hapag sila at kumain nang dinner. Tahimik ang lahat. Ganito naman ang parating view nang hapagkainan nila. Minsan din hindi sila sabay-sabay kumain except weekends. Naging kaugalian na nang pamilya nil ana gawing bonding time ang weekened. But apart from that, parang nasa magkaibang mundo ang mga ito. “Why?” tanong ni Simone na bumaling kay Samantha nang mapansin na hinawakan nang dalaga ang sleeve nang polo niya. Napatingin siya sa kamay nito. Nang marinig ni Drake ang doctor napatingin siya dito maging si Lee at Leandro ay napatingin din sa dalawa. “Clingy as ever are we Samantha. Para namang ang tagal niyong hindi nagkita.” Wika nang lolo Lyndon niya na hindi nakatingin sa dalaga pero tila alam ang nangyayari. Natigilan naman ang iba at napatingin sa dalawa. “Gusto mo bang subuan pa kita?” biro ni Simone na napangiti. Pero alam niyang hindi iyon ang dahilan. He is just trying to distract the rest. “You people are treating her like a weak child kaya lumalaking spoiled yang si Samantha.” Wika nang lolo ni Samantha. Napatingin naman si Simone sa kamay nang dalaga na biglang bumaksak at bumitaw sa pagkakahawak sa sleeve niya. It’s like she is unable to control her strenght sa kamay niya. Napansin din niya ang isang kamay nito na nakapatong sa mesa namay hawak na tinidor halos hindi ito gumagalaw. Nang bumagsak ang kamay nang dalaga agad namang sinalo ni Simone ang kamay nang dalaga. “Stop acting like a baby, kumain kana.” Wika ni Simone saka marahang giniya ang kamay nang dalaga patungo sa Mesa at inilagay ang kutsara sa kamay nito. Mukhang nag numb ang muscles sa kamay nito. Ngunit nang hawakan ang dalaga ang kutsara bigla nalang nahulog itong nahulog sa sahig na para bang sinadya ni Samantha na hindi hawakan iyon dahilan para mapatingin ang lahat sa kanya. “That’s inaappropiriate behavior.” Wika nang lola niya. Habang Lee at Simone ay nag-aalala lang na nakatingin sa dalaga. “Wala na akong ganang kumain.” Wika nang dalaga sabay tayo sa kinauupuan. Napatingala naman si Simone sa dalaga. “Pero hindi mo pa halos nagagalaw ang----” “I don’t feel like eating. Excuse me.” Wika nang dalaga saka lumabas nang komedor nakatingin lang ang lahat sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD