"Dumating na pala kayo.” Wika ni Assistant Lee na nagaabang sa labas nang building nang Factory nang Kompanya nina Drake. Matapos sunduin ni Samantha ang binata sa Factory sila dumiretso. Nang makababa sila nang kotse Nakita nilang nag-aabang sa labas ang Binatang assistant nang lolo niya.
“Assistant Lee.” Masayang wika nang dalaga nang makita ang binata saka ngumiti nang malapad. Napatiim nang bagang ang Binatang si Drake nang makita ang malapad na ngiti nang dalaga sa harap nang assistant.
“Masigla ka yata ngayon.” Wika nito na seryoso ang mukha saka inilagay ang kamay sa ulo nangd dalaga. “Okay lang ba na pumunta ka dito?” Tanong nang binata.
“Oo. Nag-usap na kami ni Lolo.” Wika nang dalaga at ngumiti.
“Tatayo nalang ba tayo dito?” Tanong nang binata na tila naiinis.
“Nasa loob si Chairman.” Wika nito saka nagpatiuna.
“Ganyan ka ba sa lahat?” tanong nang binata nang makita nilang nagpatiuna si Lee sa kanila.
“Ha?” Tanong nang dalaga saka humarap sa binata.
“Kahit sino nginingitian mo nang ganyan. Wala bang boundaries yang mga ngiti mo. Kung hindi mo kilala si Assistant Lee iispin kong ----” wika nang binata saka tumigil. “Nakakapagod makipag-usap sa iyo.” Wika nang binata saka naglakad patungo sa pinto.
“Problema noon.” Napalabing wika nang dalaga na akmang susunod pero bigla siyang natigilan nang bigla siyang nakaramdam nang hilo ni hindi niya kayang i-balanse ang katawan niya. Kaya sa Kun na dumiretso sa pagsunod sa dalawang binata bigla siyang napaupo.
“Bakit ba ang----” wika nang binata na napalingon sa dalaga nang mapansing tila hindi ito nakasunod sa kanila.
“Samantha!” nag-aalalang wika ni Assistant Lee at mabilis na tumakbo patungo kay Samantha. NI hindi nakakilos si Drake sa kinatatayuan niya nang bigla nalang dumaan sa harap niya ang nag-aalalang si Lee. Kung hindi siya nakaiwas tiyak na bumangga na siya binata. Taka siyang napatingin kay Lee at sa reaksyon nito. Para itong walang Nakita nang mga sandaling iyon kundi si Samantha dahil sa labis na pag-aalala.
“Sam.” Wika ni Lee na huminto sa tapat nang dalaga saka yumuko. “Sumasakit ba ang ulo mo?” Tanong nito sa dalaga. Bahagyang nag-angat nang tingin ang dalaga. Nahihilo siya at kapag ikinilos niya ang ulo niya baka himatayin siya.
“Bigla akong nahilo.” Wika nang dalaga.
“Kaya mo bang tumayo?”
“Kapag kumilos ako parang umiikot ang paningin ko.” Wika nang dalaga.
“Ano namang ginagawa mo? Nag bibilang nang bata sa semento?” Sakristong wika ni Drake na naglalakad papalapit sa kanila.
“Assistant Lee. Ayokong malaman niya.” Wika nang dalaga saka napahawal sa sleeve nang coat nang binata.
“Uupo ka nalang ba diyan? Bakit ka pa nag punta dito kung mauupo ka lang diyam.” Wika nang binata na naiinis sa nakikita.
“Lee, Ayokong mag lakad. Kargahin mo naman ako.” Wika nang dalaga na pinilit na pasiglahin ang boses niya para hindi mahalata nang binata na may dinaramdam siya.
“Ano? Ano ka hindi marunong maglakad. May mga paa ka bakit hindi mo gamitin.” Inis na wika ni Drake. “Huwag kang masyadong mag-inarte. Tumayo kana diyan.” Wika ni Drake at akmang hahawakan ang kamay nang dalaga pero biglang tinabig ni Lee ang kamay niya. Taka namang napatingin si Drake sa binata dahil sa naging reaksyon nito.
“Anong ginagawa mo?” Takang wika ni Drake nang biglang pangkuhin nang binata ang dalaga. Saka siya napatingin nang matalim kay Samantha ang dalaga namang nahihilo pa din ay inihilig ang ulo niya sa balikat nang binata.
“Conceited brat!” wika ni Drake habang sinusundan nang tingin si Lee na papasok sa factory habang karga-karga ang dalaga.
“Pasensya ka na Lee.” Wika ni Samantha habang nakahilig ang ulo sa balikat nang binata.
“Ano ka ba. Kung hindi ako ang gagawa nito sino? Pero ikaw? Okay lang bang isang brat ang tingin sa iyo ni Drake?”
“Mas Mabuti na yun kesa kaawaan niya ako.” Wika nang dalaga.
“You are stubborn you know that.”
“Alam ko. Kayo lang naman ang nakakatagal sa isang stubborn na gaya ko.”
Dinala ni Lee si Samantha sa opisina nito at sinabihan ang isa sa mga secretary niya na huwag magpapasok nang ibang tao sa loob nang silid. Agad din niyang tinawagan ang doctor nang dalaga para sabihin ang nangyari. Ang matandang Leandro naman ay sinabihan na din ni Lee kung anong nangyari sa dalaga at gaya nang inaasahan nag-aalala ito kaya lang hindi niya pwedeng ipakita dahil sa nandoon si Drake.
“Marunong naman pala kayong tumupad sa kasunduan. Pero bakit parang kulang nang empleyado. Ang sabi ko lahat nang dating empleyado ang ibalik niyo.” Wika ni Drake sa matanda matapos nilang maglibot sa factory. Nakita ni Drake ang mga dating empleyado nang kompanya nilana tinanggal. Isa sa mga kasunduan nila nang matanda ay ibabalik nito ang lahat nang empleyadong natanggal sa kompanya. Pero hindi niya makita ang Tito Miguel niya Ang kapatid nang ama niya. Ito ang General manager nang factor.
Napatingin naman si Lee sa matanda nang marinig ang sinabi nang binata.
“I don’t think it’s a good Idea na bumalik siya. At sinabi ko ding, bibigyan kita nang isang mapagkakatiwalaang assistant while you are training to take over your dad’s company. Si Lee, he is the acting CEO of this factory and I think he has all ----”
“Tatanggapin ko lang ang mungkahi mo kung ibabalik mo dito sa kompanya ang empleyadong tinutukoy ko. Kasama siya nang ama ko nang itayo ang kompanya. Hindi ako papayag na hindi siya makabalik.” Wika nang binata na inagaw ang iba pang sasabihin ang matanda.
“We have valid reason why----”
“Valid reason ba na kapatid siya nang ama ko?” anang binata na inagaw ang iba pang sasabihin nang Binatang assistant.
“We decide based on the employees background and qualification hindi lang dahil sa dugo.” Iritadong wika ni Lee.
“Itutuloy lang natin ang usapang ito kung papupuntahin niyo dito ang Tito Miguel ko. Siya lang ang gusto kong maging General manager nang factory. I can work with Lee as my mentor and acting CEO only if ibabalik niyo ang tito ko dito.” Wika ni Drake.
“Lee, tawagan mo siya.” Maya-maya ay wika nang matanda. Hindi naman makapaniwalang napatingin ang binata sa matanda. Alam niya ang dahilan kung bakit hindi ito kasali sa mga empleyado na pinabalik sa kompanya nag background nito ang dahilan at ang intensyon nito sa binata. Pero sa ngayon.