"Tama pala ang nadinig ko. Talagang naging inlaws mo na nga ang pamilyang pumatay sa ama mo.” Wika nang Tito Miguel ni Drake nang dumating ito sa conference room nang Factory kung saan naghihintay sina Drake at ang matandang si Leandro at ang assistant nitong si Lee.
“Nakita ko ang mga dating empleyado na tinanggal na nakabalik na sa kani-kanilang pwesto. Ibig bang sabihin nito kapalit nang pagpapakasal mo sa apo niya----”
“That’s our agreement. Maging ang pagkakablik mo sa trabaho mo ay parte din nang kasunduan. Kung ako lang hindi ako papayag na makabalik sa kompanyang ito ang isang tulad mo.” Wika nang matanda. Napatingin naman si Drake sa matanda. Bakit maman ang init nang dugo nito sa Tito Miguel niya. Ang Tito Miguel niya ang pinagkakatiwalaan nang papa niya. Noong hindi niya alam kung saan pupunta dahil sa sunod-sunod na nangyari sa pamilya nila. Binigyan siya nito nang pera para makakuha siya nang isang silid na lilipatan niya. Binibigyan din siya nito nang pera para sa pagpapahospital nang mama niya. At bukod doon, binayaran din nito ang tuition niya. Dahil sa Nawala sa kanila ang lahat. Hindi na niya halos kayang bayaran ang tuition niya Mabuti nalang at nandoon ang Tito Miguel niya. Ito ang tumayong pangalang ama niya nang mawala ang papa niya. Malaki ang pasasalamat niya dito. Kaya naman nangako siyang kapag nakabawi siya o kapag Nabawi niya ang kompanya ibabalik niya ang dating posisyon nito.
“Mukhang halatang hindi mo gusto ang pamilya nang grandson inlaw mo.” Wika nito saka tumingin kay Leandro.
“You know very well the reason why.” Anang matanda.
“Pero wala kang magagawa dahil pinabalik ako nang pamangkin ko.” Ngumising wika nito.
“You are probably right.” Wika nito saka tumayo. “Lee. Brief Drake on the things we are working on for this factory.”
“You also have to brief Tito Miguel.” Wika ni Drake nagkatinginan naman sina Leandro at Lee dahil sa sinabi nang binata. Sa lahat ito ang huling taong gusto nilang ma involve sa kompanya pero mukhang Malaki ang tiwala ni Drake sa binata.
“Very well. It’s up to you. This will be your company anyway. As discussed, Lee will be the CEO until you are ready to take over.” Wika nang matanda.
“Doing that, sinasabi mong wala kang tiwala sa pamangkin ko.”
“You can put it that way. This company is under my wing. And I want everything perfect. If this company fails. Ano sa palagay mo ang kahahantungan ni Drake.” Wika nang matanda saka bumaling kay Drake. “Gusto mong ibangon ang kompanya niyo? Para sa ama mo? Then here is my advice. Trust Lee to prepare you to become the next CEO na pagkakatiwalaan nang mga tao. Hindi dahil sa simpatya mo sa kanila kundi dahil kayo mong bigyan sila nang stable na trabaho. And to do that, your company has to survive the competition.” Wika nito. Siguro kay Drake. Minamata siya nang matanda pero hindi niya maitatanggi na tama ito. Siguro nagpapasalamat ang mga trabahador na binigyan ulit niya nangtrabaho but if he can’t sustain it. Baka kuyugin din siya nang mga ito.
“Ako ang general Manager nang Factory lahat nang mga plano para sa production dapat dumaan sa akin and I decide if I have to approve it or not.” Wika ni Miguel habang nag didiscuss si Lee sa mga napag-usapan nilang plano para ibangon ulit ang kompanya nina Drake.
“You are the acting CEO. SIguro, pero pagdating sa kompanyang ito kabisado ko ang pasikot-sikot maging ang mga empleyado.” Wika pa nito. Tumingin naman si Lee sa matandang nakikinig lang sa kanila. Alam nila kung ano ang naging papel nang lalaki sa pagbagsak nang kompanyang ito kaya naman hindi nila maintindihan kung bakit hindi nagsasalita ang matanda. Hindi niya minsan maintindihan ang nasa isip nito maging ang pinaplano nito. Tumango ang matanda sa kanya. Napabuntong hininga naman si Lee saka inilabas mula sa bag nito ang printed copy nang mga plano na ginawa nila at ibinigay kay Miguel at Drake.
“In six months? Ganitong profit ang inaasahan niyo?” Tanong ni Miguel.
“Yes, we are planning to use digital marketing to reach different types of Audiences and consumers. Alam kung very traditional ang kompanya nito. I think it would be beneficial sa inyo if we ----”
“Pag-aaralan ko ang proposal na ito.” wika ni Miguel na pinutol ang sinabi nang binata. Napatiim bagang si Lee dahil sa lalaki. Hindi niya gusto ang asta nito dahil lang sa pinagkakatiwalaan siya nang binata. Alam niyang wala siyang pakiaalam sa kompanya nito at sa kung anong mangyari dito. Pero alam niyang masasaktan si Samantha kung pababayaan lang niya ang kompanya nito.
“Wala ba kayong gagawin? That man will be the end of---” wika ni Lee kay Leandro nang naglalakad sila pabalik sa opisina niya kung saan nandoon si Samantha. Iniwan nila ang dalaga para makapagpahinga. Sinabi nang doctor nito na dadalawin niya ang dalaga kapag nakarating siya kasalukuyang nasa ibang bansa ang doctor nito at hindi rin naman nagtitiwala ang matandan sa ibang doctor.
“We won’t do anything for now. That boy needs to learn his lesson.” Wika nang matanda.
“Anong leksyon?”
“Hindi lahat nang pamilya mo maaasahan mo sa Negosyo. We both know that man’s share of Drake’s dad's demise. He has to learn it the hard way.” Wika pa nang matanda. “But you have to be very cautious as well. Thought we would let Drake have it his way. We also have to make sure this company will not suffer else that boy won’t have anything after this.”
“Nag-aalala kayo sa kanya? They committed fraud against you.” Wika ni Lee.
“That boy has nothing to do with adults' decision. He still has to learn his lessons in life. At sabihin na natin. Ito lang ang maibibigay ko sa kanya matapos niyang sundin ang kasunduan namin. And you think patatahimikin ako ni Samantha kapag hinayaan kong may mangyaring masama sa lalaking gusto niya?” anang matanda.
“Right. She is down bad for that boy.” Wika ni Lee. Napangiti lang ang matanda sa sinabi nang binata.
“Anong sabi ni Simone?” Tanong nito na ang tinutukoy ay ang Doctor nang dalaga.
“Nasa Airport pa siya. Pero si Samantha ang unang pupuntahan niya kapag nakarating siya.” Wika pa ni Lee.
“That’s good.” Wika nang matanda saka huminto sa pinto nang opisina ni Lee. Binuksan naman ni Lee ang pinto saka Nakita nila ang dalaga na nakaupo sa sofa habang nagbabasa nang libro.
“Samantha? How are you? Are you okay? Hindi ka na ba nahihilo?” nag-aalalang wika nang matanda saka lumapit sa dalaga.
“Okay na ako. Siguro dahil sa init nang panahon kaya ako nahilo.” Anang dalaga at inilapag ang libro sa mesa. “Si Drake?” tanong nito saka napatingin sa likod nang dalawa pero hindi niya Nakita ang binata na kasama nang lolo niya.
“Nililibot ang Factory. He was to learn the basics sa pagpapatakbo nang Kompanya. Sa kanya din naman mapupunta ito.” wika ni Leandro.
“Mabuti naman kung ganoon. Tiyak na masaya siya ngayon dahil nakabalik na din lahat nang trabahador nila.” Wika nang dalaga. “Okay lang ba saiyo yun lolo?”
“This is his company, He can do whatever he wants. Lee will be here to assist him.” Wika pa nang matanda.
“Thank you.” Nang dalaga sa matanda at ngumiti.
“Now, it’s time for you to do what I want. Darating si Simone ngayon, Kailangan mong magpatingin.” Wika pa nito.
“I’ll do that.” Anang dalaga at ngumiti. Alam niyang nag-aalala lang ang lolo niya para sa kanya. Kailangan din niyang ingatan ang kalusugan niya para hindi siya mahalata ni Drake.