Chapter - 11

1415 Words
"There's Mrs. Anderson." nakangiting wika nang kaibigan ni Drake nang makita nila ang dalagang nasa labas nang kotse sa labas nang gate nang University nila. Mukhang may hinihintay ito at alam nilang isang tao lang naman ang pwede nitong hintayin sa Labas nang University at iyon ay si Drake. "Mukhang bantay sarado ka sa asawa mo." Biro pa nang isang kaibigan ni Drake. "Shut up!" anang nang binata saka napatingin sa dalaga. Napakuyom ang kamao niya. hindi niya gustong nagpupunta sa University nila ang dalaga. Kahit naman Kasal sila. Pero mukhang walang plano ang maglolo na lubayan siya at bigyan siya nang katahimikan. Hindi nga siya kinulit nang mga ito na lumipat nang university pero bakit naman ito pa ang susundo sa kanya ngayon. Alam naman niya kung papaano umuwi. Hindi siya gumamit nang kotse dahil hindi siya komportable at dahil na din sa titig nang mga pinsan at ibang miyembro nang pamilya. Hindi sila makapaniwala na binigyan siya nang magarang sasakyan. Habang ang ibang apo nito pahirapan pang makakuha nang kahit ano sa kanya. "What are you doing here?" Tanong nang binata nang makalapit sa dalaga. “Alam ko ang daan paawi.” Inis na wika nang binata. "May Din----" "Alam ko kung paano pumunta sa mansion. Nakalimutan mo bang doon din ako nakatira." agaw nang binata sa ibang sasabihin nang dalaga. "Bakit mo siya tinatrato nang ganyan?" saway nang kaibigan niya kay Drake. "Pasensya kana. hindi lang marunong makipag-usap sa babae itong kaibigan ko at mukhang nag-aadjust pa din siya sa buhay may-asawa." wika nang binata sa dalaga. Simple namang ngumiti si Samantha. Alam naman niya ang dahilan kung bakit masungit sa kanya ang binata at hindi iyon dahil nag-aadjust pa din ito. He just doesn't like her. "Just shut it. Hindi mo kailangang magpaliwanag sa kanya." wika nang binata at siniko ang kaibigan. “It’s okay. Sanay na ako sa pagiging masungit niya. Iyan ang isa sa mga charm niya. Mas lalo akong naiinlove sa kanya kapag ganyan siya at nagkukunwaring masungit.” Wika nang dalaga at ngumiti sa kaibigan ni Drake. “Hindi ko nakuha ang pangalan mo. Hindi ba dumalo ka sa kasal namin?” tanong pa nang dalaga sa binata. “Julius Nuebes. Juno nalang.” Wika nito at inilahad ang kamay sa dalaga. “Nice meeting you.” Matamis na ngiting wika nang dalaga sa binata saka tinanggap ang pakikipagkamay nang binata. “Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Bakit ka nandito?” wika ni Drake at napatingin sa kamay ni Samantha at Juno bago bumaling sa dalaga. Hindi niya alam pero may nararamdaman siyang konting inis. “May dinaanan akong malapit dito sa University niyo. Naala kong hindi ka nagdala nang sasakyan kanina. Kaya naisip kong puntahan kana. Sabi din ni lolo may pag-uuspaan kayo kaya ----” wika nang dalaga saka binitiwan ang kamay ni Juno saka tumingin kay Drake. Naputol naman ang sasabihin niya dahil sa biglang nagsalita ang binata. “Alam ko kung papaano pumunta sa opisina nang lolo mo.” “Hindi naman masama kung sabay taong pupunta doon hindi ba? Nandito na naman ako kaya sabay nalang tayo.” Wika nang dalaga saka ngumiti. “May nagsabi na ba saiyo na napaka tamis nang ngiti mo?” Biglang wika ni Juno habang nakatingin sa dalaga. Hindi niya maintindihan pero talagang na ho-hook siya sa ngiting iyon nang dalaga. Napatingin naman binata sa kaibigan dahil sa sinabi nito. “Bakit? Totoo naman ang sinabi ko.” Wika ni Juno sa kaibigan nang makita ang tingin nang kaibigan. “Madalas kong naririnig yan sa lolo ko. Ikaw ang unang nagcompliment sa akin niyan bukod sa lolo ko.” Nakangiting wika nang dalaga. “Talaga.” Masiglang wika ni Juno. Lalo namang hindi mapigilan ni Drake ang inis sa kaibigan. “Kahit ang asawa mo hindi ka pa kino-compliment?” Tanong nito. “Nahihiya lang siguro siya. Medyo may pagkamahiyain kasi siya. Alam mo na.” anang dalaga. “Agree ako saiyo tungkol diyan. Itong si Drake---” “Pwede ba.” Biglang wika nang binata dahilan para matigilan ang kaibigan na magsalita. “Hindi ka pa ba aalis?” Tanong ni Drake sa kaibigan niya. “Pinaaalis mo na ako? Gusto ko pang makipag-usap kay Samantha. Mukhang magkakasundo kami.” “Hindi mo ba narinig na may pupuntahan kami?” iritadong wika nang binata sa kaibigan. Napasimangot naman si Juno nang marinig ang sinabi nang kaibigan. "Ah." biglang wika nito kay Samantha. "May Event ang University namin at pwedeng makapasok ang mula sa ibang University. Dahil mag-asawa naman kayo ni Drake. I think ----" "Hindi mo siya kailangang imbitahen. Hindi naman siya pupunta." wika nang binata saka tumingin ang derecho sa dalaga. "Hindi ka pupunta bakit naman? Busy ka ba?" tanong nito sa dalaga. “Sayang naman. Open house naman ‘tong event pwedeng pumunta ang ibang estudyante from Different University. Kung hindi mo alam. Drake is the University Prince. Pinipilahan siya nang mga estudyante dito at baka sa ibang university pa. Magaling sa academic at sports.” Wika nito saka nag thumbs up sa dalaga. "I'd like to---" "You don't have to." agaw nang binata sa sasabihin nang dalaga. Napalabi naman si Samantha. Talagang hindi sila magiging mabuting mag-asawa kapag ganito ang trato sa kanya nang binata. Unting panahon nalang ang meron siya. Kahit pa ang first love niya ang asawa niya kung ganito naman sa suplado mukhang mamatay siyang malungkot pa din. “Hindi ka na dapat mahiya. Gusto ko ring makita ang sikat na heartthrob nang campus niyo.” Wika nang dalaga sa binata. “Nang-iinis ka ba.” Wika nang binata sa dalaga. "Ano ka ba naman. Minsan lang makapunta sa University natin si Sam. Bakit ka nagsusuplado." wika nang binatang kaibigan ni Drake. “Sam?” wika ni Drake sa kaibigan saka tumingin dito. Ngayon lang sila nagkausap. Tinatawag na agad nito ang dalaga sa ganoong pangalan. Masyado yatang nagiging pamilyar ang kaibigan niya sa dalaga. “Hindi naman masama kung tawagin ko siyang Sam. Hindi ba?” wika nito saka tumingin sa dalaga. “Walang problema. Mas gusto kong tinatawag ako sa palayaw ko. Medyo mahaba kasi ang Samantha.” Wika nang dalaga at ngumiti dito. Sersiouly! Inis na wika nang binata. Hindi niya nagugustuhan ang pagiging malapit nang dalawa at ang mga ngiti nang dalaga hindi niya gustong nakikita iyon nang kaibiga niya hindi niya maintindihan kung bakit siya naiinis. Wala naman siyang dahilan. "Sam, kung hindi ka gustong samahan ni Drake ako ang magiging guide mo. Kailangan kang pumunta. Maglalaro kami ni Drake nang basketball, nanonood ka naman nang basketball hindi ba?" "Not really, pero kung maglalaro kayo. I'd love to watch." wika nang dalaga at tumingin kay Drake. Napanood niya dati sa isang school event noong high school siya ang binata nanglalaro nang basketball at hindi maipagkakaila na magaling ito sa sports at gold medalist din ito sa karate. kung hindi lang siguro nito sinusunod ang yapak nang ama baka nasa olympics na ito. "Huwag mong asksayahin ang oras mo." wika nang binata saka sumakay nang kotse. "Huwag mo nang intindihin ang pagiging suplado niya." wika ni Juno sa dalaga. "Alam kong masyado siyang masungit ngayon. Sana intindihin mo nalang." anito. Tumango naman ang dalaga. "Pero kapag masyado parin siyang naging masungit sabihin mo lang-----" "Tatayo ka nalang ba diyan? Akala ko ba nandito ka dahil hinihintay tayo nang lolo mo." wika nang binata saka dumungaw sa bintana nang hindi pumasok sa loob nang kotse ang dalaga. "Una na kami." wika nang dalaga saka nagpaalam sa binata at sumakay sa kotse. "Masyado ka yatang nagiging malapit kay Juno. Ngayon palang naman kayo nagkakakilala." wika ni Drake nang makasakay siya at naupo sa tabi nang binata. "He is your friend, and I think He is a good person. Wala namang masama kung makipagkaibigan ako." wika nang dalaga. Kung mamimili ako nang kaibigan baka mamatay akong malungkot. Dagdag pa nang isip nang dalaga. "Sa susunod huwag kang pupunta dito. Sinabi ko na dati, ako pa rin ang magpapatakbo nang buhay ko. Kahit naman mag-asawa tayo sa papel lang iyon." anang binata. "Naiintindihan ko." malungkot na wika nang dalaga. Sana pwede kong sabihin sa iyo na gusto ko nang mga magagandang alaala kasama ka. wika nang isip nang dalaga ngunit hindi nalang niya isinatinig. Konting oras nalang ang natitira sa akin. Gusto kong gamitin iyon kasama nang mga taong gusto ko. Dagdag nang isip nang dalaga. Kaya lang hindi naman niya iyon pwedeng isa tinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD