Miss Samantha.” Wika nang isang babae na nagulat nang makita si Samantha na dumating sa factory. Araw nang Sabado ngayon kaya nasa Factory ang binata, bilang training. Nabigla si Samantha nang makita ang gulat na mukha nang babae. Para itong nakakita nang multo nang dumating siya. Hindi naman siya madalas nagpupunta doon. Pero nang araw na iyon na isip niyang dalhan nang tanghalian si Drake, alam niyang hindi ito kumain nang almusal dahil sa nandoon ang mga kapatid nang lolo niya. Hindi nag-aalamusal ang binata sa bahay nila tuwing sabado at linggo dahil kompleto ang pamilya nila, madalas maaga itong umaalis para hindi sila magpang-abot nang mga kapatid nang lolo niya.
Alam naman kasi nilang, hindi pa natatanggap nang pamilya niya ang pagpapakasal niya kay Drake lalo na at hanggang ngayon sila pa rin ang sinisisi ni Drake sa nangyari sa pamilya nila. Sinasabi nang mga kapatid nang lolo niya na baka ginagamit lang sila ni Drake para maghigante, nagpapatira sila nang taong tatraydor din sa kanila.
“A-anong ginagawa mo dito?” tanong nang babae na tila nauutal. Hindi naman niya masisisi ang babae, hindi naman kasi siya nagpupunta doon. Tiyak na magugulat talaga ito sa pagdating niya.
“Wala dito si Sir Lee.” Wika nang isang babae na lumapit sa kanila. Napatingin naman si Samantha sa bagong nagsalita.
“Alam ko, hindi si Lee ang pinunta ko dito.” Wika ni Samantha at ngumiti. “Maydala akong tanghalian ni Drake. Nandiyan ba siya sa loob?” dagdag nang dalaga at ipinakita ang dalagang lunch box. Napaawang naman ang labi nang dalawang babae saka napatingin sa factory. Napatingin ang dalaga sa tinitingnan nang mga babae. Nagtataka siya sa reaksyon nang mga ito.
“Bakit? May nangyari ba? Wala ba siya sa loob?” tanong nang dalaga.
“Hindi. Wala. Nandiyan siya kaso----” wika nito na biglang humina ang boses.
“Kaso?” tanong nang dalaga.
“May bisita siya.” Biglang wika nang isa.
“Ah. I won’t disturb them, kung may meeting siya.” Wika nang dalaga saka naglakad papasok sa building. Nagkatinginan ang dalawang babae at humabol sa dalaga.
“Miss Samantha, mas Mabuti kami na magdala nang tanghalian ni Sir Drake.” Habol nang mga babae sa dalaga.
“It’s fine. Hindi ko sila guguluhin kung may meeting sila.” Wika nang dalaga at hindi nakinig sa mga babaeng humahabol sa kanya. Binaybay nang dalaga ang daan patungo sa opisina nang binata. Habang naglalakad siya napapansin niya ang biglang pagbubulungan nang mga trabahador. Nagdududa siya sa kinikilos nang mga ito.
Nabigla pa si Samantha nang nasa malapit na siay sa pinto nang opisina ni Drake bigla siyang sinalubong nang secretary nito. Napaigtad siya sa gulat nang bigla itong sumulpot sa harap niya.
“Miss Samantha, nakakagulat po ang bigla niyong pagdating. Wala si Sir Lee ngayon. Day off niya.” Wika pa nito sa kanya. Kahit na nagulat ang dalaga pilit siya ngumiti dito.
“Alam kung wala dito si Lee. Si Drake ang pinunta ko. Nandiyan siya diba?” Tanong ang dalaga na nakangiti sa sekretarya kahit na naguguluhan siya sa kakaibang kinikilos nito.
“Nandiyan pero----” wika nito.
“E nandiyan naman pala. Napaghahalata kung ayaw niyo akong papasukin.” Wika nang Dalaga.
“No. Hindi sa ganoon. Kaya lang----”
“Hindi ko siya iistorbohin, kung yan ang piniproblema niyo. May dala lang akong tanghalian sa kanya. Hindi naman siguro masama kung dadalhan ko siya nang Pagkain di ba?” tanong nang dalaga. Naiinis siya sa kinikilos nang mga ito, parang may itinatago sa Kanya. Parang mag bagay na ayaw niyang makita.
“Kasi---” wika nito saka napakagat nang labi.
“Hindi ako magtatagal, kung wala siya sa opisina niya iiwan ko nalang ang pagkain doon, aalis din ako agad.” Wika nang dalaga at naglakad patungo sa pinto nang opisina nang binata.
“Ma’am Samantha sandali.” Habol nang babae sa dalaga. Ngunit biglang natigilan ang sekretarya nang makitang tumigil sa Samantha sa harap nang pinto nang opisina nang binata. Napahawak siya nang mahigpit sa kamay niya at napakagat nang labi.
Nang nasa pinto na nang opisina ni Drake si Samantha, bigla siyang natigilan nang makita ang eksena sa loob nang opisina. Nakita niya si Nancy at Drake na nakaupo sa sofa habang magkayakap.
Parang nabato si Samantha sa kinatatayuan niya nang makita si Drake at Nancy. Doon lang niya napagtanto ang dahilan kung bakit tila pinipigilan siya nang mga empleyado ni Drake na pumasok. Nandoon pala si Nancy sa loob. Naalala niyang sinabi niya kay Drake noong nakaraan ang tungkol sa paghihiwalay ni Nancy at nang Boyfriend nito. Hindi naman niya akalaing ang bilis magkabalikan nang dalawa.
Sam, don’t overreact. Inaasahan mo na naman ito. Alam mong gusto parin nila ang isa’t-isa. Alo ni Samantha sa sarili niya. Kinukumbinsi niya ang sarili niya na hindi siya pwedeng masaktan dahil wala naman siyang Karapatan. Kung tutuusin, pinilit lang nila si Drake na magpakasal sa kanya. Kaya hindi niya pwedeng sisihin ang binata o magalit dito kung sundin man nito ang nasa loob niya. Kung ang babaeng tinitibok nang puso talaga nito ay si Nancy wala siyang magagawa.
“Ma’am Samantha.” Mahinang wika nang sekretarya nang makitang nakatayo lang ang dalaga sa pinto. Napahawak nang mahigpit si Samantha sa dala niyang lunch box saka huminga nang malalim, nag-aalalangan man marahan siyang kumatok sa nakabukas na pinto para kunin ang atensyon nang dalawang nasa loob.
“Sam.” Gulat na wika ni Drake nang mapatingin sa pinto nang marinig ang mahinang katok. Nang makita niya ang dalaga agad niyang tinanggal ang kamay na nakayapos kay Nancy saka tumayo. Habang ang dalaga naman ay napapahid nang luha at umayos sa pagkakaupo.
Sam? That was the first. Wika nang isip nang dalaga. Ngayon lang niya narinig ang Binatang tinawag siya sa pangalan niya. Ang sarap sanang pakinggan kung hindi lang iba ang kasama nang binata.
“Sorry, Na istorbo ko yata kayo.” Wika ni Samantha saka naglakad papasok, kahit na nanginginig ang paa niya pinilit niyang maglakad papasok saka inilapag sa office desk ni Drake ang dalang lunch box.
“Nagdala lang ako nang pananghalian mo, alam ko kasing hindi ka nakapag-almusal. A-aalis din ako.” Wika nang dalaga matapos ilapag sa desk ang Lunch box saka hindi magkanda-ugaga kung saan dadaan palabas nang opisina. Napatingin naman si Drake sa inilapag nang dalaga.
“Hindi mo naman kailangang mag-abala, may cafeteria naman dito.” Wika nang binata sa dalaga.
“K-kung hindi mo gusto o ayaw mong kainin. Ibigay mo nalang sa iba.” Wika nang dalaga at nagmamadaling naglakad patungo sa pinto.
“Sandali.” Wika ni Drake na biglang hinawakan ang kamay nang dalaga nang aktong lalabas ito sa opisina niya. Natigilan naman ang dalaga at napatingin sa kamay nang binata bago bumaling kay Nancy na nakaupo pa rin sa sofa at nakatingin sa kanila.
“May bisita, mauuna na ako.” Wika nang dalaga saka tinanggal ang pagkakahawak ni Drake sa kamay niya saka nagmamadaling umalis.
“Sam!” habol ni Drake sa dalaga. Akmang susundan sana niya ang dalaga nang bigla siyang natigilan.
“Drake.” Wika ni Nancy na tumayo sa kinauupuan. “Iiwan mo ko dito? Alam mong-----”
“Mamaya na tayo mag-usap.” Wika nang binata at hindi pinatapos ang sasabihin nang dalaga at mabilis na sinundan si Samantha. Nakuyom naman ang kamao ni Nancy nang bigla siyang iniwan ng binata. Marahas din siyang napakagat nang labi niya dahil sa tinuran nang binata.
“Sandali.” Wika ni Drake na hinawakan ang kamay nang dalaga nang mahabol niya ito sa labas.
“May kailangan ka pa ba?” Tanong ni Samantha sa binata at huminto saka humarap dito at simpleng tinanggal ang kamay niyang hawak nang binata.
“Bakit ka aalis?” tanong ni Drake.
“Bakit hindi? May bisita, at wala naman akong ibang gagawin dito dinalhan lang kita nang tanghalian. Balikan mo na si Nancy mukhang intimate ang pinag-uusapan niyo.” Hindi naiwasan nang dalaga na maging sakristo ang tono nang boses niya sa huling sinabi niya.
“Intimate? Nagseselos ka ba?” tanong nang binata. Napabuga nang hangin ang dalaga dahil sa pagkamangha sa sinabi nang binata.
“Bakit ako magseselos?” tanong nang Dalaga.
“Kung hindi, bakit ka biglang aalis?” tanong nang binata.
“Di ba sinabi ko naman saiyo, ayokong makaistorbo sa inyo. Sinabi ko ding naghatid lang ako nang tanghalian mo.” Paliwanag nang Dalaga.
“Then why don’t you stay? Bakit kailangan mong magdaling umalis?”
“Drake, maglolokohan pa ba tayo?” inis na wika nang dalaga. Biglang napakunot nang noo ang binata sa sinabi nang dalaga.
“Alam ko naman na hanggang ngayon, si Nancy pa rin ang nasa loob mo. Siya parin ang mahal mo. Wala akong magagawa doon. Pero Drake naman. Alam nang mga empleyado mo na kasal tayo. Tapos makikita ko kayong nagyayakapan sa loob nang opisina mo. Alam kong, hiwalay na si Nancy at nang boyfriend niya. Hindi ka ba pwedeng maghintay nang Isang taon lang.” Ani Samantha. “Isang taon lang ang hinihingi ko saiyo Drake. Hindi na ba makakapaghintay si Nancy?” tanong nang dalaga.
“Ano ba ‘tong pinag-aawayan natin. Dinadamayan ko lang si Nancy. Kailangan niya nang kaibigan ngayon. Wala namang malisya ang Nakita mo. At kahit gusto kong balikan si Nancy, Hindi naman pwede dahil alam nang lahat na kasal ako saiyo.”
“Eh di sa bibig mo din nanggaling.” Wika nang dalaga.
“What?!” di makapaniwalang wika nang binata.
“Bumalik kana sa loob. Uuwi na ako.” Wika nang dalaga saka tumalikod.
“Sam!” tawag nang binata sa dalaga. Pero hindi siya pinakinggan nang dalaga at derecho pa rin itong naglakad. “Samatha.” Matigas na wika nang binata pero hindi pa rin pinakinggan nang dalaga ang binata. Tumigil ang dalaga sa paglalakad sa harap nang pedestrian lane. Gustuhin man niyang humakbang para tumawid gaya nang dati, biglang bumigat ang mga paa niya. Bigla siyang may nakikitang images nang kotsent nakabaligtad at duguang mga sakay doon. Biglang napaatras ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nangyayari. Pangalawang beses na iyon.
Napakunot ang noo ni Drake nang makita ang dalagang natigilan at hindi makakilos para itong natatakot na humakbang. Hindi niya alam kung anong nangyayari pero hindi niya magawang tumayo lang doon at panoorin ang dalaga. Naglakad siya papalapit sa dalaga at nang makalapit dito, walang pasabi niyang hinawakan ang kamay nito. Gulat pang napatingin ang dalaga sa binata dahil sa ginawa nito.