"Sam!” Nag-aalalang wika nang dalagang assistant nang madre nang makitang tila muntik nang mabuwal si Samantha nang tumayo ito. Mabuti at nakakapit ito sa upuan. Agad namang nasapo nang dalaga ang ulo niya. Kakatapos lang nilang kumain noon. Dahil Maganda ang araw at gusto nang mga bata ang outdoor activities na isip nang Madre na sa labas na sila kumain. Na nagustuhan naman nang mga bata bukod sa aliw din sila sa pakikipagusap kay Drake na game na game naman kahit ang kukulit nang mga bata.
Nang marinig ni Drake ang sinabi nang dalagang assistant napadako ang tingin niya kay Samantha. Maging ang mga bata ay nag-aalala ding napatingin sa dalaga.
“Sam are you okay?” tanong nang madre at tumayo saka lumapit sa dalaga.
“Sam, okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong nang mga bata saka bumaling sa dalaga. Nilingon naman nang dalaga ang mga bata saka pilit na ngumiti. Napadako ang tingin niya kay Drake na nakatingin lang sa kanya nang derecho. Gaya nang dati cold parin ang titig nito sa kanya.
“Sam.” Wika nang mga bata saka tumayo sa kinauupuan at naglakad patungo sa dalaga.
“Okay lang ako. Medyo nahilo lang ako. Dahil siguro sa init.” Wika nang dalaga saka tumingin sa mga batang nag-aalala.
“Mabuti pa Samahan na kita sa loob. Doon kana muna magpahinga.” Wika nang madre saka lumapit sa dalaga.
“Salamat po.” Wika nang dalaga bago bumaling sa mga bata. “Babalik ako mamaya. Magpapahinga lang ako. Makipaglaro muna kayo kay Kuya Drake ha.”
Napatingin si Drake sa dalagang inaakay nang madre papasok sa building.
"May sakit ba si Ate Samantha." tanong nang isang bata. Napatingin naman si Drake sa Bata nang marinig ang sinabi nito saka muling napatingin ang ang binata sa dalaga. Ngayong narinig niya ang sinabi nang bata at sa mga naobserbahan niya sa dalaga. Madalas nga itong mahilo. Ayaw niyang mag-isip nang masama pero mukhang hindi normal ang parating pagkakahilo nito.
“Nahilo lang siya dahil masyadong mainit.” Wika nang dalaga sa bata.
“Okay ka na ba?” tanong nang madre na lumapit kay Samantha na nakaupo sa isang sofa at naglapag nang isang basong tubig.
“Okay na po ako, kailangan ko lang magpahinga.” Wika nang dalaga.
“Alam na ba nang asawa mo ang tungkol sa sakit mo?” tanong nang Madre. Bigla namang natigilan ang dalaga at napatingin sa madre. Bukod sa lolo niya at sa dalawang binata. Alam din nang madre ang tubgkol sa sakit niya sila lang ang nakakaalam sa tunay na kalagayan nang dalaga.
“Hindi pa po. At wala din akong balak na sabihin sa kanya.” wika nang dalaga.
“Bakit naman? Asawa mo siya. Ang mag-asawa dapat magkaramay sa hirap at ginahawa.” Wika nang madre.
“Hindi naman po kami nag pakasal dahil mahal namin ang isa’t-isa.” Wika nang dalaga na biglang nangilid ang luha sa mata. Napatingin naman ang madre sa kanya na may halong pagkahabag ang mukha.
“Masyado akong masarili. He was forced to marry me becaused I asked lolo about it. Kinuha ko na ang Kalayaan sa kanya na magmahal at makasama ang taong gusto niya. Paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol sa sakit ko. Eh di mas lalo ko lang siyang binigyan nang problema.” Wika nang Dalaga.
“Anyway.” Wika nang dalaga saka ngumiting tumingin sa Madre. “Isang taon lang. I just need one year. Maibabalik ko din ang buhay ni Drake sa kanya. Kahit isang taon lang, gusto kong maging makasarili, Kalanan ba yun?” anang dalaga at biglang pumatak ang luha sa mga mata.
“Sam.” Habag na wika nang madre at niyakap ang dalaga. Naiintindihan nang madre kung anong nararamdaman nito. Binigyan lang ito nang isang taon, Isang taon para mabuhay nang maayos. Marahili to ang dahilan kung bakit ito ang pinili niya.
***
"Okay ka na ba?” Tanong ni Drake nang pumasok sa loob at makita ang dalagang nakaupo sa sofa. Nang marinig ni Samantha ang tanong ang binata agad naman siyang napatingin dito saka napangiti.
“Bakit ka ngumingiti, para kang sira.” Wika nang binata.
“Nag-aalala ka bas sa akin?” Tanong nang dalaga habang nakatingin sa binata. Natigilan naman ang binata saka napatingin sa dalaga. Siya mag-aalala? Bakit naman? Wala naman siyang dahilan para mag-alala kay Samantha. Gusto lang niyang malaman kung okay na ang pakiramdam nito. Kaya siya pumasok at kinumusta ito pero hindi siya nag-aalala.
“Huwag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Natural lang na tanungin ko kung kumusta ka. Ako ang kasama mo dito. Ano nalang ang sasabihin nang lolo mo, baka isipin noon pinababayaan kita.” Wika nang binata saka naupo sa tabi nang dalaga.
“Alam ko namang hindi ka mag-aalala sa ‘kin. Pero hindi mo naman kailangan ipangalandakan. Pwede ka namang mag sinungaling paminsan-minsan.” Wika nang dalaga at napalabi.
Biglang natigilan ang dalaga nang biglang ilagay nang binata ang kamay nito sa noo niya. Dahil sa gulat bigla siyang napaigtad at napatingin dito. Nang mapatingin siya sa mukha nang binata mabilis niyang itinulak ang binata dahil sa gulat bukod doon, bigla siyang nakaramdam nang pang-iinit nang mukha niya.
Nagulat naman ang binata dahil sa ginawa nang dalaga, kaya nataka siyang napatingin dito.
“Did you just push me?” Takang tanong nang binata sa dalaga dahil sa labis na gulat sa ginawa nang dalaga. Bakas sa naman sa mukha ni Samantha ang gulat maging sa ginawa niya.
“Bakit kasi bigla kang nanggugulat.” Wika nang dalaga.
“Akon ang gugulat? Ginulat ba kita?” Tanong nang binata.
“Oo, bigla ka nalang lalapit sa ‘kin tapos hahawakan mo ang noo ko.” Anang dalaga.
“I was trying to check kung may lagnat ka. Masyado ka namang overacting.” Inis na wika nang binata.
“Sana sinabi mo. Hindi yung bigla kang nanggugulat.” Wika nang dalaga.
“Sa susunod, I won’t even bother to check if you’re okay.” Wika nang binata saka tumayo.
“Wait. I didn’t mean---” wika nang dalaga saka tumayo para habulin ang binata pero bigla siyang napahawak sa upuan nang bigla siyang makaramdaman nang hilo. Napatingin ang binata sa dalaga nang maputol ang sasabihin nito. Bigla siyang lumapit sa dalaga at hinawakan ito sa braso nang makitang tila nawalan nang balanse ang dalaga.
“Maupo ka nga. Clearly, hindi ka pa okay.” Wika nang binata saka inlalayan ang dalaga para maupo saka napatingin sa dalaga.
“Are you sick?” tanong nang binata sa dalaga. “Hindi normal na parati kang nahihilo, maging sa school event this happens.” Wika nang binata sa dalaga.
“Naku, bakit hindi mo pa sabihin nag-aalala ka sa’ kin. Nagsi-sync in na ba sa isip mo na may asawa ka?” Pabirong wika nang dalaga. Naningkit ang mata nang binata dahil sa sinabi nang dalaga.
“Mainit ang panahon kaya ako nahihilo. Hindi ako sanay sa mainit na klima.” Wika nang dalaga sa binata na tila hindi naman naniwala sa una niyang sinabi. Mukhang hindi ang tipo nito ang nakikipagbiruan.
“Hindi ka ba naniniwala sa ‘kin?” Tanong ni Samantha nang makitang nakatingin parin sa mukha niya ang binata.
“Alam mo ang saya nang mga batang makipaglaro saiyo. Kasi alam mo, hindi ko naman magawang makipaglaro sa kanila dahil nga hindi ako makatagal sa init nang araw, buti nalang sumama ka.” Wika nang dalaga.
“Huwag mong ibahin ang usapan.” Seryosong wika nang binata.
“Alam mo bang mas gwapo kang tingnan kapag nakangiti ka. Kanina habang nakikipaglaro ka sa mga bata, ang gandang tingnan nang mga ngiti mo. Alam mo bang yun ang unang beses na Nakita kitang nakangiti. Kasi simula nang sa mansion ka tumira hindi ka na ngumingiti.” Wika nang dalaga.
“Walang dahilan para ngumiti ako.” Wika nang binata.
“Hindi ka masaya. Lalo na dahil sa sitwasyon natin.” Wika nang dalaga na biglang nalungkot sa sinabi nang binata. Talagang hindi ito pumapalya na ipakita sa kanya na hindi ito masaya na kasama siya.
“Kahit sino naman. Hindi magiging masaya kung mapipilitan kang gawin ang bagay na ayaw mo. At matali sa isang pagsasamang hindi mo gusto.” Malungkot na wika nang Binata. Napakuyom nang kamao ang dalaga. Talagang kahit anong gawin niya hindi siguro siya matatanggap nang binata kahit bilang isang kaibigan lang.
“Can’t you pretend like you – even just for one year. Can we pretend like we are really married?” Tanong nang dalaga sa binata. Napatingin naman ang binata sa dalaga dahil sa sinabi nito. Alam naman niya ang kontrata nila nang lolo nito. To be her granddaughters husband for one year, then he will get his father’s business and his freedom after.
“Tell me, why one year?” tanong nang binata saka napatingin sa dalaga.
“Bakit gusto mo bang mas ----”
“Huwag mo akong pilosopohin.” Agaw nang binata sa sasabihin nang dalaga. Napasimangot naman si Samantha dahil sa sinabi nang binata.
“Well, gaya nang sabi mo walang gustong matali sa isang relasyong hindi nila gusto. And besides, gusto mong bawi ang business nang pamilya mo diba at gusto mong malinis ang pangalan nang ama mo. Apart from that, we can’t annul our marriage until One year. So you have to stick with me for 1 year. Siguro naman, hindi ka minamadali ni Nancy.” Wika nang dalaga.
“You know she is engaged with someone else.” Anang binata.
“They just cancel their engagement.” Deklara nang dalaga. Taka namang napatingin ang binata sa dalaga. Bakit hindi niya alam na hindi na engage si Nancy sa milyonaryong business partner nang papa nito.
“It’s good news right, You can finally be with her. But, Can you wait until one year? Hindi naman kita pipigilan na makasama siya o bumalik sa kanya. Just after one year.” Nang dalaga.
“You think I will run to her side knowing that news?”
“Will you not?” Tanong nang dalaga.
“I am stuck with you for one year, Am I not? Makakapaghintay naman siguro siya. Besides, hindi ko gustong sumira sa kasunduan namin nang lolo mo.” Wika nang binata. Simple namang napangiti ang dalaga, gaya nang inaasahan. Obligado siyang manatili sa tabi niya dahil sa kontrata at kasunduan.