"Sam!” masayang wika nang mga bata nang bumaba si Samantha sa Van. Kasunod niyang bumama doon si Drake. Nabigla pa ang binata nang makita ang mga batang tila nag-aabang sa pagdating nang dalaga. Nakita niyang tumakbo papalapit sa dalaga ang mga bata agad na pinalibutan nang mga ito ang dalaga. Nakita niyang nakangiti ang dalaga habang masayang nakikipag-usap sa mga batang excited na makita siya.
Kasunod nang mga bata ang isang Madre at isang dalaga. Nakangiti ang mga ito nang makita ang dalaga. Saka bumaling sa Binatang nasa likod nang dalaga. Simple namang tumango si Drake sa dalawa.
“They really miss you.” Wika nang madre nang makalapit sa dalaga. Napatingin naman ang dalaga sa madre at sa dalagang lumapit.
“Halata nga.” Nakangiting wika nang dalaga saka napatingin sa mga batang nakapalibot sa kanya saka tumingin sa madre at ngumiti. “May mga dala akong supplies.” Wika nang dalaga saka tumingin sa dalawang truck na nasa likod nang Van na sinakyan nil ani Drake. Napatingin naman ang madre at ang dalaga sa truck na tinitingnan nang dalaga.
“Mga gamit at gamot. Gusto rin sanang sumama ni Doc Simone ngayon kaya lang may mga naka schedule siyang operation. Baka pumunta sila ni Lee dito sa sususnod na araw para tingnan ang mga bata.” Wika nang dalaga.
“Thank you. Hanggang ngayon hindi mo parin nakakalimutan ang mga bata.” Wika nang madre.
“Alam niyong malapit sila sa puso ko. Somehow, I------” wika nang dalaga saka tumigil at napatingin sa mga bata. Iniisip niyang gaya siya nang mga batang ito na nabibilang na rin ang oras sa mundo. Gusto niyang ibigay sa kanila ang mga bagay na pwede pa niyang ibigay. They should be happy sa mga nalalabing sandali nang buhay nila.
“Ah.” Wika nang dalaga para ibahin ang subject nang pinag-uusapana. “Kasama ko si Drake.” Wika nang dalaga saka lumingon sa binata. Napatingin naman ang Madre at ang dalagang kasama nito sa Binatang nasa likod ni Samantha. “I mentioned him last time. He is here to play with us.” Wika ni Samantha sa mga bata saka ngumiti.
Napatingin naman ang mga bata sa binata. Simpleng ngumiti si Drake sa mga bata. Hindi niya alam kung papaano kikilos sa harap nila ngayon.
“Salamat sa pagpunta mo dito. Marami kaming narinig tungkul sa iyo mula kay Samantha. Ngayon Nakita na kita sa personal, mukhang dapat akong maniwala sa sinabi niya.” Nakangiting wika nang Madre.
“I hope those are good statements.” Wika nang binata.
“Oh, h’wag kang mag-alala. She is bragging about how perfect her husband is.” Wika nang madre.
“Sister naman. Nakakahiya.” Wika ni Samantha saka napatungo nang ulo habang namumula ang pisngi. Napatingin naman ang binata sa dalaga saka simpleng ngumiti. Getting shy after that.
“Kuya.” Wika nang isang bata kay Drake. Napatingin naman si Drake sa batang lalaki. Nang marinig ni Samantha ang nagsalita napabaling siya sa batang lalaki at sa binata.
“Sabi ni Ate Sam. Magaling ka sa basketball at makikipaglaro ka sa amin ngayon.” Wika nito.
“A---” nag-aalangang wika nang binata saka tumingin kay Samantha. “Hindi ako gaanong magaling marunog akong maglaro. And yes. I will play with you today.” Wika nang binata saka ngumiti.
“Yey!” masayang wika nang batang lalaki saka itinaas ang kamay sa ere bago hinawakan ang kamay nang binata. “Tayo na!” wika nito saka inakay ang binata. Napatingin nang simple naman si Drake sa dalaga. Ngumiti lang si Samantha at tumango habang tinitingnan nag mga bata na sumunod kay Drake.
“They like him already.” Wika ni Samantha at nakatingin sa binata at mag bata.
“Mabuti at napapayag mo siyang sumama dito.” Wika nang madre. Tumingin naman si Samantha sa madre at ngumiti. She was not even expecting na sasama sa kanya ang binata pero masaya pa rin siya na sumama ito sa kanya.
Aliw-na aliw ang mga bata habang nakikipaglaro ang mga ito sa binata. Napapangiti naman si Samantha habang nakatingin sa Binatang tila nag-eenjoy din habang nakikipaglaro sa mga bata. Nakita din niyang masyado itong gentle sa mga bata. Nakita niyang isa sa mga bata ang nadapa.
Agad na lumapit is Drake ito at maingat na pinagpag ang dumi sa tuhod nito while he is assuring him that everything is okay. Napangiti naman si Samantha. He is gentle kahit na parati nitong ipinapakita sa kanya ang pagiging masungit nito at mukhang sa kanya lang naman ata ito masungit.
“Ah.” Impit na wika nang dalaga nang bigla siyang matalisod. Natapon din sa damuhan ang tray na dala niyang may laman bason ang juice na para sana sa mga batang naglalaro. Matapos nilang hakutin ang mga suppies mula sa truck naisip nanng dalaga na ipaghanda nang meryenda ang binata at mga batang masayang naglalaro. Dahil sa nakatuon ang pansin niya sa binata hindi niya napansin ang dinadaanan niya dahilan para matalisod siya.
Narinig ni Drake ang impit na tiling iyon nang dalaga. Nang mapatingin siya dito Nakita niya ang dalaga nakadapa sa damuhan. Agad siyang napatayo at nagpaalaam sa bata saka nilapitan si Samantha.
“What are you doing really. Daing mo pa ang isang bata. You’re way to clumsy.” Wika ni Drake saka inalalayan tumayo ang dalaga. Hindi nakapagsalita ang dalaga habang nakatingin sa binata. He was so gentle habang pinapagpag nito ang dumi sa may tuhod nang jeans niya.
“Hindi mo ba tinitingnan ang nilalakaran mo?” tanong nang binata na tumingala sa dalaga. Biglang natigilan ang binata nang makita ang dalagang nakatingin sa kanya.
“What?” tanong nang binata.
“You are gentle. Kahit na you seemed to be hostile around me.” Wika nang dalaga.
“Just because I helped you. You are calling me gentle. Ang babaw mo.” Wika nang binata at tumayo saka bumaling sa nagkalat na mga baso at inilagay sa tray.
“Thank you.” Anang dalaga sa binata. Bigla namang natigilan nag binata. Why is she saying thank you again. “I am really happy na sumama ka ngayon dito. And I can see that the kids like you.” Wika nang dalaga. Napatingin naman si Drake sa mga batang naglalaro. Sa nalaman niya mula sa madre. May mga terminal disease ang mga bata at ang mag lolong Samantha at Leandro ang nagpapagamot sa kanila. Ilan sa kanila already have passed. Pero sa nakikita niya. Masisigla ang mga bata. Parang hindi naman alintana nang mga ito kung ano ang karamdaman nila. Or more likely, they are trying to hide their pain with those sweet smile and laughter.
“I’ll take that.” Wika nang dalaga at nagalakad papalapit sa binata at hinawakan ang tray na hawak nang binata at tinangkang kunin mula dito. Pero hindi naman ibinigay nang binata ang tray. Taka namang napatingin ang dalaga sa binata dahil sa pagtanggi nitong ibigay sa kanya ang tray.
“Maupo kana. I’ll take it from here.” Wika nang binata saka naglakad papasok sa building. Nakangiti namang napatingin ang dalaga sa Binatang naglakad papalayo mula sa kanya.