"Drake!” wika ni Nancy nang makita ang Binatang dumating. Pagtayo palang nang binata sa may pinto agaw atensyon na kaagad ito lalo na sa suot nitong suit. Napatingin si Nancy sa binata. Buong akala niya hindi ito darating sa closing ceremony nang event. Marami na nga ang nagpahawag nang kanilang disappointment nang malamang hindi dadalo ngayon naman marami ang nagulat at bukod doon masaya nang makita ang Binatang nakatayo sa sa pinto. Nakatingin din sila sa dalagang kasama nito.
“Akala ko hindi pupunta.” Wika ni Nancy at lumapit sa binata. “Well, good thing you did. Dahil maraming naghihintay saiyo.” Wika nito saka biglang hinawakan ang braso nang binata.
“Let’s go.” Wika nito na hindi pinansin ang dalagang kasama nito. Napaawang lang ang labi nang dalaga nang makita ang ginawa ni Nancy para ba siyang hindi nag-eexist. Isa pang ikinainis nang dalaga ay hindi manlang siya nilingon nang binata. Napatingin siya kay Drake at Nancy. Agad silang pinakaguluhan nang mga estudyante naparang mga celebrity.
“Dapat masanay kana. Talagang sikat ang asawa mo.” Wika ni Juno na tumayo sa tabi niya. Napatingin naman ang dalaga sa Binatang nagsalita.
“You look so beautiful.” Wika nito sa kanya. Napangiti naman si Samantha dahil sa sinabi nang binata. Lalo pa siyang napatingi nang bigla siya nitong abutan nang isang rosas.
“Para saan ‘to?” nakangiting wika ni Samantha saka tinanggap ang bulaklak na ibinigay ni Juno.
“Wala lang. may batang nagbebenta nang bulaklak sa labas. Isang piraso nalang yan. Sabi niya para makauwi siya kaya binili ko na. The I saw you, at naisip ko. Ah bagay sa kanya ang pulang rosas.” Wika ni Juno.
“Thank you.” Wika nang dalaga na napangiti lalo habang nakatingin sa Rosas. Nakangiti naman si Juno habang nakatingin sa dalagang may matamis na ngiti sa labi.
“You look beautiful when you smile. Kung hindi kalang asawa nang kaibigan ko. Baka niligawan nakita.” Wika ni Juno habang nakatingin sa dalaga.
“Ha?” wika ni Samantha saka napatingin sa binata.
She has to pretend she didn’t hear it. Hindi niya maintindihan kung bakit sinabi iyon ni Juno. He is a good guy at nakikita niyang Mabuti naman itong kaibigan ni Drake. Talagang nagulat siya sa sinabi nito.
“Let’s go.” Wika ni Juno saka napatiuna. Napatingin naman si Samantha sa binata saka sumunod dito. Sinamahan siya ni Juno sa isang bakanteng mesa. Doon sila naupo habang pinapanood sina Nancy at Drake na nakikipagusap sa mga estudyante.
“Gusto mong sumayaw?” tanong ni Juno nang magsimulang sumayaw sa dance floor ang mga estudyante. Napatingin si Samantha sa mga estudyante sa dance floor. They are dancing sa isang malamyos na musika. Dancing as couple. Napatingin siya kay Drake na nasa dance floor at isinasayaw si Nancy. The entire time hindi manlang siya binalikan nang binata. Naiintindihan naman niya kung busy ito alam naman niyang isa itong celebrity sa campus. Pero tila nakalimutan nitong kasama siya nang binata.
“Well?” tanong ni Juno.
“No. I don’t like to dance. At isa pa medyo nahihilo ako. Magpapahangin muna ako sa labas.”
“What? Are you okay? Gusto mo dalhin kita sa clinic?” Nag-aalalang wika ni Juno.
“No. I’m fine. Magpapahangin lang ako.” Wika nang dalaga na napatingin sa dalagang nakatayo sa likod ni Juno. Napatingin naman si Juno sa tinitingnan ni Samantha. Isang estudyante ang lumapit kay Juno at tila naglakas nang loob na yayaing sumayaw ang binata.
“Go ahead.” Wika nang dalaga.
“Are you sure you will be okay?” Tanong ni Juno.
“Yeah.” Nakangiting wika nang dalaga. Kahit nagaalala hindi naman nagawang tanggihan ni Juno ang dalagang lumapit sa kanya. alam niyang nilakasan nito ang loob nito at lumapit sa kanya. Nang makita ni Samantha na nagsimulang magsayaw ang binata kasama ang dalaga tumayo siya at lumabas sa gym. Dumiretso siya sa paglabas nang campus. Inisip niya bakit pa siya sumama sa event na iyon. The entire time wala si Drake sa tabi niya and he was isolated sa isang lugar na hindi niya kilala.
Nakatayo sa pedestrian lane ang dalaga habang hinihintay na magbago ang sign sa traffic light. Nang magbago ito sa signa na pwede nang tumawid. Nagsimulang humakbang ang dalaga pero bigla siyang natigilan.
Biglang nag flashbasck sa isip niya ang mga images nang isang duguang bata sa isang nakataob na kotse. Bigla siyang naninigas sa takot. Ayaw kumilos nang mga paa niya. Bigla siyang nanginig sa takot at kinabahan. Naguguluhan ang isip niya. Ang lakas nang kabog nang dibdib niya. Gusto niyang tumakbo pero ayaw kumilos nang mga paa niya. Nakatayo siya doon na parang nakapako sa kinatatayuan niya.
“What are you doing here?” wika nang isang baritonong boses. Naramdaman ni Samantha ang paglapat nang coat sa balikat niya. Bigla siyang napatingin sa may-ari nang coat.
“Lee.” Usal nang dalaga nang makilala ang binata.
“Anong ginagawa mo dito? Nasaan ang asawa mo? Hindi ba magkasama kayo sa event nang school nila?” tanong nang binata sa dalaga. “Let me guess. Iniwan ka niya.” Wika ni Lee habang nakatingin sa mukha nang dalaga. Nakita niya ang nangingilid na luha sa mata nang dalaga. Kanina lang excited ito na dumalo sa grandball nang university ni Drake. She was looking forward to attending that event pero ngayon ang nakikita lang niya ay ang Samanthang helpless.
“Let’s go home.” Wika ni Lee saka inakbayan ang dalaga. “Oh, since you are wearing a dress. Should we go on a date instead?” Birong wika ni Lee. Napatingin naman si Samantha sa binata.
“I don’t feel like going on a date.” Malungkot na wika nang dalaga. Naiintindihan naman ni Lee ang dahilan nang kalungkutan nang dalaga.
“Oh Well.” Wika ni Lee saka nakaakbay na inakay ang dalaga patawid sa pedestrian. Mula sa dikalayuan sa likod nang isang sasakyan nagkukubli si Drake. Nakita niya si Samantha na lumabas nang gym. Nang makita niya iyon. Agad niyang iniwan si Nancy saka sinundan ang dalaga. Nakita niya when she attempted na tumawid sa pedestrian but for some reason hindi niya magawa. Nang makitang tila napako na doon ang dalaga akma siyang lalapit dito pero bigla siyang natigilan at mabilis na nagkubli sa likod nang isang sasakyan nang makita si Lee na lumapit sa dalaga.
Napakuyom ang kamao nang binata. Muli, Lee was there for her. Hindi niya maintindihan ang relasyon nang dalawa. His closeness sa dalaga is a little suspicious. Alam niyang lumaki ito kasama ang binata pero bakit kung umakto ito sa harap nang dalaga parang wala itong pakiaalam kung may asawa na ito.