Chapter - 21

1444 Words
“I might as well later.” Wika nang binata saka naupo. Napatingin naman si Juno sa kaibigan. Saka bumaling kay Samantha na nakatingin sa binata. Mukhang napako ang tingin nito sa binata. At halatang na bigla sa Nakita. “Kanino ka ba naiinis?” Tanong ni Juno sa kaibigan. “Just shut it.” Wika ni Drake. Napailing lang si Juno. Sanay na siya sa pagiging moody nito. “Mukhang lalo pa kayong naging sikat ni Nancy ngayon. Kahit alam nang lahat na hiwalay na kayo. Iniisip parin nilang couple kayo. Umaasa sila na magkakabalikan pa rin kayo.” “It’s their delusion. Alam naman nilang impossible na mangyari yun.” Wika ni Drake. “Pero aminin mo. Hanggang ngayon nasa puso at isip mo pa rin si Nancy. Mahirap kalimutan yan. Dahil simula noong high school magkasama na kayo.” Wika nang binata. Napatingin naman si Drake sa kaibigan. “Just shut your mouth. Kahit ilang minuto lang hayaan mo akong magisip bago magsimula ang laro.” Wika nang binata saka tumingin sa kaibigan. Nakakabinging hiyawan ang namamayani sa loob nang gym simula nang mag-umpisa ang lara sa pagitan nang faulty of law at nang business administration. Kahit isang exhibition match lang iyon talaga namang bigay todo ang bawat players nang bawat team. Agaw atensyon din ang galing nang Binatang si Drake. Sa bawat steal niya, assist at lalo na ang mga shots nang binata may kasamang score talagang dumadagundong ang hiyawan sa loob nang gym. Ang faculty of Law na mga players ay overwhelmed sa ipinapakitang laro nang binata. Alam nilang matagal nang nag quit nang varsity ang binata at hindi na rin ito naglalaro simula nang may mangyari sa pamilya nito. Kaya naman akala nila mahihirapang mag adjust ang binata pero hindi nila mahulaan ang galaw nang binata lalo na kapag gumagawa sila nang combination move ni Juno. Kilala naman nang lahat si Juno bilang isang magaling na player at miyembro din nang Varsity. Habang pinapanood ni Samantha ang Binatang naglalaro. Pakiramdam niya pinapanood niya ang Binatang si Drake noong nasa high school basketball team ito. He shines brightly habang naglalaro. Ang ngiti nang binata habang tila nag-eenjoy sa laro. Hindi niya maalis ang tingin niya sa binata. Lalo siyang humahanga dito. Sa huli, hindi rin nagawang matalo nang faculty of law ang team nina Drake. Bagay na lalong ikinatuwa nang mga humahanga kay Drake. Lalo namang nahiyawan ang mga tao nang biglang lumapit si Nancy sa Binatang idineklarang best player nang laro. Nabigla naman si Samantha nang makita si Nancy na niyakap ang binata. Mukhang bentang-benta sa mga nandoon ang ginawa ni Nancy. Hindi magkamayaw ang hiyawan at palakpakan sa loob nang Gym dahil sa ginawa nang dalaga. Mukhang maging sila umaasa na magkakaroon nang karugtong ang love story nang dalawa. “Sam, uuwi ka na ba? Dadalo ka sa grandball mamaya?” tanong ni Juno nang bumaba siya mula sa kinauupuan niya. Hihintay niyang lumabas lahat nang mga estudyante sa gym bago siya nagpasya na umalis. “Mabuti at nakapanood ka. Nag enjoy ka ba?” tanong ni Nancy sa kanya. “Oo. Both teams played really well.” Wika nang dalaga at ngumiti. “Pero walang makakadaig sa galing ni Drake. Nakita mo naman ang ----” “Yeah.” Agaw ni Samantha sa iba pang sasabihin nang binata saka tumingin kay Drake. “He reminded me of someone I know.” Wika nang dalaga. “Oh. Sino?” tanong ni Juno. “My first love.” Anang dalaga at nakatingin pa rin sa binata. Napatingin naman sina Nancy, Juno at Drake sa dalaga nang marining nila ang sinabi nito. “First love?” tanong ni Juno. “Oo. He shines brightly kapag naglalaro siya nang basketball. I only saw him once before. But he leaves a great impression.” Wika nang dalaga at ngumiti. “Nasaan na siya nagyon? Isa ba siyang professional player?” tanong ni Nancy. “He is not. Hindi ko alam kung nasaan siya. I guess I will not have an opportunity to see him again.” Wika ni Samantha at tumingin sa dalaga at ngumiti. “Right, you are married now. That’s a shame.” Wika ni Nancy saka tumingin kay Drake. “Hindi ka naman siguro mag b-bail out mamaya sa grandball.” Wika nito saka tumingin sa binata. Napatingin naman si Samantha sa binata. “Gusto mo bang dumalo? Kung ayaw ni Drake ako sasama saiyo. Maganda siguro kung maisasayaw kita.” Wika ni Juno. “I don’t know.” Wika ni Samantha saka tumingin sa binata. “Gawin mo ang gusto mong gawin. Kahit naman sabihin kong huwag kang pumunta dito. Matigas ang ulo mo. Pupunta ka pa din.” Wika ni Drake sa dalaga. “Pupunta ka rin naman diba?” nakangiting wika nang dalaga sa binata. “Kung hindi ako pupunta sinong kasama mo?” wika nang binata. Napangiti naman ang dalaga dahil sa sinabi nang binata. Bakit ka nakangiti nang ganyan. Wala naman akong espesyal na ginawa. Ang babaw nang kaligayahan mo. Wika nang isip nang binata habang nakatingin sa matamis na ngiti nang dalaga. “Bakit ka nakangiti?” tanong ni Drake sa dalaga. “Para kang sira.” Wika nang binata saka nagpatiunang maglakad sa kanila. Taka namang napatingin sina Juno, Nancy at Samantha sa binata. “Masaya lang ako. Gusto mo bang mag shopping nag susuotin para mamaya?” tanong nang dalaga saka sumunod sa binata. “Hindi na magastos.” Wika nang binata napatuloy nang lakad. “Ang galing mo kanina. Akala ko talaga hindi ka maglalaro. Ang dami mo ding mga tagahanga. Nakakabingi ang mga hiyawan nila.” Wika nang dalaga habang nakasunod sa binata. “Ah.” Daing nang dalaga nang biglang tumama ang mukha niya sa likod nang binata nang bigla itong tumigil sa paglalakad. “Aw.” Daing nang dalaga sabay hawak sa noo niya at napatingin sa binata. “Bakit ka ba biglang huminto sa paglalakad?” tanong nang dalaga saka napatingala sa binata. “Bakit ang ingay mo?” tanong nang binata. “Ha?” gulat na wika nang dalaga. “Anong ha. Ang ingay mo. Ganito ka ba kadaldal?” tanong nang binata. “Masaya lang ako dahil sa Pumayag kang pumunta ako sa grandball niyo mamaya.” “Yun lang masaya ka na?” tanong ni Drake. “Ang babaw mo.” “Hindi ko alam kung kelan ulit ako magkakaroon nang pagkakataon na makasama ka sa ganitong event. Masaya siguro kung Makakapagsayaw din tayo.” Wika nang dalaga. “Hindi ako sasayaw. Huwag mo nang pangarapin yun.” Wika nang binata. “Kung ayaw mo, sige kay Juno nalang ako----” biglang natigilan ang dalaga nang biglang hawakan nang binata ang kamay niya taka naman siyang napatingin dito. “Kung gusto mong isayaw kita. Kailangan mo akong turuan, parehong kaliwa ang paa ko. May oras pa tayong magpraktis.” Wika ni Drake saka hinila ang dalaga papalayo. Napangiti lang si Samantha habang hinahayaan ang binata na hilahin siya papalayo sa gym. Taka lang na nakatingin sina Juno at Nancy sa kanilang dalawa. “Mukhang magkasundo naman ang dalawang yun. Parang hindi mo iisiping isang arrange marriage ang nangyari sa kanila.” Wika ni Juno. “Kilala mo ba kung anong klaseng babae ang napangasawa ni Drake?” Tanong nang dalaga kay Juno. “Hindi ko pa siya masyadong kilala wala ding ikinukwento si Drake tungkol sa kanya. Mukha wala din siyang balak mag kwento. Akala ko nga hindi niya gusto si Samantha. Pero sa nakikita ko naman, Mukhang Maganda ang pagsasama nang dalawa.” Wika ni Juno. “Ang bilis niyang magbago.” Wika ni Nancy. “Sinong nagbago? Si Drake ba?” tanong ni Juno. “Huwag mo siyang sisisihin kung nagbago siya. Hindi siya pwedeng manatiling nakatali sa nakaraan niyo. Sino ba sa inyong dalawa ang unang bumitaw? Hindi ba ikaw?” wika ni Juno. “Anong sabi mo?” gulat na wika nang dalaga. “Aminin mo sa sarili mo ikaw ang unang bumitaw kay Drake. Hindi mo siya sinamahan sa panahon na kailangan niya nang taong masasandalan. Ngayon may ibang tao na sa buhay niya. Nag-aalala ka ba? Bakit gusto mo bang bumalik sa kanya?” tanong ni Juno. “Ano?” Hindi makapaniwalang wika ni Nancy na napaawang ang labi. “Huwag ka ring magtaka kung mahuhulog sa iba si Drake. Dahil kung ako ang tatanungin hindi mahirap mahalin si Samantha. Manhid si Drake kung hindi siya maiinlove sa asawa niyang iyon.” Wika ni Juno saka napailing at naglakad papalayo sa dalaga. Napatingin lang si Nancy sa binata saka napakuyom nang kamao. Habang napakagat nang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD