"Crys.” Wika nang isang Binatang nakasuot nang jersey nang Faculty of Law at lumapit sa kanila. Kasalukuyan silang nakatayo sa entrance nang Gym. Kumakaway ito sa kanila habang papalapit.
“Buti at nakarating ka. Pasensya kana hindi kita nasalubong.” Wika nito at makalapit sa kanila. Bahagya itong napatingin kay Samantha.
“May kasama ka?” Tanong nang nito.
“Ah, Si Samantha. Kaklase ko. Nagkita lang kami dito.” Wika nito sa kasintahan. “Samantha. Si Eric, boyfriend ko. Siya ang Number one player sa college nila at miyembro din siya nang University Varsity team.” Wika nito na may halong pagmamalaki sa boses.
“Ikaw naman masyado mong pinababango ang pangalan ko. Hindi naman ako ang number one player.” Wika nito saka napangiti at napakamot sa ulo. “Nice to meet you.” Wika nito saka inilahad ang kamay sa dalaga.
“Nice to meet you.” Anang dalaga at tinanggap ang pakikipagkamay nito. Sandali lang siyang nakipagkamay dito saka binitiwan ang kamay nang binata.
“May kakilala ka dito?” tanong nito sa dalaga.
“Dito nag-aaral ang asawa niya. Naalala mo yung kinuwento ko dati?” Wika ni Crystal.
“Ah.” Wika nito and snaps his finger saka bumaling sa dalaga. “Siya yung, kaklase mo na nagpakasal sa isang lalaki dahil sa connection nang lolo niya.” Wika nito. Bigla namang na awkward si Samantha dahil sa sinabi nang binata. Mukhang ang alam nang lahat kaya siya nagpakasal dahil sa koneksyon ganoon din ang sinabi nang mga dalaga kanina.
“May nasabi yata akong hindi Maganda.” Wika nang binata nang mapansin ang tila pagkaawkward nang dalaga.
“Samantha.” Wika ni Crystal saka tumingin sa dalaga.
“No it’s okay. Totoo naman ang sinabi mo.” Wika nang dalaga. “I wish you luck sa laro niyo.” Wika nang dalaga at pilit na ngumiti.
“Tayo na sa loob. Naghanda ako nang mauupuan mo.” Wika nang lalaki sa kasintahan niya.
“Sumama kana sa amin.” Wika ni Crystal kay Samantha.
“It’s okay. May---”
“Sam!” isang pamilyar na boses ang narinig ni Samantha. Nang mapalingon siya Nakita niya si Drake at Juno na naglalakad papalapit sa kanila. Maging si Crystal at Eric ay napatingin din sa kanila. Nakita niya si Juno na nakasuot nang Jersey nang faculty nila. Habang si Drake naman ay nakasuot nang jogging pants at Jacket nang faculty nila.
“Akala ko hindi ka maglalaro ngayon.” Wika ni Eric kay Drake nang makalapit ang dalawang binata sa kanila.
“Hindi ko sinabing maglalaro ako.” Seryosong wika nang binata saka tumingin kay Samantha. “Ikaw, saan ka nagpunta? Bakit bigla kang Nawala. I thought naisip mo nang umuwi nalang.” Wika nito saka bumaling kay Samantha. Napatingin naman sina Cystal at Eric sa binata saka tumingin kay Samantha.
“Tama.” Napalatak na wika ni Eric. “Napanood ko sa TV, ikaw ang bagong grandson inlaw nang mga Montefuego.” Wika nito saka itinuro ang binata.
“Siya yun?” wika ni Crystal saka tumingin kay Samantha.
“Anong pakiramdam na maging miyembro nang isang pamilya nang Business tycoon?” Sakristong tanong ni Eric sa binata.
“Bakit hindi mo subukan. May ilan pa silang mga dalagang apo.” Inis na wika ni Drake. “Sa loob na ako maghihintay.” Wika ni Drake saka nilampasan sila nang hindi manlang tinitingnan ang dalaga.
“Masyado naman siyang suplado. Alam mo bang sikat na sikat siya sa University na ito para siyang Celebrity na may sariling fan club kaya ang taas nang tingin sa sarili.” Wika ni Eric. Simpleng ngumiti lang si Samantha.
“Tayo na sa loob.” Wika ni Eric sa kasintahan saka hinawakan ang kamay nito.
“Samantha sumama kana sa amin.” Wika ni Crystal saka tumingin sa dalaga.
“It’s okay. Ako nang bahala kay Samantha.” Wika ni Juno.
“See you sa court. Galingan mo. Dahil mananalo ang faculty ko ngayon.” Wika ni Eric kay Juno.
“Huwag mong masyadong seryosohin ang laro. Isang friendly exhibition match lang naman ito.” natatawang wika ni Juno. Ngumiti lang si Eric saka inakay ang kasintahan patungo sa kinaroroonan nang bench nang faculty nang law.
“Tayo na.” wika ni Juno kay Samantha saka nagpatiunang maglakad patungo sa bench nang faculty nila. Nang makarating sila doon napansin ni Samantha si Drake bahagya itong tumingin sa kanya ngunit agad ding inilayo ang tingin sa kanya. napansin naman ni Juno ang tingin na iyon ni Drake.
“Ikaw nang bahalang magpasensya sa kanya. Mukhang hindi Maganda ang mood niya.” Wika ni Juno. Simple namang ngumiti si Selene. Mukhang siya ang dahilan nang masamang mood na iyon nang binata.
“Pina reserve kita nang upuan.” Wika nito at itinuro ang upuan sa likod nang bench nang mga players nang basketball team.
“Salamat pero hindi naman-----”
“Dapat nasa malapit ka para ma inspires akong maglaro.” wika nito at ngumiti sa kanya. Napangiti naman si Samantha dahil sa sinabi nang binata.
“Mas Maganda kang tingnan kapag nakangiti ka. You should smile more often. Huwag mong masyadong isipin yang bugnuting mong asawa.” Wika pa ni Juno. Tumango naman si Samantha sa binata. Habang naglalakad siya patungo sa upuan niya napatingin siya sa Binatang seryoso.
Ang damot mo naman. Kahit pilit na ngiti. Wika nang dalaga saka naupo. Saktong naupo siya nang biglang tumayo si Drake sa kinauupuan nito. Nabigla ang lahat nang tanggalin nang binata ang sweatpants niya at ang jacket na suot niya. Lahat napahiyaw nang makita ang Binatang nakasuot nang Jersey. Dumagundong sa loob nang gym ang malakas na hiyawan nang mga dalaga lalo na ang bahagi kung saan nandoon ang mga d miyembro nang fan club nang binata. Maging ang side nang Faculty of Law ay napatingin sa bench nang kalaban nila nang marinig ang malakas na hiyawan.
Lalo namang lumakas ang hiyawan nang pumasok si Nancy sa gym na may dalang banner nang nang faculty nila. Ito ang muse nang Faculty nang Business administration. Naririnig ni Samantha na pinupuri nang mga katabi niya at nasa likod niya ang dalawa.
“Maglalaro ka?” tanong ni Juno saka lumapit sa kaibigan.
“Naiinis ako. Kailangan kong ilabas ang inis ko ngayon.” Wika nang binata.
“Hindi naman siguro magiging madugo ang laro ngayon?” Natatawang wika nang coach nila nalumapit sa kanila. “Mukhang mas mabuting sa Karate event ka dapat sumali.” Wika pa nito sa binata.