Chapter - 19

1712 Words
"Sila ba?” Excited na wika nang isang Dalaga. Agad namang napatingin si Samantha sa pinanggagalingan nang Boses. Nakita niya ang isang grupo nang mga dalaga na nakatingin sa kinaroroonan nila at mukhang ang tinitingnan nang mga ito ay sina Nancy at Drake. “Sila nga. Ang ganda at gwapo pala nila sa personal.” Tila kinikilig na wika nang isang dalaga habang nakatingin sa dalawa. Sang-ayon naman si Samantha sa sinabi nang mga ito. Si Nancy at Drake ang itinuturing na King and queen nang University. Sila ang Face of the University. Sila din ang mukha na nasa webpage nang social media account nang university. “Lumapit tayo mag papicture tayo sa kanila. Minsan lang tayo makapunta dito sa sa University nila.” Wika nang isa pang dalaga. “Dito na ba kayo magpapaenrol next year?” tanong nang kasamaa nito. “Syempre. Dalawang taon pa bago sila mag graduate. Kapag dito tayo nag pa enroll makakasama natin sa iisang university ang king and queen of campus.” Excited na wika nang isa pang dalaga. “Pero hindi ba naghiwalay na sila. At napanood niyo ba sa balita ang tungkol sa kasal ni Drake? Ang pagkakaalala ko, ikinasal siya sa isang apo nang mayamang businessman.” Wika pa nang isa. “Napanood ko din ang balitang yun. Pero kung tutuusin. Mas Maganda si Nancy kesa sa babaeng yun. Kung hindi lang siya mayaman at anak nang isangTycoon baka hindi niya napangasawa ang isang tulad ni Drake.” Anong sabi mo? Wika ni Samantha saka napaawang ang labi. “Baka naman inipit nang pamilya niya si Drake. Alam naman natin ang nangyari sa pamilya ni Drake.” Wika pa nang isang dalaga. “Kawawa naman siya tiyak na napilitan lang siyang magpakasal. Ano kayang nararamdaman ni Nancy tungkol sa kasal nang kasintahan niya? Tiyak na nalungkot siya.” Wika pa nito. Yeah right, miyembro din ang Fanclub ang mga ito. Tiyak kapag pumasok sila dito magiging isang malaking kulto nang Drake Nancy fan club ang University na ito. napapailing na wika ni Samantha saka tumayo. “Drake! Nancy!” excited na wika nang mga dalaga at kumaway sa dalawa. Nang marinig nang dalawa ang tawag nang mga dalaga sa kanila. Napatingin ang mga ito sa kinaroroonan nila saka ngumiti. Sabay namang nagtilian ang mga dalaga nang makitang ngumiti sa kanila ang dalawang sikat sa University. Sabay-sabay na lumapit sa dalawa ang mga dalaga. Nang makita ni Samantha na papalapit ang mga ito agad siyang lumayo. Tila hindi siya napansin nang mga ito at agad na lumapit sa dalawa. Pinalibutan nila ang dalawa. “Tapos na ba kayo sa photoshoot niyo? Hindi ba kami nakakaistorbo?” tanong nang isang dalaga. “OO tapos na.” nakangiting wika ni Nancy. “Mabuti naman. Mga high school student kami. Plano naming dito pumasok sa university niyo next year.” Wika nang isang dalaga. “Magandang marining yan. Enjoy your stay here. Maraming mga activities at event ngayon. At mamayang gabi may grandball na open sa lahat pari mga aspiring applicant to college next year. Sana makapunta kayo.” Wika ni Nancy na nakangiti pa rin sa mga dalaga. “Salamat sa imbitasyon. For sure darating kami. Ah, ng apala pwede ba kaming magpapicture sa inyo. Minsan lang ang pagkakataong ito hindi namin palalampasin na hindi makapagpapicture sa sikat na couple nang University.” Wika nang isa pa. “Narinig kung may Fanclub kayo dito sa Univeristy niyo. Balak din naming sumali.” Wika pa nang isa. “Fan club?” Tanong ni Drake. Hindi naman sila artista para magkaroon nang ganoon. Alam niyang sikat sila ni Nancy sa University. “Drake okay lang bang magpapicture kami saiyo?” tanong nang isang dalaga saka tumingin sa binata. Ngumiti naman ang binata saka tumango. “Salamat.” Wika nito saka bumaling sa photographer pero dahil busy ito hindi nila ito nagawang hingan nang pabor. Napansin nang dalaga si Samantha na nakatingin sa kanila. “Miss.” Wika nito at tumingin kay Samantha. Natigilan naman si Samantha saka napatingin sa paligid. Wala namang ibang tao sa lugar na iyon kundi siya. Muling napatingin ang dalaga sa babaeng tumatawa sa kanya saka itinuro ang sarili niya. “Yes. Ikaw. Wala namang ibang tao dito. Halika.” Wika nito sa dalaga. Nakita ni Drake nang tinawag nang dalaga si Samantha. Nag-alangan pa ang dalaga na lumapit sa kanila. Bahagya lang itong tumingin sa kanya bago lumapit sa dalagang tumawag dito. “Okay lang bang kunan mo kami nang picture?” Tanong nito sa dalaga. “Ako ba?” Wika nang dalaga na hindi makapaniwala saka simpleng tumingin kay Drake at Nancy. Gaya nang dati wala pa ding ekspresyon ang mukha nang binata sa kanya. parang hindi siya nito kilala. Kanina pinakabog nito ang dibdib niya nang tila mabait ito sa kanya. Pero ngayon heto at nakatingin parang hindi siya nag-eexist sa mga mat anito. “Pwede ba? Pasensya na ha. Wala kasing pwedeng kumuha nang picture.” Wika nang dalaga. “Please.” “Sure.” Wika nang dalaga at ngumiti. “Salamat.” Wika nito at ibinigay sa kanya ang cellphone nito. Akala niya isang cellphone lang ang ibibigay sa kanya bigla siyang nagulat nang lumapit sa kanya ang iba pang dalaga at ibinigay sa kanya ang cellphone nila. Nakatingin lang si Samantha sa binata habang kinukunan niya nang picture ang mga ito. Masaya ang mga dalaga at natupad ang gusto nil ana makakuha nang picture nang sikat na couple. Napapaisip ang dalaga, ang swerte nang mga ito dahil sa nagawa nilang makasama sa picture ang binata. Hindi niya alam kung magkakaroon siya nangpagkakataon na makakuha din nang picture nang kasama ang binata. “Maraming salamat.” Wika nang dalaga nang ibalik nang dalaga ang cellphone nila sa kanila. Akala niya pagtapos niyang kumuha nang picture nang mga ito lalayo na ang mga dalaga sa binata at kay Nancy Pero hindi pa rin pala. “Sam!” boses nang isang babae. Nang marinig nang dalaga ang tawag na iyon agad siyang napalingon. “Ikaw nga!” masayang wika nito saka naglakad papalapit sa dalaga. “Anong ginagawa mo dito? May kakilala ka sa university na ‘to?” tanong nang dalaga. “Ah. Kasi---” wika nang dalaga saka nilingon ang kinaroroonan nina Drake pero Nakita niyang pinalilibutan nang mga dalaga ang binata at si Nancy. “Ah. Alam ko na. Dito nag-aaral ang asawa mo diba? Alam mo ba, nahihiya akong pumunta dito wala kasi akong kilala Mabuti nalang Nakita kita.” Wika nito. “Wala ka bang kasama?” tanong ni Samantha sa dalaga. “Yung boyfriend ko. Nasa faculty of Law siya. Sabi niya sa Gym kami magkikita. Kasali kasi siya sa basketball team nang faculty nila at makakalaban nila ang faculty nang business administration ngayon.” Wika nang dalaga. “Ikaw bakit ka nag-iisa? Nasaan ang asawa mo?” tanong nito. “Busy siya.” Wika nang dalaga. Mukhang makakalaban nang boyfriend niya ang college ni Drake. Wika nang isip nang dalaga. Hindi niya alam kung maglalaro si Drake. Ang dalagang nasa harap niya ngayon ay isang University student mula sa university niya. Hindi niya masasabing kaibigan niya ito. Pero magkaklase sila. Wala siyang masyadong kaibigan sa University nila. Close sila nang dalaga dahil pareho sila nang college at classmates din sila. “Ganoon ba. So, Mag-isa ka din? Gusto mo tayo nalang magkasama? Mag tour tayo sa Campus. May oras pa naman tayo bago ang basketball event.” Wika nito. Tumingin ang dalaga sa kinaroroonan nina Drake at Nancy. Mukhang hindi pa makakaalis ang binata at busy sa mga fans nila. “Sige. Gusto ko ring mag tour sa campus nila.” Wika nang dalaga. “Alam mo balak kong mag transfer dito next semester.” Wika nito saka nagsimulang maglakad. “Bakit naman?” Tanong nang dalaga. “Gusto nang boyfriend ko nag magkasama kami. Balak niyang magpakasal kami after graduation. Ang sweet diba.” Wika nito. Napangiti lang si Samantha. Masaya siyang marinig ang tungkol doon. At ang swerte nang dalagang ito iyon ang nasa isip niya. “Ikaw? Dito nag-aaral ang asawa mo diba? Balak mo rin bang lumipat nang school?” Tanong nito sa kanya. “Hindi pwede.” Wika nang dalaga. “Hindi pwede? Bakit naman?” “Mas gusto ko sa University natin. Isa pa kahit naman mag-asawa kami. May sarili pa din naman kaming desisyon hindi ba?” Anang dalaga. “Alam mo bang akala ko ikaw sa atin ang huling mag-aasawa. Kahit naman kilala ang pamilya mo. Masyado kang tahimik. Minsan nga nahihiya akong lumapit saiyo. Nagkalakas lang ako nang loob dahil ayokong mag-isa dito.” Wika nang dalaga sa kanya. “Intimidating bang akong makasama?” tanong nang dalaga. “Sa totoo lang para kasing ang lalim nang pagkatao mo. Saka, tuwing nakikita namin na sinusundo ka nang gwapong Binatang iyon iniisip namin masayadong mataas ang level mo at hindi kami bagay saiyo.” Wika nang dalaga. Tiyak na ang tinutukoy nang dalagang ito ay si Lee. Ito naman ang sumusundo sa kanya. “Gaya nang iba. Isa din akong ordinaryong college student.” Wika nang dalaga. Kasama si Crystal, nilibot nil ani Samantha ang Campus. Nakapasok din sila sa iba’t ibang clubs nang University. Masayadong busy ang mga tao doon. Ang event na iyon ay para ding Open house para sa mga high school student na balak pumasok nang college. Maraming pakulo ang bawat faculty para hikayatin ang mga ito na doon mag enrol sa kanila. Binigyan din sila nang mga flyers sakaling gusto nilang mag-enrol sa university nila. Matapos nila mag libot sa Campus, nagpasama sila sa isang student nang university sa gym nila. Kapwa sila napahanga si Crystal nang makita ang laki nang gym nang Univeristy bukod doon punog-puno ang loob nang Gym. May kanya-kanyang banner ang mga sumusuporta sa faculty na maglalaban. May Nakita din silang mga cheering squad nang bawat faulty at may mascot din. “Ang saya naman nang event nila. Isang exhibition game lang ito pero para kang nanood nang nang isang National Collegiate Competion.” Wika ni Crystal at tumingin sa dalaga. Sang-ayon naman si Samantha sa sinabi nang dalaga. Para siyang bumabalik sa Noong high school siya. Ang unang araw na nakita niya si Drake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD