***
Napakatahimik ng computer lab sa club room. Well, maliban sa patuloy na pagpindot ni Nick sa harap ng laptop monitor nito. Akala mo ay busy sa paggawa ng project o pagpasok ng codes, eh naglalaro lang naman ito ng ML.
Hindi na nakakapanibago para kay Mia na sila lang ang naroon after lunch. Iyon kasi ang vacant time nilang dalawa, kaya wala siyang choice sa kasama.
Pero, actually pabor naman sa kaniya. Dahil nga matalino si Nick kaya natutulungan siya nito sa mga lessons nila. Hindi naman sa user siya, pero parang ganoon na nga. Isa pa ay napakahusay nitong hacker. Kilala nga ito sa iba't ibang university dahil sa mga intercompetition na nasalihan nito. Kaya marami talagang nakakapansin sa talento nito.
Gusto niya rin ito bilang kaibigan dahil nagsasalita lang ito sa tuwing kinakailangan. Kaso, minsan ay parang may pagkaloko-loko na itong sumagot. Marahil ay nahawa na lang din ito kay Angel na madalas naman nitong kaaway lalo na kapag magkasama ang mga ito. Noong nakaraan nga, nang dalawin nila ang kaibigan bilang pagsuporta sa pagkawala ng appendix nito, para na namang aso't pusa ang dalawa.
Mabuti nga at magaling na si Angel at baka bukas o next week ay makapasok na.
Ibinalik niya ang pansin sa monitor na nasa kaniyang harapan. Gusto niya lang alamin kung bagong request at base sa notification, mukhang marami-rami na naman ang sunod-sunod na nag-request.
"Okay, cool," bulong niya sa sarili at sinubukang buksan ang isa sa mga iyon. "Oh, request for revenge sa nakipag-break na ex, na ipinagpalit siya sa bestfriend niya?"
"Huwag mong intindihin iyan, that's not true. Inalis ko na iyan sa notif, ah?" wika ni Nick kaya napalingon siya sa lalaki. "Tinanggal ko na rin siya as member."
"Kilala mo ito?"
"That's my stepsister. You knew her, right?"
"Kaya pala feeling ko, pinadalhan ako ng sulat ng Mean Girls. That bratinella?" Napangiwi siya. "So, what's her deal? And who invited her in the first place?"
"I don't know. Baka gumawa siya ng paraan para makapag-revenge. Which will not happen."
"So, what's the deal? What's the real story behind this?" paglilinaw ni Mia sa tanong niya habang nakatitig kay Nick at naghihintay sa sagot nito.
"Its the other way around," simpleng tugon ng lalaki habang patuloy pa rin ang daliri sa keyboard.
"So, ang ibig mong sabihin, ang stepsis mo ang umagaw sa boyfriend ng bestfriend niya? Did it happen or not?" usisa niya saka agad nakabuo ng espekulasyon. "Maybe not! Kaya gusto niyang mag-revenge, right?" bulalas ni Mia.
"Siguro."
Napaigtad siya at muntikang mapatalon sa kinauupuan nang tumunog nang malakas ang notification ng computer na nasa tapat niya. "Aahhh!" bulyaw niyang agad napatingin sa mensaheng bumungad sa monitor.
Pero, hindi pa niya natatapos na basahin 'yon, muli na namang may tumunog na notification mula sa katabi niyang computer. Napalingon siya dahil ganoon din ang maririnig sa kabilang hilera ng mga monitors. Pareho na silang napalingon ni Nick at sabay na napahawak sa tainga, nang magsunod-sunod ang notification sound mula sa lahat ng computer na naroon.
"Ano bang nangyayari? Sinong nagpalakas nito?" wika niyang iritableng hinawakan ang mouse para hanapin sa settings ang volume para mapahinaan. Konektado sa isa't isa ang mga computer at laptops kaya madali lamang para sa kaniya na gawin iyon.
Mukhang sa ibang bagay naman nagpapakaabala si Nick. Muli na namang naging aktibo ang mga daliri nito sa ibabaw ng keyboard.
Nang mapahinaan na niya, kaagad na siyang bumaling sa mensaheng natanggap. "Bakit maraming nagme-message sa official U-tube Account ng Geeks Club? Anong mayroon?" usisa niya habang nag-i-scroll.
Madalas kasing sa website ng Killer Society lang sila may natatanggap na mensahe, o hindi naman kaya ay sa Utube account na 'Anonymous Tinkers'. Nakakapagtaka ring lahat ng monitor ay nakabukas at nasa Geeks Club account nila sa U-tube.
"Paano nangyari ito?" tanong niya kay Nick na mas lalo pang naging abala na sa harap ng monitor at mukhang may tinititigang maigi roon.
"Ano bang sinasabi nila?" tanong ng lalaki sa sarili.
Nagbasa siya ng isa sa mensahe.
[From Rey22: Wow! This short film is so amazing! Saan n'yo nakuha ito? It looks so real and disgusting!]
"Short film? Anong short film?" Nangunot ang noo ni Mia.
"Hindi ko nga alam, eh, hinahanap ko rin kanina pa," sagot ni Nick na patuloy lang ang paglipat ng mata sa iba't ibang pages sa monitor.
Nagpatuloy naman si Mia sa pagbabasa mga natanggap nilang comments.
[From lostparadise101: Why did the film looks so real? How come those girls are enjoying eating those bloody fingers?]
"What the hell? Anong video ang sinasabi nila?" bulalas niyang kaagad naghanap sa U-tube account ng video na tinutukoy ng mga ito.
"Wala namang bagong video?" wika ni Nick nang makasiguro.
"Hindi ko rin mahanap?" sagot niyang nagpabalik-balik sa sa page ng U-tube account nila at sa website ng Geeks Club pero wala naman siyang makitang bagong video.
Nagbasa pa siya ng ibang mensahe.
[From fallin angel: Ang KJ niyo! Bakit nyo binura?!]
Agad niya 'yong tinugunan.
[Anong binura? Hindi nga namin makita ang video na sinasabi n'yo? Wala naman kaming ina-upload, what are you guys talking about!]
[From freak101: Nahanap ko na, nasa website niyo na pala siya ipinost, heres the link;
http://HORIZONUNIVERSITY.GeeksClubOfficial./hmmdlcious]
"What?" Nanlaki ang mata niya sa nabasa.
Kaagad niyang binuksan ang link at tumambad doon ang apat na babaeng nasa isang silid. Mukhang ini-interview ang mga ito ng kung sinong 'di naman nakikita sa camera. Patango-tango lang ang mga mga babae habang ang mga mata ay nakatingin sa isang mangkok, ang bagay na mistulang tanging inaabangan ng mga ito.
Mayamaya pa, nag-fast forward na ang video at tila may nag-iba na sa eksena. Nag-iba rin ang lugar, pero isa sa apat na babae ang ngayon ay mag-isa nang nakaupo sa sofa, habang nasa harap naman nito ay nakahain ang isang mangkok na 'di niya masiguro kung ano.
Noong una, inakala niyang mga paa 'yon ng manok na pinatakan ng kulay pulang pintura. Ngunit nang mag-zoom in ang camera, halos masuka-suka siya sa natuklasan.
Hindi iyon mga paa ng manok, kung 'di mga daliri. Mga putol na daliri ng tao.
Patango-tango pa rin ang babae pero ang paningin nito'y nakatutok lamang sa mangkok, na animo'y kanina pa nito kinapapanabikan.
Dagling dumapo sa bibig ni Mia ang kaniyang kamay nang sunggaban ng babae ang mangkok.
Kung sino man ang may kagagawan ng bagay na ito, may sira marahil ito sa ulo.
Nang hindi na makatiis dahil halos masuka-suka na siya, napatakbo na siya palabas para magtungo sa CR na naroon lamang sa corridor. Pero bago siya lumabas ay naaninagan pa niya ang mukha ng namumutlang si Nick na dilat na dilat ang mga mata habang nakatutok sa computer monitor.
Nang makarating si Mia sa cubicle, ilang minuto rin siyang nagsuka sa bowl. Gustong ilabas ng kaniyang sistema ang lahat ng nakain niya nitong tanghalian. Parang wala siya sa sarili nang matapos siya. Paglapit niya sa lavatory, kaagad siyang nagmumog saka napahilamos sa mukha.
Doon pa lang nalinawan ang utak niya.
Alam niyang hindi sila ang nag-upload ng video sa kanilang U-tube account. At imposible ring sila ang nag-upload n'on sa website na gamit pa ang official account ng GEEKS CLUB.
Wala siyang ideya kung sino, pero isa lang ang nasisiguro niya, hindi short film ang fifteen minutes na video.
Authentic at tunay na nangyari ang nilalaman niyon. Alam niya 'yon dahil natuto siyang tumingin ng mga ganoong bagay mula sa dad niyang isang special effects expert, sa movie production company na pinagtatrabahuhan nito.
Kaagad niyang tinawagan si Francis pero hindi naman ito sumasagot. Mukhang nasa klase pa ito. Nagpadala na lang siya ng mensahe sa lalaki, at sa iba pang member ng club para ipaalam ang tungkol sa kahindik-hindik na video na mukhang magiging malaking problema.
Sa ngayon, babalik muna siya sa bowl, para muli ay magsuka.