***
“Okay, 30 degrees on your left,” bulong ni Mia sa mic piece na connected sa lahat ng core members, at kay Sam na kasalukuyang naroon na rin sa bar.
Madali lang niyang napakiusapan ang bente otso anyos na pinsan dahil may lalaking involved. Alam din nito ang hidden activities nila at isa ito sa mga sumusuporta sa grupo nila.
Maingay ang buong lugar dahil sa dumadagundong na pop music. Maraming nagsasayaw sa gitna ng dancefloor na naiilawan ng disco laser light na nakakalat sa paligid. Kapansin-pansin din ang pagtalbog ng liwanag nito sa tuwing tumatama sa napakalaking disco ball sa gitna ng lugar.
Nakabibingi ang paminsan-minsang paghihiyawan ng mga kabataang tila 'high' sa music. Lahat ng naroon, nag-eenjoy, samantalang sila, hiwa-hiwalay man, nakamatyag naman sa bawat kilos ng target.
“He’s diffinitely hot, sayang naman na walang mangyayari sa amin?” pahayag ng bakla sa two-way earpiece nito.
“Come on! This will be recorded. Hindi namin maatim na mag-edit habang napapanood na bino-blow—” wika ni Francis na kaagad pinutol ng makulit na bading.
“Ako na lang mag-eedit. Gagalingan ko! Promise! Marunong ako niyan!” pagpipilit ni Sam.
“Mia, kausapin mo nga ‘yang pinsan mo, baka, di ko yan matantya!”
Narinig nila ang hindi mapigilang pagtawa ni Rachel na naroon sa mobile van malapit sa entrance kasama si Nick.
Maging siya ay napatawa. “You can do what you want, I will give you my full support,” pahayag niya habang sumasabay sa pagsaway sa mga millenials na nasa kabilang side ng dancefloor.
“Mia?!” reklamo ni Francis na napansin niyang naroon sa second floor at nakatingin sa kaniya gamit ang nangagalaiting mata.
“Okay, quiet na. Lalapitan ko na siya,” pahayag ni Sam na naglakad na nga sa gitna ng mga nagsasayaw.
“Hey,” tawag-pansin ng magandang gay sa target nila.
His name is Justine Fajardo. Anak ito ng mayamang businessman, pero wala naman itong trabaho at walang ibang ginawa kundi magyabang sa yaman ng dad nito. Hindi sila natatakot sa mga ganitong high profile na tao.
Automatic na ngumiti ang lalaki na halatang kaagad nahumaling sa taglay na ganda ni Sam. Hindi lang nito alam na hindi talaga babae ang kausap.
“Hi!” bati rin ni Justine at alam na kaagad nila na magtatagumpay sila sa gabing ‘yon.
Kaunting pakikipag-flirt at bolahan lang, mabilis na nagkaayaan sa pinakamalapit na hotel ang dalawa. Tatanggi pa sana ang lalaki sa hotel na sinuggest ni Sam, pero kaagad itong nakumbinsi ng baklita dahil nagmamadali na raw itong matikman ang lalaki.
Literal.
Nang papalabas na sila sa bar, nagmadali na rin sila patungo sa mobile van na naka-park sa 'di kalayuan. Kaagad silang nagtungo sa hotel kung saan kanina pa may naka-set up na camera sa lugar. Kaya nga ngayon, nakukuhanan na nila ang buong eksena in HD. At live nila 'yong napapanood sa screen ng van na mukhang sasakyan ng celebrity.
Ang kulay puting mobile van ay hindi rin basta-basta, dahil fully equipped ‘yon ng mga computers at devices na hindi pahuhuli sa makabagong teknolohiya. Iyon din ang mobile van na lagi nilang ginagamit kapag nagre-revenge prank sila.
Mula sa footage, napapanood na nila eksena sa hotel room kung saan nagsisimula ng magkainitan ang dalawa at ngayon, nagmamadali na ring alisin ang suot ng isa't isa.
Tumambad sa kanila ang mala-Adonis na katawan ni Justine na akala mo ay perpektong nililok. . Napalingon si Mia kay Rachel na halos maglaway na sa kinauupuan nito. Dilat na dilat nga ito, pero hindi na siya tatanggi na maging siya ay gano’n din. May pagka-hot naman din kasi talaga ang katawan ng Justine na ‘yon. Baka dahil wala itong trabaho, kaya nagpapakaabala na lang ito sa gym.
Nang mapansin sila ni Francis, sinamaan nito ng tingin ang girlfriend.
"Ano ba? Lumabas nga kayong dalawa! This is not the right time para pagnasaan n'yo ang lalaking 'yan," bulyaw nitong pinatay ang screen.
"Hey!" bulalas ni Mia na hinampas ang kamay ng lalaki. "Bakit kasali ako? 'Yong girlfriend mo lang dapat ang pagbawalan mo!" Pilit niyang iniaabot ang switch ng screen na hinaharangan naman ng lalaki.
Hindi niya alam kung may pagka-conservative ba ito o ano. Baka gusto yata, katawan lang nito ang nakikita ng girlfriend.
“Pero, Francis,” bulong ni Nick na inalis ang mic. “Ano bang itsura ng may malaking boobs pero may sandata ‘gaya ng sa atin?”
Pareho sila ni Rachel na napanganga nang mapalingon sa lalaking nagtanong. Saka sila parehong napatawa kahit hindi sila in good terms sa isa’t isa. Kung bakit, it’s a long story.
Medyo weird lang kasing marinig mula sa isang geek na gaya ni Nick ang bagay na ‘yon.
“Bakit? Anong nakakatawa? Curious lang ako?” pagtatanggol nito sa sarili.
At nangyari na nga ang eksenang kanina pa nila inaabangan.
Napaatras at gulat na gulat ang lalaki habang nakatingin sa gitnang bahagi ni Sam, sa dakota nitong marahil ay nakabukol sa manipis nitong underwear. Nakatalikod ito mula sa camera pero aktong lalapit pa sana si Sam para mapagsamantalahan ito. Kaagad lang itong kumaripas nang takbo palabas ng hotel room nang walang ano mang saplot.
May nakaset-up din silang spy camera sa corridor ng room kaya kitang-kita at recorded nila ang mabilis nitong pagtakbo, ‘gaya ng cartoon character sa Road Runner Show.
Kaagad na ring nagbihis si Sam para umalis sa lugar. Nagmadali na rin sila sa pagkolekta at sinigurong walang maiiwanag bakas sa lugar, ‘gaya ng CCTV recordings. Mabuti na lang din at ibang name ang ipinagamit nila sa pag-check in nito sa hotel.
Maingat silang sumakay sa mobile van na parang walang nangyari. Si Francis ang naroon sa likod ng manaibela pero hanggang ngayon, masama pa rin ang tingin ipinupukol nito sa kanila ni Rachel. Kung minsan, sa mga ganitong pagkakataon sila nagkakapareho ng babae. Kung bakit sila humantong sa pagkakasira noon ay hindi niya masiguro.
Abala na si Nick sa pag-eedit ng nakuhanan nilang videos mula sa bar hanggang sa hotel room, kung saan kailanganing i-censor ang ilang eksena, lalong-lalo na ang pagmumukha ni Sam.
"Hey, bigyan mo naman ako ng uncensored copy niyan. Sige na, remembrance lang?" pakiusap ng pinsan ni Mia gamit ang pinakamalambing nitong tinig.
"Alam mong hindi puwede? Hindi mo ba naiisip ang worst possible scenario?" tugon ni Mia na nakaupo sa second row ng van katabi ito. "Baka mawala ang phone mo o kumalat iyan kung saan. Im sure, Justine will do everything para gumanti."
"Nagbabakasakali lang, ito naman. Sige na, kahit 'yong clip lang na nakahubad siya? Gusto ko iyon oh!" Turo nito sa nakikita sa screen. "Ang haba at ang laki ng oohhh..." Napakagat-labi ito. "...Legs niya."
"Parang ang tigas-tigas din ng..." Nagsimula itong humalinghing na parang kinikiliti ang singit. "...Muscles niya."
Napailing na lang si Mia habang si Rachel, humahagalpak ng tawa. Binigyan lang ito ng nakamamatay na tingin ni Francis.