"What's this?" Kasabay ng pagtaas ng tono ay napataas ang kilay ni Rachel. Nakahawak pa ito sa bibig at mukhang mag-uumpisa nang maduwal. Hindi rin maipinta ngayon ang nag-iinarte nitong mukha.
Nasa club room ang lahat ng admin, pero 'di rin inaasahan na may iba pa pala silang kasama. Ang dalawang first year na 'di nila agad napansing naroon pala, at napapanood din ang naturang video.
"Oh my gosh!" bulalas ni Leah habang nakatitig sa monitor. Ganoon din ang katabi nitong si Arriane na halos maistatwa na lamang sa kinatatayuan.
"Ano bang ginagawa n'yo rito? Lumabas na nga kayo!" asik ni Francis.
Natuon naman ang tingin ni Leah sa hawak nitong phone. "Oh, trending ang video na ito sa webpage ng university, oh? Mukhang may nag-copy ng link doon."
Kaagad 'yong inagaw ni Francis, at base sa pangagalaiti ng mata nito, totoo ang sinasabi ni Leah. Ibinalik din 'yon ng lalaki saka bumaling sa kanila, "Anong sinasabi ng mga online members ng website? We uploaded this thing?"
"Website?" tanong ni Leah na 'di na nila inintindi.
"Yes," sagot ni Mia na agad napalingon dahil sa biglaang paghagulgol ni Arianne.
Kaagad siyang lumapit sa babaeng first year. "What's wrong?"
Luhaan na ang pisngi nito habang nanlalaki ang mga matang napaturo sa monitor. "S-si Ate..." bulalas nito saka napahawak sa bibig kasabay ng muling pagdaloy ng luha. "Si Ate...!"
"What do you mean...?" Napalingon na lang siya sa itinuturo nito, walang iba kung 'di ang babaeng nakasuot ng berdeng t-shirt sa video.
Lumapit din si Leah, ang first year na kaibigan nito. "Sinasabi mo bang ate mo 'yan? 'Yong ate mong isang taon nang hindi nagpapakita sa inyo?" bulalas nitong napabukas naman ang bibig.
Tumango-tango si Arianne na mas lalo pang humagulgol sa pag-iyak.
Napatingin naman si Mia kay Francis na kunot-noong napasabunot sa buhok nito.
Naalarma silang lahat at sabay-sabay na napahawak sa tainga nang muli, sunod-sunod na naman ang nakakabinging pagtunog ng notifications ng lahat ng computer na naroon.
"What's happening! Bakit napakalakas ng sound ng mga ito?" sigaw pa ni Francis amidst the noise na agad pumindot sa mouse para ayusin ang mga 'yon. "Nick, ano bang ginagawa mo at nagkakaganito na rito!"
"I think we've been hacked," tugon ng lalaki sa mahinang tinig.
"You think?" bulyaw ni Francis na bigla namang hinampas ang mesang nasa harap nito. "Malamang 'yon ang nangyayari, idiot! Sino bang baliw sa atin ang mag-uupload ng ganyang klaseng video gamit ang official website ng GEEKS CLUB!"
"Francis, stop it! Hindi nakakatulong 'yang pagsigaw mo. Umiiyak na nga si Arianne. Sigaw ka pa nang sigaw," pahayag ni Mia. Stating all the facts. Sinubukan niyang hagurin ang likod ng luhaang first year.
"Sinong sumisigaw! 'Di ba ikaw!? Ms. Know it all!" sagot nitong pinanlakihan pa siya ng mata. Saka ito bumaling sa first year na patuloy pa rin sa paghagulgol. "Arianne, would you please shut up or just leave this room, okay? We don't need your whining here!"
"Oh, please!" Mia rolled her eyes, at wala na siyang magawa kung 'di makiusap sa dalawa. "Leah, p'wede bang samahan mo na lang muna palabas dito si Arianne?"
Tumalima naman si Leah kahit pa kanina pa sinasamaan ng tingin si Francis. Inalalayan nito si Arriane palabas ng club room. Nang makarating naman sa pinto, narinig pa nila ang malakas na pagsigaw ni Leah, "Bastard." Saka nito padabog na isinara ang pinto.
Hindi na 'yon inintindi ni Francis na abala naman sa pagbasa ng mga messages sa website.
Si Mia naman, ang mga comments sa U-tube video ang kaniyang binabasa.
[From Danica Ursula: This video is real, I think I have to report you.]
Maikli lang ang mensahe pero 'yon ang ikinatakot nila.
Actually, ang matagal na nilang ikinatatakot.
Ang ma-report.
"This is wrong. This video is really authentic," bulalas ni Francis na nakapagtatakang kumalma nga, pero tila nawalan naman ng enerhiya. Ganito siguro ang lalaki kapag natatakot at nababahala.
Si Rachel na napahawak sa bibig nito ang tumugon, "You mean, kung ate nga ni Arianne ang isa sa mga babae sa video at nawawala siya, this video is related sa pagkawala niya?"
"This means, maiimbestigahan tayong lahat," sagot ng nobyo nito in a very disturbing tone. "This means, we are all gonna be so dead."
Agad bumaling kay Nick si Mia, "Posible bang may nagawa kang code para maging untraceable ang IP address ng GEEKS CLUB?"
"Hindi ko iyan ginawan noon. Who would have thought na puwedeng i-hack ang website ng Geeks Club?" tugon nitong saglit lang siyang nilingon. "Well, dahil sa video na iyan, sinubukan ko kanina, pero hindi siya gumana. Good thing na 'yong website ng Killer Society ay hindi nadamay rito."
"We are still in trouble because of that stupid video!" bulalas ni Francis sa nangagalaiting tono. "Saan ba kasi galing 'yon?"
Muling nagsalita si Nick sa kabila ng pagiging abala ng daliri nito. "Sinubukan kong i-trace kung sinong nag-upload ng video sa U-tube account natin, pero wala akong makita. Its untraceable. I think hindi basta-bastang hacker ang may kagagawan niyan."
Napatitig siya sa mukha ni Nick, pero ngayon niya lang nakitang mapuno ng pag-aalala ang mga mata nito. He looked desperate at parang walang magawa sa sitwasyon nila.
This is really impossible.
"Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sa mga official account ng club natin ipapasa ang kakaibang video na iyon!" bulalas ni Francis na mariing napapikit sa pagngingitngit. "What's his deal? At anong motive niya to do this?"
"Oo nga," wika ni Rachel, "Bakit hindi sa website ng Killer Society?"
Lahat tuloy sila ay sinamaan ito ng tingin.
"Why?" tanong nitong nagtaka pa, saka ito muling napahawak sa bibig at muli na namang naduwal nang mapasulyap sa monitor. "Oh! Ayaw ko na!" wika ng babae na naglakad na patungo sa pinto para siguro magsuka sa CR.
Bigla naman itong natigilan doon.
Hindi alam ni Mia kung bakit 'di na siya nagulat nang bumungad mula roon ang dean ng university-- si Mr. Galvez kasama ang assistant nito, isa sa mga guard at dalawang unipormadong pulis.
Sinasabi na nga.
Mananagot talaga sila.