Chapter 10: Reported

1170 Words
    *** Sa isang hiwalay na silid sila ng presinto dinala ng mga pulis. Bukod sa mga naglalakihang file cabinets, bookshelves at isang pahabang mesa at upuan, wala ng ibang makikita roon.   Nasa labas lang ang butihing si Mr. Galvez na talagang sinamahan sila.   Nauna ng sinabi ng mga pulis na wala silang dapat ipag-alala. Naimbitahan lang sila para sa ilang katanungan dahil nga sa kumalat na video mula sa U-tube account nila. Inalok pa nga sila ng mga ito ng maiinom na ngayon ay nakahain na sa harapan. Para lang silang nasa meeting habang magkakaharap na nakaupo.   Ang mga pulis na sumundo sa kanila ay taga-Cybercrime Investigation Unit. Marami itong itinanong pero pinipilit nilang hindi mabanggit ang 'Killer Society'.   Magandang bagay talaga na hindi sa anonymous website nai-upload ang hideous video. Dahil kung hindi, paniguradong mananagot silang lahat 'di lang sa mga pulis, bagkus pati na rin sa lahat ng taong 'na-revenge-prank' nila noon.   Oo, tumutulong sila sa mga nangangailangan ng paghihiganti na kapwa nila kabataan. Pero, hindi ibig sabihin nito ay mabuti ang ginagawa nila.   They take action, hindi lang upang maghiganti pero para mang-prank na rin. Namamahiya sila sa online ng mga taong makakapal ang mukha. Kaya marami na rin ang naghangad na mahuli sila. Pero, they made sure na hinding-hindi iyon. At bilang mga IT students, madali lang sa kanilang gumawa ng paraan para hindi ma-traced ang IP address ng Killer Society.   "Sinasabi n'yong, na-hacked ang websites n'yo at wala kayong alam kung saan galing ang video na 'yon?" wika ng may katabaang pulis na nagpakilalang si Police Officer Santiago. Abala ito sa harap ng monitor para i-type ang mga statement nila.   "Yes," sagot ni Francis na nakaupo sa saktong harapan sa desk nito. "May mga nag-comments lang na may ina-upload kami, which is impossible kasi wala naman kaming in-upload recently?" Napatingin muna ito sa kanila bago nagpatuloy, "Pero kanina, ang sabi ng isa sa mga first year, kapatid niya raw ang isa sa mga babae sa video."   "Ano?" bulalas ng isang pulis na nagpakilalang Officer Fabregas. Hindi maikakaila sa nanlaki nitong mga mata ang narinig nang mapatingin sa kasama.   "Kapatid ng isang ka-schoolmate n'yo?" wika ni Santiago na mukhang mas lalong naging interesado. "So, alam ba niya kung nasaan na ngayon ang kapatid niya?"   Si Mia na ang sunod na sumagot, "Hindi po namin alam. Ang sabi nila, noong isang taon pa 'yon hindi nakakauwi sa kanila." Medyo naguluhan naman siya at natigilan. "Wait, wala po kayong idea? So, bakit n'yo po kami inaresto?"   "Sandali, sinabi na namin kanina pa na hindi namin kayo inaaresto. Nandito kayo para sumagot ng mga katanungan namin," wika ni Fabregas. "Kaya sana sumagot na lang kayo, dahil marami pa kaming gagawin, lalo't mukhang may involve pang kidnapping ang case na ito," patuloy nitong napailing.               *** Matapos ang mahabang paliwanagan at pagsagot nila sa lahat ng tanong ng mga pulis, pinauwi rin sila ng mga ito. Laking pasasalamat lang ni Mia na wala roon ang kuya niya dahil night shift pa ang duty nito, dahil kung hindi ay mananagot na talaga siya.   Noong nakaraang linggo lang ay naroon siya sa mismong police station at ngayon, sa pangalawang pagkakataon ay naroon na naman siya. Talaga namang malilintikan na siya.   Pinagbigyan nga lang siya ng kuya niya, kaya hindi ito nagsumbong sa dad nila.   Kasalukuyan na silang nasa kotse ni Francis na minamaneho nito. Panay naman ang pagsasalita ni Rachel patungkol sa nangyari kanina kaya ngayon ay nag-aaway ang mga ito sa harapan. Habang sila ni Nick ay nasa back passenger seat ngunit abala naman ang lalaki sa laptop nito.   Mukhang nagawa pa nitong mai-save doon ang video na kasalukuyan nitong pinapanood.   Nangunot naman ang kaniyang noo. "Anong trip mo? Gusto mo rin bang magpapak ng kinakain nila?" Halos masuka-suka siya habang iniiiwas ang tingin sa mga nakakadiring eksena sa screen.   "Baka kasi may na-miss ako," sagot ng lalaki sa seryosong ekspresyon, ngunit tila pinipilit lamang nito ang sarili dahil halata namang halos maduwal-duwal din ito.   "Anong na-miss mo, patayin mo na nga 'yan!" pagpipilit niyang isinara 'yon pero iniharang lang ng lalaki ang kamay nito at doon pa rin nakatutok ang pansin.   "Ang reason," tugon nito.   "Reason ng alin?" tanong ni Francis na kahit nagmamaneho ay sa kanila na pala nakatutok ang kalahati ng atensyon nito. Maging ang girlfriend nito ay nakalingon na rin sa kanila.   "Reason, kung bakit ang website natin ang ginamit para i-post 'yong video na 'yon. Bakit sila mag-aaksaya ng oras i-hacked ang website ng Geeks Club. Ang video kung saan naroon ang ate ni Arriane at ang mga kaibigan nito," paliwanag nito.   "Dahil nga siguro ate ni Arriane 'yon at isa siya sa member ng club?" patanong niyang tugon.   "Posible, pero, parang hindi pa rin," wika ni Nick na napailing. "Ang nasisiguro ko lang, kung sino man ang nang-hacked ng website natin, malaki ang posibilidad na alam niya kung ano ang katotohanan sa likod ng video na 'yon."   "Wala na tayong kinalaman pa riyan. I can't believe na sa website pa talaga natin i-a-upload 'yong nakakadiring video na 'yon," sabat ni Rachel nang lingunin sila.   "Let's just be thankful na sa website ng Geeks Club na-iupload 'yon at hindi sa 'Killer Society'. Dahil kapag nagtakataon, mananagot talaga tayong lahat. Sa dami ng na-revenge natin noon, hindi ko alam kung ano pa ang posibleng mangyari sa atin," pahayag ni Francis na kapansin-pansin sa mukha ang pag-aalala.   "Ikaw pa talaga Francis ang dapat matakot? Anak ka ng general?" turan ni Mia na napaismid.   "Kaya nga mas nakakatakot. Malalagot ako sa dad ko kapag nakarating sa kanya ito, at hindi imposibleng mangyari 'yon. And if that happens, my life would be over," tugon nito at nakita niya mula sa rearview mirror ang nababahala nitong mga mata.   Muntik na siyang mapahalakhak, pero pinigilan na lamang niya ang sarili, kaya pasimple niyang hinahampas ang bibig.   "You are so pathetic," wika ni Rachel na sumilay ang matamis na ngiti.   Ha? Okay na kaagad sila? May sapak talaga ang mga ito.   "Don't worry, I will protect you, kaunting paglalambing lang kay Tito Santi, he will definitely forgive you," sabi pa nitong sumandig sa braso ng nobyo.   "Hindi ba, ikaw ang dapat mag-alala, Rachel," pahayag niya sa babae kaya ito napalingon. "Ang dad mong congressman, mas matinding magalit 'yon."   "He is not my dad, stop talking about him!" sambit nitong kaagad sumama ang timpla ng mukha.   Napangiti siya dahil sa kaniyang pagtatagumpay. Galit kasi si Rachel sa dad nito dahil sa pag-iwan ng ama sa mom nitong nasa California at abala sa business nito.   Unfortunately for Rachel, sa poder pa rin ng ama ito nakatira.   Well, alam niya 'yon dahil ex-bestfriend niya ito. BFF sila mula elementary hanggang senior highschool, pero nagbago 'yon ngayong college.   Actually, wala siyang idea noon kung bakit bigla na lamang itong nanlamig si sa kanya. Basta, isang araw natuklasan na lamang niya na hindi na pala siya kabilang sa mga itinuturing nitong kaibigan.   Siguro, sadyang nagbabago lang talaga ang mga tao.   At ganoon din sila ni Rachel sa isa't isa.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD