Chapter 11: The Rebel Babies

1168 Words
        ***   Sa isang Filipino Restaurant, sikat na OPM ang maririnig na nangingibabaw. Napakaganda ng atmospera sa paligid dahil na rin siguro sa mala-gubat na tema nito. Kapansin-pansing marami na ring kustomer ang naroon para mag-agahan.   Kasalukuyang kasama ni Timothy ang girlfriend na si Jenina. Magkatabi sila sa mesang gawa sa pinakinis na kahoy, magkahawak ng kamay at nag-uusap habang naghihintay ng kanilang in-order.   Malapit lamang ang lugar sa ospital na pinagtatrabahuhan ng kasintahan, kaya sa kabila ng kakaunti lamang ang kaniyang tulog dahil galing siya ng night shift, hindi niya mahahayaan na mawalan ng oras para dito.   Actually, mas busy nga ito kaysa sa kanya dahil sa kabi-kabila nitong volunteer work. Hindi lang kasi ito basta maganda, matalino rin ito at napakabait. Para itong isang anghel na ibinaba sa lupa. Minsan nga ay naiisip niyang hindi siya deserving ng ganitong klaseng babae.   Ang kaso, nakakadismaya rin kung minsan ang pagiging abala nito.   "Busy ka na naman this weekend? Anniversary natin, 'di ba?" usisa ni Tim na may halong paglalambing ang tinig.   Pinisil ni Jenina ang kamay niya at tiningnan siya gamit ang napakaamo nitong mga mata. "I'm sorry, may bago kasing project ang foundation. Nabangggit ko na sa'yo 'yon, 'di ba? Ang 'Healing of the Heart and Healing of the Soul'. Ito 'yong sinasabi ko sa'yong free psychological consultation kaya kailangan nila ako. Kasama na talaga 'yon sa medical misson namin, at hindi lang ako ang psychologist na nag-volunteer para doon. Marami kami."   Bahagya naman siyang napasimangot. "Psychological consultation? Hindi naman uso sa Pilipinas 'yan, eh? Sino namang matinong tao ang kokunsulta sa inyo?"   Kaagad din naman siyang nagsisi dahil sa naging matalim na expression na ipinukol ng girlfriend ngayon. Mabilis din nitong binawi ang kamay niya.   "Minamaliit mo ba ang trabaho ko? I didn't know na may pagkaclose-minded ka?" wika nitong nagsalubong ang kilay sa kanya. "Hindi mo ba alam kung bakit lalong tumataas ang case ng suicide hindi lang sa Pilipinas, kung 'di sa iba't ibang parte ng mundo?" tanog nito. "Dahil sa depression. So, sinasabi mo ba na kapag may nag-consult sa akin, automatic na hindi na matino ang pag-iisip?"   "Hindi naman sa gano'n." Kaagad na bawi niya. "Nabigla lang ako na hindi tayo makakapag-celebrate ng anniversary natin."   "Of course, we can. I-set natin sa ibang araw, p'wede naman 'yon, 'di ba?" pahayag nito sa mahinahong tinig.   "Oo naman, I'm sorry," paumanhin niyang muling hinawakan ang kamay nito para hagkan.   Importante kasi para sa kanya ang magiging date nila sa weekend dahil nga first anniversary nila 'yon.   Tatlong buwan din niya itong niligawan bago siya sinagot ng babae. Akala niya nga ay wala na talaga siyang pag-asa sa babae dahil makailang-ulit siya nitong itinaboy. Pero, hindi talaga siya sumuko kaya napasagot niya rin ito. Napaka-unforgetable din ng pagkakakilala nila dahil witness ang babae sa isang kaso na hinawakan niya noon at hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba.   Ganoon ka-espesyal ang pagkikita nila kaya nasisiguro niya sa sariling hinding-hindi niya pakakawalan ang babaeng 'to. Ibang-iba kasi ito sa lahat ng naging girlfriend niya noon. Well, maliban sa bestfriend niyang naging ex na niya ngayon. Ibang usapan pa ang tungkol kay Jocelle na kamakailan ay ikinasal.   Pagkatapos nilang kumain, inihatid na niya ito sa ospital. At agad na rin siyang dumiretso sa bahay nila pauwi.   Gusto niyang maabutan ang kapatid para makausap ito patungkol sa gulong kinasangkutan ng club na kinabibilangan nito. Eksakto namang pagdating niya sa bahay ay naroon pa si Mia at kasama ang kanilang mga magulang sa breakfast.   "Good morning, Mom and Dad." Pormal siyang ngumiti sa magulang pero ngiting-aso ang ibinigay niya kay Mia. "Bilisan mong kumain, may pag-uusapan tayo."   "Ano iyon, Tim? Tungkol saan iyon?" usisa ng Mom nilang nakabihis man ng pang-corporate attire, nakasuot naman ng apron.   "Wala, Mom. May gusto lang po akong itanong sa kaniya," sagot niya habang nakangiti pa rin. "O baka naman, Mia, gusto mong dito ko na tanungin?"   Kaagad na ring tumayo ang kapatid niya matapos uminom ng tubig. "Tapos na po akong kumain."   Humakbang na si Timothy paakyat ng ikalawang palapag habang palingon-lingon naman siya sa kapatid na mabuti at nakasunod na rin sa kaniya.           *** Pagkapasok ni Timothy sa kaniyang kuwarto, kasunod na niya ang kapatid na agad ibinukas ang bibig para sa depensa nito.   "I swear, wala kaming kinalaman doon sa video. That's insane kung ganoon." Pataas ang tono ni Mia habang nagsasalita. "At malay ba naman namin sa trip ng nag-upload." Iginagalaw-galaw pa nito ang mga kamay para ipahiwatig ang ipinupunto.   "Are you sure wala kayong kahit na anong ginawa?" Tinitigan niya ito nang mariin.   Sinubukan nitong tumitig sa mga mata niya. "Oo naman."   But he can sense that something is wrong with her breathing. Alam niyang nagsisinungaling ito. Ang kaso, hindi naman niya para isipin na may kinalaman ang grupo nito sa kakaibang video na kumalat sa university.   Pero, ano kayang itinatago ng kapatid?   "You know you can tell me anything. Magkakampi tayo, 'di ba?"   "Wala ka bang tiwala sa akin? And how dare you say that pagkatapos mo akong pagbantaan doon sa station n'yo na isusumbong mo ako kay dad?" balik ni Mia na napaka-kibit balikat.   Medyo natigilan siya sa bagay na iyon. May punto kasi ito. Pero 'di niya alam kung bakit kusang lumabas sa bibig niya ang mga salitang, "Puwedeng-puwede ko pa ring gawin 'yon sa oras na malaman kong may kalokohan kayong ginagawa."   "Pero, wala nga!" bulyaw nito.   "Eh, bakit ka nagsisinungaling?" "Hindi-ako-nagsisinungaling-sa-'yo!" Malakas at may diin na naman ang pagkakabigkas nito.   Bigla namang bumukas ang pinto at bumungad ang dad nila. "Anong ginagawa n'yo? Nag-aaway na naman ba kayo?"   At nasa likod lang nito ang mom nila. "Anong nangyayari?"         *** "Mom, Dad, malapit na akong mag-thirty. Hindi ito tama," pagrereklamo ni Timothy na nakaluhod sa hallway at nakataas ang dalawang kamay. Napalingon pa siya kay Mia na ganoon din ang ginagawa.   Nakatayo naman sa bandang harapan nila ang mga magulang. Ang ama nila ay may hawak na phone at abala sa pagkuha ng magandang anggulo, habang ang mom nila, nakapamaywang at tila bisor na nakabantay.   "Hindi naman po kami nag-aaway, eh," pahayag ng kapatid nang may pagmamakaawa. "May pinag-uusapan lang kami. 'Di ba, Kuya?"   Tumango-tango siya. "Oo. Tama. May pinag-uusapan lang kami."   "At ano naman 'yon?" tanong ng kanilang ina na si Isabel. Tumaas pa ang isang kilay nito.   Wala silang maisagot at parehong napatungo.   "Ikaw kasi," bulong ni Mia sa kaniya.   "Anong ako?" tugon niya gamit ang mahinang tinig.   "Ipadala ko kaya ito kay Jenina at nang magtanda ka?" pagbabanta ng dad nila habang nakatingin sa smartphone nito.   "Dad!?" bulalas ni Timothy na bumaling sa ina. "Mom, kausapin mo nga si Dad?"   Hindi siya inintindi ng ina na nakuha pang sumilip sa phone na hawak ng ama. "Lagyan mo ng filter with flower crowns. Ang cute nila diyan." At nagawa pa nitong ngumiti.   "Anong ika-caption ko?" tanong ng padre de pamilya na lumawak din ang pagkakangiti.   Saglit na huminto ang mom nila na napahawak pa sa baba. "The Rebel Babies?"   "MOM!" Magkasabay nilang pag-atungal.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD