Chapter 6: Revenge-Prank

1069 Words
*** Maririnig sa silid ang paulit-ulit na pagpindot sa keyboard sanhi ng mga daliri ni Nick. Mabilis ang mga iyon at tila nakikipagkumpetensiya sa harap ng laptop. Sanay na sanay na siya sa ginagawa kaya alam niyang kahit sa pagtulog, makakapag-type pa rin siya ng codes nang walang kaproble-problema.   Saglit siyang huminto para ayusin ang bagong biling salamin. Para sa kaniya, bumabagay naman iyon sa black shirt na kaniyang suot Simple lang naman siyang pumorma. Any clean shirt and pants will do. Hindi naman siya gaya ng ibang geeks na walang fashion sa katawan. Pero, ayaw niya ring magsuot ng mga damit na pansinin. Dahil hindi naman niya kailangang magpapansin.   Lihim siyang napangiti nang maalala kung paano mag-alala si Mia sa kaniya. Sinamahan kasi siya nitong bumili ng salamin kahapon. Para ngang nasa date sila. Muli na naman sana siyang mapapangiti, ngunit pinigilan niya ang sarili. Idiniretso lang niya ang tingin sa monitor.   Mag-isa siya ngayon sa computer lab dahil may klase pa ang iba. Pero alam niyang mayamaya rin ay mapupuno na ang club room ng ibang member na madalas ay ginagawa itong tambayan. Bahagya siyang nainis pero hindi 'yon mapapansin sa blankong ekspresyon niya. Wala siyang magagawa. Ganito na talaga siya.   Narinig niyang bumukas ang chime ng babasaging pinto, ngunit 'di na siya nag-abalang lumingon. Base sa lavender at citrus scent na kaniyang naaamoy, si Mia ang dumating. Kabisado niya iyon dahil madalang naman itong magpalit ng pabango. Si Angel lang naman ang weekly kung mag-iba ng scent.   "Naks naman, ang daming views ng ‘The Bullies Malditas’,” paghiyaw nito nang maupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. "Hindi pa rin ba babalik si Professor Zamora?" Bigla nitong tanong nang mapalingon sa kaniya.   Ang naturang batang propesora ang kanilang club adviser. Nagbakasyon ito dahil kamakailan ay ikinasal at kasalukuyang nasa Honeymoon nito sa Uganda. Bakit doon? Volunteer doctor ang napangasawa nito, iyon ang alam niya.   Ibubukas na sana ni Nick ang bibig nang biglang may sumagot kay Mia, "Hindi mo ba nabalitaan? Na-extend ‘yong leave niya," sagot ng isa sa member na si Arriane mukhang kapapasok lang din sa silid.   At kasama rin nito ang first year na si Leah. "Ang sabi nga, may pansamantalang papalit sa kanya, pero wala pa rin naman tayong nabalitaan, ‘di ba?"   “Listen, guys, may next project na tayo,” pahayag ni Francis na biglang pumasok sa pinto. Natigilan naman ito nang makita ang dalawang first years. "You two, out!" Pagturo nito sa glass door.   "May project kayo tapos hindi kami kasali? Ang daya naman!" pagrereklamo ni Arriane kasabay ng pagnguso.   "Hindi n'yo naman alam iyon." Pinilit ngumiti ni Mia nang lapitan ang babae para tapikin sa balikat. "Para lang iyon sa mga fourth years."   "Talaga, Ate Mia?" May pagdududa sa mata ni Leah nang titigan si Francis.   "Oo. Dont worry. Next time, I will make sure, makakasali na kayo," paniniguro ni Mia na akala mo ay nagsasabi talaga ng totoo.   Walang magawa ang dalawang first year kundi ang lumabas ng computer laboratory. Nakasalubong naman ng mga ito si Rachel na katulad nang madalas ay parang manika manamit.   "What happened? Bakit parang tutubuan na naman ng sungay si Leah? Pati ako iniirapan?" asik ng babae nang lumapit sa boyfriend.   "Its my fault. I'm too excited kaya hindi ko sila kaagad napansin," tugon ni Francis na binuksan ang isa sa mga monitor ang tinutukoy nito.   Nagtungo naman si Mia sa glass doors para ibaba ang lahat ng blinds.   Bumungad sa 150 inches monitor ng computer lab na nakasabit sa wall ang message ng isa sa kanilang online member. “I think this will be a hit, ang daming likes and comments ng members natin. Maybe this girl is popular?” usisa nito habang abala ang kamay sa pag-scroll sa mouse.   “Hot Jenny?” wika ni Mia na nagka-idea kung sino ‘yon.   “Kilala mo?” tanong ng club president nang lumingon.   “Hindi mo ba ex ‘yan?” Sumilip ang mapang-asar na ngiti sa labi ni Mia. Napalingon din ito sa kalapit na si Rachel, na ngayon, kulang na lang ay maglabas ng apoy sa mata.   "What are talking about?" usisa ni Rachel nang pandilatan ang kaibigan niya.   “Baka lang, si Jennifer 'yan. ‘Yong girlfriend niya noong highchool,” patuloy ni Mia habang nakahalukipkip. “Nakakatawa lang kung makagawa siya ng magandang revenge plan against himself.”   Gustong-gusto ni Nick kapag ganito ang kaniyang kaibigan. Palaging palaban at mapanghamon, pero lagi ring nasa lugar.   Kaagad na nagwika si Francis, “This is not her, okay? The guy she's describing here is definitely a player, and I am not like that,” pagtatanggol nito sa sarili saka muling bumaling sa main monitor. “Ang sabi rito, mag-iisang taon na sila nitong guy, pero bigla na lang siya nitong hiniwalayan dahil sa babaeng nakilala nito online. Then, last week, nag-message ito para makipagbalikan, but clearly, alam niyang mayroon pa rin itong ibang babaeng idini-date."   “He’s a trash,” wika ni Rachel na napataas ang kilay. "Lets bury him alive."   Kanina pa abala si Mia sa pagtingin ng social media prescense ng lalaki, na agad ring ipinakita sa main screen. “Base sa mga social media posts niya, he’s definitely a jerk. He should be punish.”   Ganoon din si Nick na busy pa rin ang mga daliri sa keyboard. “Using a dummy account, I asked him na magkita kami sa isang bar mamaya, and guess what? Nag-reply siya kaagad.”   “Dummy account?” bulalas ni Mia na nangunot ang noo. “Kaninong picture naman ang ginamit mo?”   “Sa pinsan mo,” simpleng sagot niya.   “Pinsan? Sinong pinsan?” tanong ni Mia na sumilip sa mismong monitor niya.   Nanlaki lang mata ang mata nito nang makita ang tinutukoy niya. “Si Sam!?”   Si Sam o Samantha at night ang isa sa mga second cousin ni Mia, na mahilig sa mga gay pageant. Nakita na niya ang pinsan nito kaya masasabi niyang kahit may itinatago itong p*********i, hindi naman iyon halata dahil mukha na talaga itong babae. Parang human version ni Barvhie.   “Mia, I think, I need to borrow your cousin,” pahayag ni Francis in a very urgent tone.   Nalingunan ito ni Nick habang patango-tango.   “So, what's the revenge plan?” usisa ni Mia na napaismid pa at handang-handa sa gagawin nila.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD