Nang idikit ni Mia ang suot na smart watch sa reader na nasa gilid ng pinto, kaagad niyang narinig ang matining na sound effects nang bumukas ito.
Pagpasok niya sa loob, bumungad ang malawak na silid ng Geeks Club.
Nahahati ito sa dalawang area; ang study area— kung saan makikita ang dalawang mahahabang mesa at mga bookshelves na naglalaman ng lahat ng libro patungkol sa kurso nila. at ang innovation studio o ang karaniwang tinatawag nilang computer lab.
Nahihiwalay ito sa pamamagitan ng glass walls at glass doors. Sa loob niyon ay mayroong higit dalawang dosenang computer set and laptops na hindi pahuhuli sa latest technology.
Karaniwan ng mga software at programs na gamit nila, sila mismo sa club ang bumuo at nag-upgrade. Katulad na lamang ng smart watch na mayroon ang lahat ng kanilang miyembro. Iilan lamang ‘yon sa mga naging proyekto ng club nila. Kaya nga sila kinainggitan ng ibang course dahil doon.
Lahat sila, Computer and Information Technology students sa iba’t ibang year.
Matagal na ang ‘GEEKS CLUB’, pero mukhang isa sa mga dating seniors, naisipang bumuo ng isang ‘unique’ na website.
Ang Killer Society.
Iilan lamang sa member ng Geeks Club ang nakakaalam ng tungkol doon. Sila mismong mga admin lamang, si Francis-- ang president ng club, siya-- na vice-president, si Rachel-- na girlfriend ni Francis, at sina Nick, Angel at ang duo na sina Calvin at Bogs.
Hindi iyon basta-basta isang website lang at hindi rin gano’n kadaling makapasok. Kinakalangan munang maimbitahan ang isang individual ng core member bago maging kabilang sa kanila.
Ang purpose nila ay para tumulong sa mga gustong maghigante. Pero, hindi ibig sabihin na dahil ‘Killer Society’ ang pangalan ng website nila ay pumapatay na sila.
Pero, oo, pumapatay sila-- pumapatay sila ng reputasyon at kumpiyansa sa sarili ng mga taong pinaghihigantihan nila.
Ganito ang proseso n’on; may matatanggap silang email mula sa member, it’s either a request to help a friend, o p’wede rin naman pangsarili.
Isa sa mga halimbawa ay kung niloko ng BF/GF, na-bully o may nanakit physically o verbally, at iba pang mga kaso na ni-rereview ng lahat ng admin kung karapat-dapat nga bang paghigantihan o hindi.
At kung approve, ‘saka pa lamang sila kikilos. At lahat ng ‘yon ay kinukunan para i-post sa Internet, upang sumikat ang mga taong ‘yon at tubuan ng hiya sa katawan.
Noong nakaraang linggo lang ay nakatanggap sila ng mensahe mula sa isa sa mga online member.
*************************************************************
THE BULLIES MALDITAS
To: KILLER SOCIETY
I couldn’t take this anymore that is why napilitan na akong sumulat sa inyo. Naturally, 'di n'yo ako kilala. Hindi ako ‘yong tipo ng tao na basta-basta humihingi ng tulong sa iba dahil feeling ko kaduwagan ito, pero sumusobra na sila!
Lahat na ng klase ng pamamahiya, nagawa na nila sa akin.
The last time na binully nila ako, nalaglag ako sa hagdan ng university building. At dahil malakas ang kapit nila, ipinalabas nila na aksidente lang ang nangyari dahil nakikipagharutan daw sa kanila! Imagine!? Why would I, 'di ko naman sila ka-close.
Marami pa silang nagawa sa akin na sinend ko na rin dito for evidence, para naman maniwala kayo sa 'kin. Karamihan d’yan is nakakatawa para sa iba, pero nakakainsulto sa akin.
We are senior highschool but they were acting like elementary kids with their ridiculous and stupid stunts, na hindi ko maintindihan kung bakit kinaaaliwan ng mga classmates namin. Well, I guess kinaiinisan nila ako because I’m 3 years younger than them, pero top student ako ng class. And the leader of them, Irish, na 2nd place lang, couldn’t beat me.
I know I can outsmart them in anyway that I can, but asking you will be the fastest way for my revenge, and I believe, will be most brutal and funny at the same time.
Can you help me? I promise I will help you in your next revenge project.
-BAD UGLY-
**********************************************************
Pangkaraniwan na ang mga ganitong request sa kanila, revenge sa mga nambu-bullies. Kaya bago sila gumawa ng kahit na ano, nag-iimbestiga sila kung totoo ang sources nila. They even stalk people kung kinakailangan, para makasigurong hindi sila magkakamali sa gagawin nila.
At kapag natiyak nilang totoo ang sinasabi ng requestee, doon na sila mag-uumpisa.
Well, ganito lang naman ang batas ng club nila, ang kabaliktaran ng ‘huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa ‘yo’.
Sa madaling salita, gagawin nila sa tatlong babaeng bully ang lahat ng nagawa ng mga ito sa requestee/online club member nila.
First victim, Donna, she’s really dashing and artistahin, pero kung tumawa, akala mo palingkera.
Nilagyan lang naman nila ng ilang pirasong gagambang-bahay ang iniinom nitong juice, sinamahan na nila ng buhay na uud para damang-dama. ‘Yong malalaking uud. Hayun, nagtitili lang naman iyon nang mapansin ang special ingredient sa nainuman nitong juice.
Siguro humagod iyon sa lalamunan nito.
At isinugod ito sa Emergency Room.
Ang arte, ER agad?
Second victim, Alicia, the black beauty of the three. Maganda rin ito, kung hindi lang malaki ang mata. Pinalitan nila ng bato ang laman ng gym bag nito. Pagkatapos ay tatlong palaka ang pinagbantay nila sa locker nito.
And just like Donna, isinugod din ito sa ospital, nahimatay kasi ito nang dahil sa frog princes na bumulaga rito.
And last but not the least, Irish.
Dahil wala itong bantay at nasa ospital ang dalawa nitong BFF, mag-isa itong nagpunta sa CR. Gabi na n’on at katatapos lang ng ballet practice.
They made sure na walang ibang papasok roon dahil nilagyan nila ng sign na ‘under maintenance’ ang comfort room.
Pagpasok nito, naghintay lang sila ng ilang sandali para mapaliguan ito ng fresh na leftovers mula sa canteen. Then pinatay nila ang ilaw at inilock ito sa loob. Nagpatugtog din sila ng sound effects ng nakakatakot na musical piece na ginagamit kadalasan sa mga horror movies.
Pati na ang pagtawa ng batang tila nasa ilalim ng lupa.
At dahil mahuhusay sila, tinangay rin nila ang bag nito pati ang cellphone.
Wala itong magawang nagsisisigaw sa loob, samantalang sila sa labas ay iniaayos na ang kanilang mga gamit para makaalis.
After nito, isang linggo nilang pinadalhan ng mga messages ng pananakot ang mga babae, para magkaroon naman sila niyon.
Bukod pa sa pagkapahiya kapag narealize ng mga ito na napaglaruan lang pala sila.
At lahat ng ‘yon, nakuhanan ng video at for posting na sa U-tube account nila na ‘Anonymous Tinkers’, ang nag-iisang account na affialited sa website nilang 'Killer Society'.