Mayen's POV Nang makarating kami sa bahay ay mag aalas otso y medya na ng gabi at nakita kong nasa labas ang kuya ko. Nakaupo siya tabi ng munting hardin ni mama sa may maliit na upuang kahoy. Parang hinihintay niyang makauwi ako. Nakaramdam ako ng kaunting kaba ng makita ang reaksyon ng mukha niya. Bakas ang pag-aalala dito. Patay ako nito! Nang makaparada ang sasakyan ni Kuya Vince ay mabilis akong bumaba. Sumunod naman siya at kinuha ang mga dala sa likod ng sasakyan. "Kuya bakit nandito ka sa labas?" Tanong ko ng makalapit sa kuya ko. Ngunit nagulat ako ng sumigaw ito. "Alam mo ba kung anong oras na, Mayen, ha?! Ni hindi ka sumasagot sa mga tawag ko! Ni hindi ka nagtext kung saan ka nagpunta! Hindi ko alam kung saan ka hahagilapin!" Bakas sa tono nito ang sobrang pag-aalala kaya me