Mayen's POV Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako sa kusina para kumain dahil kanina pa nagrereklamo ang sikmura ko. Humahapdi na. Napansin kong may bagong saing na kanin subalit wala pa itong bawas at may natakpan ring ulam na manok. Mas lalo tuloy akong natakam dahil sa naaamoy ko. Bumili pala ng ulam si kuya. Saka hindi pa siya kumakain, hinintay siguro niya ako. Dali- dali akong naghain para kapag pumasok siya ay kakain na kami. "Anong pumasok sa utak mo Maria Karen at sumama ka sa lalaking hindi mo ganun ka kilala, ha?!" Bulyaw agad niya sakin ng makapasok sa kusina. Nabitawan ko ang kutsara dahil sa gulat ng magsalita ito mula sa likuran.Nagulat ako ron, matagal-tagal ring hindi niya ako pinapagalitan, hindi ko na nga matandaan kung kailan yun. "Dalawang beses mo pa lang