ONE
Mayen’s POV
"Yen magpalit ka ng damit wag mo isuot yang damit ko ang laki-laki n’yan sayo oh, kaya ka napapagkamalang tibo eh! Saka may bisita ako ngayon baka makita niya yan inarbor ko lang yan sa kanya,” untag sakin ni kuya habang nasa sala kami nanood.
"Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao kuya. Ano naman kung makita niya arbor mo na nga di ba? Gusto ko itong suotin hindi mainit, lalabhan ko naman agad. Sino bang bisita mo at—?” hindi pa ko tapos sa sasabihin ko ng may kumatok sa pinto.
"Buksan mo nga baka siya na yan," utos sakin ni kuya. Kaya naman tumayo ako at pinagbuksan ng pinto ang bisita ni kuya.
"Sino ba yan?” Napaurong ang dila ko. Napatulala ako sa taong nasa harapan ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, and wow!
Matangkad. Malamodelo ang katawan. Medyo mahaba ang buhok na abot hanggang tainga at may kaunting stubbles na patubo pa lang at ang haba ng mga biyas. Perfect!
"Hi, Done checking on me?" tanong niya na nagpabalik sakin sa katinuan.
"H-ha? Uhm... p-pasok ka,” Nauutal kong sagot. Ano ba naman yan? “Mayen umayos ka nga” saway ko sa sarili. Kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko.
Nilagpasan niya ako at nagtuloy na sa loob. Nasamyo ko ang mabango niyang amoy. So natural, lalaking-lalaki. Hindi nakakasulasok sa ilong.
"Hey, yow brother! What's up Man? Kailan ka pa bumalik?" bati sa kanya ng kuya ko at may pa-hand sign pa ang dalawa.
“Nung isang araw lang, Bro. Kumusta na?” tugon sa kanya ng bisita.
“Ayos naman, whoah!Tagal nating di nagkita pero parang kailan lang no?” Tanong ni Kuya at lumingon sa gawi ko.
"Yen, magtimpla ka ng juice at maglabas ka na rin ng tinapay," utos sakin ng kapatid ko.
"Sige po kuya." sagot ko.
Tumuloy ako sa kusina at naghanda ng maiinom. Ako palagi ang inuutusan ng kuya ko, sino pa ba? Dalawa lang kaming mag kapatid. Wala rito ang magulang namin busy sa kanilang piggery sa kabilang bayan. Umuuwi lang kapag sabado at aalis na naman pagdating ng lunes.
Pagbalik ko ng sala ay isang titig ang sumalubong sakin. Nilapag ko yung hinanda kong meryenda sa mesa.
"Who is she?" turo niya sakin
"Bro, This is Mayen my younger sister 18 pa lang yan kaya bawal pa mag boyfriend. Siya yung kinukwento ko sayo dati,” pagpapakilala niya sakin sa kaibigan.
"Excuse me, kuya malapit nako mag-19 no, kaya pwede na ako mag boyfriend,” singit ko.
"Whatever, basta bawal! Siya si Vincent kaibigan ko since high school. Sila ang may-ari ng Dela Vega Enterprises."
"Hi po, nice meeting you kuya Vincent." Iniabot ko ang kamay ko sa kanya para makipag-shake hands.
Ngunit paghawak pa lang niya sa kamay ko ay parang kinuryente ako kaya naman napabitaw ako agad.
"Bro, hindi mo naman sinabi na ganito pala kaganda ang kapatid mo." wika niya habang nakatingin sakin.
"Hi, Mayen! Nice meeting you too. So ikaw pala yung kinukwento sakin ni Jester. Hindi kita nakita nong huling punta ko dito. By the way my T-shirt looks good on you." aniya habang hindi tinatanggal ang titig sakin.
"H-ha? S-sayo ba to? A-ano...hiniram ko lang to kay kuya mainit kasi. Sige po, doon muna ako,” paliwanag ko at sabay sibat na. Nahihiya ako. Siya pala may-ari ng damit na ‘to.
Hindi ko kinakaya ang mga titig niya sakin. Hindi siya naiilang kahit nandiyan lang si kuya. Kahit Nakatalikod na ako ay ramdam ko pa din ang mga tingin niya nag-iinit ang likod ko.
Bago ako pumasok ng kwarto ay nilingon ko siya. Sobrang gwapo niya grabe feeling ko nalaglag na yung panty ko kanina.
Feeling ko gusto ko na siya agad. Ilang taon na kaya siya?
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Rica ang kaibigan kong luka-luka.
"Hello bakla! Oh, bakit napatawag ka?! Wala naman tayong lakad ah." wika nito sa kabilang linya.
"Baklaaaa!” patili kong sigaw! “May bisita si kuya grabe sobrang gwapo niya. Hindi ko kinaya ang kagwapuhan niya. Crush ko na siya agad!" tili ko sa kanya.
"Agad-agad?!” Gulat niyang tanong.
Tumango-tango ako. “Oo, super! As in!” Kinikilig kong sabi.
“Gaga sa tingin mo magugustuhan ka niyan? Ni hindi ka marunong mag-ayos ng sarili mo laging panlalaki ang suot mo. Napagkakamalan ka ngang tomboy di ba?”
"Grabe ka sakin ha? Below the built na yan! Saka hindi naman siguro lahat ng lalaki ay sa porma o itsura tumitingin." tugon ko.
"At sigurado kang isa siya don? Hoy! bakla umayos ka nga! Ngayon mo pa lang nakita at nakilala yung tao. Hindi mo pa yun kilala baka mabudol ka niyan sige ka."
"Matagal na siyang kaibigan ng kuya ko since high school pa daw. And guess what balak kong alamin ang tungkol sa kanya kung may girlfriend na ba siya? Saan siya nakatira at kung ilang taon na siya?” paliwanag ko.
"Baliw ka talagang baklita ka. Bakit hindi mo na lang alamin sa kuya mo since kaibigan niya naman baka sakaling tulungan ka pa ng kapatid mo." suhestiyon niya.
"Hindi pwede bakla! Baka malaman ng magulang namin alam mo naman yan si kuya sumbungero pagdating sakin. Saka over protected yun sakin di ba?” sagot ko.
"O siya sige bahala ka, mukhang ang laki ng tama mo kay... ano nga pa lang pangalan niya?"
"Vincent, Vincent Dela Vega,” sagot ko.
"Oh my!!! Isa siyang Dela Vega?
"Yup. Why?" Tanong ko sa kanya.
"Magkita tayo, ang hirap kapag sa cell phone makipagkwentuhan. Pupunta ako dyan. Marami akong ikukwento sayo tungkol sa mga Dela Vega.”
"Wait, Nandito pa siya. Pero mukhang aalis sila ng kuya. Mamaya itetext kita kapag nakaalis na sila." sagot ko.
"Sige, sige. Text mo na lang ako later,” aniya at pinatay na ang tawag ko.
Binaba ko ang cellphone. Kinikilig ako. Sisilipin ko nga muna sila baka tapos na silang mag-usap at ng mailigpit ko na ang pinagkainan nila. Napaisip din ako. Ano kaya ang ikukwento nitong si Rica tungkol sa mga Dela Vega. Na-eexcite tuloy ako.
Pagbukas ko ng pinto ay sakto namang nandoon si kuya at nasa likod niya si kuya Vincent.
"Oh Mayen, kakatukin na sana kita. Aalis muna kami ikaw munang bahala rito." paalam niya.
"Eh kuya saan ka ay kayo pala pupunta? Sama ako please...” biro ko sa kanya.
"Wag na, diyan lang kami. Bawal ang babae don. Saka saglit lang kami babalik din kaagad." anito
"Pati ikaw kuya Vincent babalik rin dito?”
"Bakit ayaw mo ba?" tanong niya.
Syempre gusto ko. Sagot ng isip ko.
"A-ah hindi naman po. Welcome naman po lahat ng kaibigan ni kuya rito sa bahay. Sige po ingat po kayo. Babay,” Sabi ko at kinaway ang kamay sa kanila.
"Let's go Bro. May ipapakita ako sayo,” aya niya sa kuya ko.
"Kuya pasalubong ko ah huwag mong kalimutan." pahabol ko.
"Naku Maria Karen, matanda ka na para sa pasalubong. Magtigil ka diyan." binanggit pa talaga ang kumpleto kong pangalan.
"What do you want?" Lingong tanong sa akin ni kuya Vincent.
"H-huwag na po kuya Vincent. Binibiro ko lang po si kuya." sagot ko sa kanya.
"Okay! Then we're leaving." aniya at nauna ng lumabas sumunod sa kanya si kuya.
Suplado hindi man lang ako pinilit.
Dali-dali kong tenext si Rica.
Me: nakaalis na sila bakla.
Rica: Sige, papunta nako.
Nagligpit muna ako ng bahay. Iniisip ko din kung saan pupunta sina kuya. Baka man-chicks? No! Hindi pwede!