Mayen’s POV
Hindi nagtagal ay dumating si Rica. Malapit lang naman ang bahay nila. Sa kabilang baryo lang at isang sakay ng tricycle mula roon papunta dito.
Kakapasok at kakaupo pa lang niya ay tinadtad ko na agad siya ng tanong.
“Ano na? Magkwento ka na dali!” Excited kong tanong sa kanya.
“Saglit lang naman bakla! Masyado kang atat eh no? Pahingi munang tubig,” utos niya. Kaya mabilis na sinalinan ko siya ng tubig sa baso, nakapatong lang sa mesa ang pitsel ng tubig. Pagkatapos niyang uminom ay saka pa lamang ito nagsalita.
“So heto na nga yon, may pinsan kasi akong nagtatrabaho sa mga Dela Vega kaya alam ko ang mga balita tungkol sa kanila pero hindi ko pa nakikita sa personal yang Vincent na yan,” Simula niya.
“Alam mo ba? Sabi ng pinsan ko nag-iisang anak lang yan si Vincent kaya sunod sa luho at spoiled ng magulang niya. Since unico iho siya lahat ng gusto ay nakukuha niya, bukod sa mayaman pa ang pamilya niya,” dagdag pa ni Rica na ikinamangha ko.
“At sila rin ang may-ari ng Dela Vega enterprises sa kabilang bayan,”
“Eh alam ko na yan, nasabi na sakin ni Kuya kanina,” saad ko.
“Oh alam mo na pala eh, bakit mo pa ako pinapakwento?”
“Gusto ko nga malaman yung tungkol sa kanya di ba? Paano yan bakla? Tingin mo magugustuhan niya kaya ako since mayaman pala siya?” tanong ko.
“Syempre hindi! Hahanap yon ng babaeng maganda at kasingyaman niya no! Kaya itigil mo na yang ilusyon mo!” untag niya. Sobrang prangka magsalita itong si Rica at sinasabi niya kung anong sa tingin niya ay tama. Pero mabait siyang kaibigan para sa akin.
“Isa pa certified womanizer daw yan, kung sinu-sinong babae ang dini-date niya,” dugtong niya.
“Siguro kapag naging kami na magbabago na siya at ako na lang ang ide-date niya,” biro ko sa kanya pero may kalahating katotohanan ang sinabi ko.
“Over ka bakla! Pag-ibig na nga yan! Mukhang tinamaan ka na nang pana ni kupido,” tudyo niya.
“Malay mo ako lang pala ang makakapagpabago sa kanya di ba?” sagot ko.
“Naku! Maria Karen kung ako sayo, hindi ko na itutuloy ang balak ko sa kanya, babaero nga yon girl, babaero! Gets mo?”
“Sandali nga bakla, sinisiraan mo lang ata siya sakin eh dahil ayaw mo sa kanya para sakin,”
Tinuktukan niya ko sa ulo, “Hoy! Concern lang ako sayo no! First time mong mainlove at doon pa sa babaero, pinapayuhan lang kita. Kung ayaw mong makinig edi bahala ka, ikaw naman ang iiyak at hindi ako. Tanungin mo na lang ang kuya mo baka sakaling doon maniwala ka, kaibigan niya yon di ba?” aniya.
“Hindi nga pwede bakla, iisipin no’n may gusto ako at interesado ako kay Kuya Vincent.”
“Bakit, hindi ba? Akala ko ba gusto mo? Edi gawan mo ng paraan!”
“Ang harsh mo na sakin! Hindi ka nakakatulong. Crush ko lang siya, saka sa atin lang muna to ha dapat walang ibang makakaalam nito bukod sa ating dalawa,” sabi ko sa kanya.
“Okay fine! Bahala ka, basta binalaan na kita. Teka, paano naman si Lucho? Yung certified manliligaw mo at patay na patay sayo at hindi naniniwalng tomboy ka.” sabi niya na may kasamang tawa.
“Kaibigan lang ang turing ko kay Lucho at alam niya naman yon, saka hindi naman talaga ako tomboy no, mahilig lang ako magsuot ng damit ni kuya. At isa pa wala akong gusto kay Lucho, iwan ko ba kung bakit pinipilit niya pa rin sakin ang sarili niya, eh nandiyan ka naman at bagay kayo,” biro ko.
“What?! Me?! Are you serious?! Hello! Wag na uy, hindi ko siya type no!” Aniyang hindi maipaliwanag ang reaksyon ng mukha. Bahagya akong natawa dahil nagulat siya.
“Weh, palagi nga kitang nahuhuli na laging nakatingin sa kanya, palusot ka pa,” tudyo ko.
“Pwede ba Mayen, wag siya ang pag-usapan natin? So anong plano mo kay Vincent?” pag-iiba niya ng topic. Kaya hinayaan ko na lang. Feeling ko talaga may gusto siya kay Lucho.
“Magpapapansin syempre, pero gusto ko pa siyang makilala lalo na sa personal baka mali ka lang sa mga bintang mo sa kanya, saka kakabalik pa lang niya galing Amerika,” sagot ko.
“Magpapapansin ka talaga bakla? Bilib ka din talaga sa sarili mo eh no? Tingin mo papansinin ka talaga niya?”
“Ah basta, I will find my ways to catch his attention. Just watch and believe.” pagmamalaki kong sagot.
“At ano naman ang pinaplano mo aber? Baka nakakalimutan mong menor de edad ka pa!”
“Syempre, hindi naman ako lalagpas sa limitasyon bakla. I know my limitations, okay? Ano ba Rica, kaibigan ba talaga kita? Babatukan na kita dyan eh, kanina ka pa sumasalungat sa mga sinasabi ko sayo. Hindi ako makapag-isip ng matino sayo,” naiinis kong sabi sa kanya. Parang ayaw niya akong tulungan. Hays!
“Okay! Okay! Relax! Masyado kang intense. Ano nga kasi ang balak mo? Gagayumahin mo ba or aakitin si Vincent?” tanong niya.
“Rica!!!” naiinis ko nang sigaw. “Umuwi ka na nga, hindi ka naman nakakatulong eh.”
“Ha? Baliw ka ba? Kakarating ko lang tapos papauwiin mo na agad ako? Saka bukas na ko uuwi, alam naman ni Mama na dito ang punta ko sa inyo i-text ko na lang siya para ipaalam na dito ako matutulog sa inyo. Saka sayang pamasahe ko no!” tugon niya.
“A-ano? Dito ka matutulog? Hindi pwede bakla. Huwag muna ngayon.”
“At bakit hindi? Palagi naman akong nakikitulog dito sa inyo ah lalo na pag may project tayo, teka nga may nililihim ka ba sakin bakla?”
“Para kang timang bakla. Wala naman tayong project ngayon, saka wala akong nililihim sayo. Lahat nga ng sekreto ko sinasabi ko sayo eh. Wala lang talaga akong tiwala diyan sa bunganga mo. Ano kasi, babalik pa siya dito. May pinuntahan lang sila ni kuya sa labas. Saka baka dito yon matulog,” paliwanag ko.
“Bakit sa kwarto mo ba siya matutulog?” pilosopo niyang tanong. “Maganda na yung nandito ako para mabantayan kita, baka mamaya niyan isuko mo kaagad ang bataan. Remember ito ang una mong pag-ibig baka isuko mo agad yan,” aniya.
Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya. “H-Ha? Anong pinagsasabi mo bakla? Alam mo, ang advance mong mag-isip!”
“Aba maganda na yung advance no para makapaghanda tayo,”
“Ewan ko sayo, sige na nga payag na akong dito ka matulog pero yang bunganga mo ha? Baka madulas ka kay kuya sasabunutan talaga kita,” biro kong banta sa kanya.
“Okay! Promise!” aniya at nagtaas pa ng kamay bilang tanda na tutupad siya sa usapan.
May pagkaluka-luka itong si Rica pero mabait naman siya at mapagkakatiwalaan na kaibigan. Minsan lang talaga nadudulas siya sa mga sinasabi niya lalo na kapag may tinatago or may pinagtatakpan. Hindi siya magaling magsinungaling lalo na pag si kuya ang nagtatanong sa kanya.
Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko. si Mama tumatawag. Araw-araw siya tumatawag para lang mangumusta.
“Hello Ma,”
“Kumusta kayo diyan ng kuya mo, anak?”
“Okay lang po kami dito, Ma. Umalis lang po si kuya saglit kasama po ang kaibigan niyang galing Amerika. Babalik naman daw po agad,” sabi ko.
“Aba’y sino ang kasama mo riyan? Malapit ng gumabi ah!”
“Si Rica po. Dito po siya matutulog.”
“Oh siya sige. Tatawagan ko ang Kuya mo na umuwi kaagad. Baka magliwaliw na naman iyon. Mag-iingat kayo diyan at magluto ka na para maaga kayong makakain.” habilin niya.
“Sige po, Ma. I love you po! Babay.”
“Love you too, anak! Sige na, ibababa ko na at tinatawag na ako ng Papa mo, magpapakain pa kami ng mga baboy,”
“Okay po, ingat din po kayo diyan ni Papa. Ikumusta niyo na lang po ako kay Papa, Ma. Babay na po,” saad ko at pinatay ang tawag.
Hindi ko pa man din nailalapag ang cellphone ko ay tumunog ulit ito. Si kuya naman ang tumatawag. Bakit siya tumatawag?