Mayen's POV Dalawang oras na mula ng makaalis sina Kuya. Pinayagan ako ni Papa na sumama kasi kasama naman si Kuya. Pero hindi ako pinayagan ni Mama kasi boys out daw yun at masama sa babae ang nagpupunta sa bar at sumasama sa mga lalaki. Kahit sila kuya lang naman ang kasama ko. Sumang-ayon din ang kapatid ko kaya heto naghuhugas ako ng plato kakatapos lang namin mag hapunan. Naiinis ako sa kapatid ko, palagi na lang siya ang umaalis porke lalaki siya tapos ako palagi lang nasa bahay. Wala ring nagawa si Papa kasi si Mama lagi ang nasusunod. Wala na rin akong mapagsumbungan dahil umuwi na kaninang tanghali si Ninang Lourdes. Buti pa yun pinagbibigyan lagi ang gusto ko. Minsan nga ay sinasamahan pa ako at kanya pa ang gastos. Ngunit binabagabag ako ng isip ko kung bakit hindi pa rin ako