Mayen's POV Naalimpungatan ako ng marinig ang pagparada ng sasakyan sa harap ng bahay. Inaantok man ay dali-dali akong bumangon at sumilip sa bintana. Hinawi ko ng kaunti ang kurtina para makita ang dumating. Hindi ko na binuksan ang ilaw para hindi mahalatang gising pa ako. Bumaba si kuya mula sa passenger seat at sumunod si Kuya Vincent. Tiningnan ko ang oras sa wall clock at alasdos na ng madaling araw. Ngayon pa lang sila umuwi? Malamang. Napansin kong niyaya ni Kuya na pumasok muna sa bahay si Kuya Vincent. Pumayag naman ito subalit may nilingon muna sa likurang bahagi ng passenger seat. Papasok na sila ng bahay kaya nakaisip ako ng paraan para magpapansin. My God, Mayen sa ngalan ng pag-ibig nagiging desperada ka. Sana lang hindi magising sina Mama at Papa. Mabilis akong nagbihis