Chapter 12

1243 Words
"Is she? Really? She is so, so, so beautiful kuya." Rinig kong wika ni Tracy habang sila ay nasa loob ng kuweba. "Yes she is. Like you." Tugon ni Jackson kaya ako napangiti. "But my hair is white. Para raw akong matanda kasi puti yung buhok ko." "Matanda? Saan banda? Sino ba ang nagsasabi ng mga iyan?" "Yung mga nakakakita saakin dati. Matanda raw ako." "Gaano ba katanda? Matanda ka na naman na talaga." Tawang wika ni Jackson. Narinig ko pa silang nag asaran kaya ako napangiti lalo. "Kuya naman. Akala ko ba kakampi kita? Bahala ka nga-" "Cy? Anong nangyayari?" Nag aalalang tanong ni Jackson kaya ako agad pumasok. Naabutan ko si Tracy na nakapikit ng mariin katulad ng kaniyang maliit na kamay. "I've changed. It's been a hell long f*****g years, May." Aniya. "What is that?" Tanong ko kay Jackson. Bago pa siya makasagot ay napagtanto ko na ito. "You know, we're friends since we were young. She changed me, May." Pagkasabi niya'y agad niyang minulat ang kaniyang mga mata. "Oh my gosh. Who is May? Kausap niya nanaman si... ahhh...?" "He's our father, Tracy." "Father?" Kunot noo niyang tanong. "Owww. Ibig sabihin..? Ahhh. Kaya naman pala palagi kong... sino yung "mon amour"?" "Mommy?" Kislap ng mata niya ang sumalubong saakin ng makita niya ako. "Yes? Halika nga dito." Pag aya ko atsaka siya niyakap agad ng makalapit siya. "Ang ganda-ganda niyo po. Pareho daw tayo sabi ni kuya. Kaso bakit puti yung buhok ko? Bakit si kuya katulad niyo? Bakit ako hindi?" Sunod-sunod niyang tanong. "Ang ganda-ganda mo din, Tracy." Aniko atsaka siya hinalikan sa noo. Napatigil kami ng marinig namin ang yabag nila Jack. "Mon amour." Tawag niya saakin. Napatingin ako kay Tracy na pabalik balik ang tingin saakin at kay Jack. "Wow. I'm blushing, kuya." She giggled. "Bakit hindi naman puti yung buhok nila? Bakit kulay grey?" Bulong niya ngunit dinig na dinig pa rin ito. "Can we talk? Somewhere." Sambit ko kay Jack atsaka lumabas. Nakarating kami sa kung saan atsaka ko siya hinarap. "Magkakilala kayo ni May? Magkaibigan na pala kayo dati pa. Bakit hindi ko man lang alam?" Para siyang nabigla na naguguluhan sa tanong ko. "Hindi ka naman nag tanong." Sagot niya kaya ako napamura ng mahina. "Paano ako mag tatanong, wala naman akong ideya na magkakilala na pala kayo dati pa. Malay ko bang kaibigan o kakilala mo pala lahat." "Let me-" "Kainin mo iyang paliwanag mo." Aniko atsaka umalis. Sumunod pa siya saakin ngunit hindi ko na siya pinapansin. Pagtapak ko ay nakarinig ako ng tunog ng lubid at nakita ko na lamang ang sarili kong nakatali ang paa sa puno. Sa ibaba ko naman ay nandoon si Jack na tumatawa. "Now you can listen to my explanations." Tawa niyang sabi kaya ko siya minura. Sinadya niya talaga ito? Argh. "Ibaba mo ako dito." Utos ko ngunit umiling lamang siya habang nakangiti. Ang dalawang braso niya ay pinag krus niya na parang tuwang tuwa sa kalagayan ko. "I fell for him, but the hell, I also fell on his f*****g trap." "Ano iyon?" Tanong niya kaya ko siya inirapan. Hindi ko siya pinakinggan sa mga sinasabi niya at pinipilit na alisin ang tali saaking paa. Dahil sa masyado itong mahigpit ay sinubukan kong makahawak dito upang gamitin pang akyat ng sarili ko sa makapal na puno. Pagkaakyat ko'y umikot ako atsaka tumalon pababa. Kailangan ko ng matalim na bagay upang maputol ito. Napatingin ako sa maliit na patalim na nakasabit sakaniyang hita. Nagkasalubong kami ng tingin at nakita na lamang namin ang sarili naming naglalakad palapit sa isa't isa. Kukuhanin ko sana ang patalim sa kaniyang hita ngunit hinawakan niya ang aking dalawang pisngi atsaka ako hinalikan. . "Ibalik mo ang libro saakin!" Sigaw ng lalaki na sa pagkakatanda ko'y siya ang nakausap namin ni Damon dati bago ko mapalaya ang trio. "Hindi mo naman ito libro. Ako ang unang nakakuha." Balik ni Jack. "Ngunit ako ang unang nakahanap!" "Saakin na ito." Sambit niya. Napatingin ako sa librong hawak niya. Ito 'yong librong nakita ko dati sa eskwelahan. Nakarating sila sa lagusan na nilagusan namin dati ni kuya. Gumawa si Jack ng kaniyang buhawi atsaka doon sumakay. Nakapasok siya sa library namin at mabilis niyang nilagay ang libro sa kung saan ko ito nakita dati. Nakita ko ang sarili kong naglalakad papalapit sa pinaglagyan niya. Sa kabilang parte naman ay nandoon si May na naghahanap ng libro. "Hi." Bati sakaniya ni Jack kaya siya napatalon. "Nandito ka nanaman? Anong ginagawa mo dito?" "May naghahabol saakin. Hanapin mo 'yong librong nilagay ko doon." Aniya atsaka na sumakay sakaniyang buhawi. Bago pa kami magkita ay lumabas na ako. Ito yung nabasa ko na ang nilalaman ng librong pinag aagawan nila ng matanda kaya ako nanghihina. . "Oh ano? Bakit ka nakaupo diyan?" Tanong ni Jack kay May na nakaupo sa gilid ng kalsada. Magsasalita pa lang siya ay naunahan na siya ni Jack. "Alam mo ba, may nagugustuhan ako dito." Aniya. "Lahat naman nagugustuhan mo." Sarkastikong wika ni May. "Oo rin. Pero iba eh. Parang may kakaiba sakaniya." "Lahat naman may kakaiba. Iba iba kasi silang babae mo." Sagot ulit ni May. Sa tono niya ay naiinis siya kay Jack. Marahil ay hindi niya man lang pakinggan ang nararamdaman o problema ni May. "Itanong mo nga yung pangalan niya." "Bakit ako? Anong naman ang kapalit?" "Gold?" Nakangiting sagot ni Jack kaya parang kumislap ang mata ni May. "S-sige. Saan ba siya nag aaral? Nag aaral ba siya o hindi?" "Sa inyo rin. Pareho kayo ng suot." . "Ayun! Siya yun. Bilis itanong mo yung pangalan niya." Ani ni Jack. Napatingin ako sa babaeng tinutukoy niya at nagulat na ako iyon. Nakikipag tawanan ako sakanila Amara habang kami ay nasa lamesa. "Siya? Seryoso ka?" "Oo. Siya yun." Sagot ni Jack. "Ayoko. Kung gusto mo, ikaw na ang mag tanong." Sambit ni May atsaka naglakad palayo. "Teka, teka. Bakit? Sayang naman yung mga golds na ibibigay ko sa'yo." "Basta. Ayoko." Madiing sagot ni May. "Bakit nga?" Pangungulit ni Jack. "Kasi siya yung dahilan bakit ako naiinis noong sinabi mo saakin na may nagugustohan ka." "Bakit nga? Is she bad?" "Yes." Sagot niya agad. "Anong ginawa niya sa'yo?" "Tinignan ba naman ako ulo hanggang paa? Tapos noong nasa cafeteria kami, ako yung nauna pero siya yung inuna. I hate that bitch." Madiin at irita niyang sabi. "I like that. I like her even more." Natatawang wika ni James kaya masama siyang tinignan ni May. "Sige. Siya na ang kaibigan mo." "Ano ba ang pangalan niya?" "I don't know. Wala rin akong pakialam." "Kay?" "Sakaniya." "Kanino?" "Diyan kay Talisha." Inis niyang sabi kaya humalakhak si Jack. "Sige. Mauna na ako. Wala ka ng gold, ok? Okay." Aniya atsaka na umalis. . "See? Even before." Wika niya atsaka ako niyakap. Ibig sabihin ay dito nanggaling ang librong iyon? How about the other? Yung librong nanggaling sa lalaking nakasalamin? Pinutol niya ang tali saaking paa. Bigla naman akong may napagtanto kaya siya tinulak palayo. "How did you do that? Did she kissed you... again?" Tanong ko. The time where I kissed him and my memories got back, she kissed me. Ibig sabihin, ganon din ang nangyari ngayon? In terms of memories thing, I supposed she has the ability. "You mean, how did I let you see that part of my past? It's because you were there and I let you." Tinaasan ko lang siya ng kilay bilang tugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD